CHAPTER 38

2727 Words

    Iminulat ni Alex ang kanyang mga mata at sumalubong sa kanya ang nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa araw. Tinakpan niya sa kanyang kamay ang sinag ng araw at doon ay nakita niya ang dalawang mukhang pamilyar sa kanya.      "Tito Alex?!" ang tawag sa kanya ni Margaux na tuwang-tuwa pagkakita sa kanya.      "Kumusta ka na? Okay ka na ba?" tanong ng may pag-aalalang si SPO1 Caren Tejo.      "Ano'ng nangyari? Na'san ako?" Ang tanong niya na pilit na pinipikit ang mga mata sa nakakasilaw na sikat ng araw. Nakapuwesto ang higaan niya sa bintanang tinatamaan ng panghapong sikat ng araw.      "Nandito po tayo sa isang rescue center dito sa Bulacan tito Alex. Iniligtas po tayo ng mga sundalo." ang tuwang-tuwang balita ni Margaux.      "Huh?" tanging tugon ng naguguluhang si Alex.     

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD