Xia Rose Uy Monticello POV “Y-yes sir, may kailangan po kayo?” Tanong ko kay Justin ng ibaba ko na ang aking cellphone. Nanatili namang madilim ang kanyang mukha habang naka kuyom kanyang mga palad. “Ayusin mo ang gamit mo ngayon din at aalis tayo." Seryoso utos niya at tumingin sa aking cellphone. “Ho? Ngayon na po ba?" Ulit na tanong ko sa kanya. " Bakit may problema ba kung ngayon tayo aalis? May reklamo ka ba sa trabaho mo? Kasi kung may reklamo ka, ngayon pa lang sabihin mo na para makahanap ako ng bagong sekretarya ko.” malamig na turan niya sa akin napalunok naman ako dahil sa sobrang seryoso ng boses niya. “Naman po sir sige po aayusin ko na po yung gamit ko." Sagot ko at hindi na ako nagtanong pa kung saan kami pupunta susundin ko na rin lang kung ano ang gusto niya para

