“Mommy, Daddy, wake up” Naalimpungatan ako sa malakas na yugyog ni Kyrie sa aking balikat. Napakusot ako sa aking mata at unti unting nag mulat. “Kyrie, anak.” Ani ko at bumangon sa kama. Buti na lamang at nakasuot na ako ng pajama. Siguro ay sinuotan ako kagabi ni Justin, hindi ko na rin kasi alam ang mga nangyari dahil nakatulog na ako kaninang madaling araw dahil sa sobrang pagod. Hindi ko na rin alam kung ano oras kaming natapos na dalawa, basta ang natatandaan ko lang ay tatlong beses niya akong inangkin at hindi niya ako tinigilan hanggang sa nakatulog na ako kanina. “Mommy, why did you sleep here in daddy’s room? Bakit po hindi ka tumabi sa amin ni ate Christy?” Sunod sunod na tanong niya sa akin kaya na pasulyap ako sa daddy niya na hanggang ngayon ay tulog pa rin. Alanganin akon

