“Hon–” tawag ko kay Justin. Pinuntahan ko siya dito sa mini bar dito sa bahay. “Bakit hindi ka pa natutulog?” Inabot niya ang kamay ko at hinala para paupuin ako sa kandungan niya. “Galit ka ba sa akin?” “No hon, hindi ko kayang magalit sayo. Hindi ko lang maiwasan na matakot na baka tuluyan kang maagaw ng Allegrie na yun kapag bumalik ka sa bahay niya.” Aniya at niyakap ako bewang. “Hon wala ka naman dapat na ikatakot eh, isa pa wala si Karson diyan nasa us siya.” paliwanag ko. Hinawakan ko ang dalawang pisngi niya para mag takbo ang paningin namin na dalawa. “Pero paano kung bigla siyang dumating at kunin niya kayo ni Kyrie sa amin?” Parang bata na saad niya sa akin. “Kung umuwi siya edi maganda. Ang totoo kasi niyan hon, gusto ko ng sabihin sa kanya ang tungkol sa atin na nagkab

