"Randy! Okay ka lang ba?!" Ang nag-aalalang pasigaw na tanong ni Odessa kay Randy. Patakbong nilapitan ni Odessa ang lalakeng kasama. "O-okay na ako. Iniligtas ako ni Demetria." Ang tugon ni Randy na medyo mahina pa dahil sa muntikan na siyang lunurin ng Berberoka. "Demetria? Sinong Demetria?" ang muling tanong ni Odessa na nag-aalala pa rin sa kanya. "Hindi ko rin siya kilala. Naligo siya dito sa ilog. Tapos inatake ako ng Berberoka yun niligtas niya ako. May kapangyarihan din siya naging kuwago siya at lumipad palayo dito sa lugar." "Demetria...Demetria. Pamilyar sa akin ang pangalan pero di ko lang alam kung nagkakilala na kami dati." Pilit na inaalala sa isipan ni Odessa ang pangalan ni Demetria ngunit tila kusang binura sa kanyang alaala tungkol sa mga tao

