"Ang ibig mong sabihin nagkakagulo ngayon sa mundo naming mga tao?" ang nangangambang tanong ni Randy kay Demetria. "Dahil sa kagustuhang maghari sa mundo ay hinikayat ni Claudius ang iba't-ibang angkan ng mga anak ng buwan sa buong mundo na lusubin at salakayin ang mga malalaking lungsod at pamayanan para mabawi at pagharian muli ang sanlibutan." Ang tugon ni Demetria. Tumayo siya at ipinagpag ang balat ng k*****y na usa. "Nag-aalala ako sa pamilya ko sa Tarlac." Huminga ng malalim si Randy. "Kailan pa nagsimula ang kaguluhan sa aking mundo?" ang muling tanong ng binata na nagkaroon ng interest sa mga sinasabi ni Demetria dahil sa pag-aalala sa kanyang pamilya. "Totoo ba ang sinasabi mong iyan Demetria? Bakit wala akong nababalitaan tungkol sa ikwinekwento mong si Behem

