“Mom, diba po ang depression ay parang yung nawawala din sa sarili?" Tanong sa akin ni Christy habang kumakain na kami. Hindi ko na rin nasagot pa ang tanong ni Kyrie sa akin kanina dahil bigla sumingit si Jonathan na kumain na muna kami at mamaya na lang pag usapan ang lahat. “Parang ganun na nga." Sagot ko at pinunasan ang gilid ng bibig niya. “Ibig sabihin po ba mommy na baliw po kayo dati?” Napa tigil ako sa akmang pag subo ko ng kutsara ng muli siyang magtanong. “Christy hindi porket na depress ang mommy mo ay na baliw na siya." Singit ni Justin. Nasa kandungan niya si Kyrie at sinusubuan. " Pero yon po narinig ko sa sinabi ng mga yaya ng kaklase ko. Sabi po kasi niya na depress daw po ang kapatid niya ng dahil sa na scam ito at nawala daw sarili kaya daw po na baliw.” sagot pa n

