Sa isang napakaluwang na bulwagan sa loob ng Mansiyon ni Claudius na kilala rin sa tawag na Villa Hermanuevo, ay nagsisimula nang magsidatingan ang mga miyembro ng mga Council Of Elders. Binubuo ito ng mga kinatawan ng iba’t-ibang angkan ng mga anak ng buwan sa Pilipinas. Naroon at nakaupo na ang mga pinuno ng bawat angkan, ang mga nakatatandang Aswang, mga Sangre, Mangkukutod, at iba pang mga nilalang ng dilim na kasama sa mga pinarusahan noon ni Bathala. Sila ang mga nag-aklas laban sa kanya na pinamunuan ni Aniloakan, ang itim na diwata sa ikatlong mundo na tinatawag nilang Sinukluban. Ngayon, bilang pinaka pinuno ng mga anak ng buwan dito sa Pilipinas, unti-unti nang nakikinita ni Claudius Rickman ang papel na gagampanan niya para maisakatuparan ang mga ipinaglaban ni Anilaoka

