Xia Rose Kahit na duda ako sa sinabi ni Justin na may pinuntahan siyang kaibigan dito sa subdivision ay sumakay pa rin ako sa sasakyan niya. Hindi ko maiwasan na imposibleng hindi niya alam kung saan kami na katira dahil pina investigahan na niya ako nung una pa lang. " Seatbelt honey.” aniya na agad na lumapit sa akin para ikabit ang seatbelt sa akin. Napa pigil naman ako ng hinga ng naamoy ko ang mouthwash na galing sa bibig niya. Napapikit pa ako ng amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga. Nang hindi ko pa rin naramdaman ang pag kabit niya sa seatbelt ay dahan dahan kong minulat ang aking mata at ganun na lang ang gulat ko ng mag tama ang aming mga mata. Hindi ko alam kung gaano na niya ako katagal tinitigan at pinagmamasdan. “S-sir–?” Nauutal na saad ko at hindi ko alam kung ga

