Sarap na sarap sa kanilang hapunan ang isang pamilya sa isang mamahaling restaurant sa tabi ng isang malaking mall sa Bonifacio Global City sa Taguig. Hindi gaanong karamihan ang mga kumakain ng mga oras na iyon kaya medyo tahimik ang lugar. Mag-aalas-sais pa lang ng gabi at may kadiliman na ang paligid. Marami sa mga tao sa labas ang paroo't-parito sa mga kalsada. Ang ilan ay papauwi na sa kani-kanilang mga pamilya at ang ilan naman ay mag-uumpisa pa lamang ang kanilang oras para sa kanilang trabaho. Medyo makulimlim ang panahon ng mga sandaling iyon. Maaaninag pa rin ang liwanag na nagmumula sa buwan kahit na natatakpan ito ng may kanipisang maiitim na ulap. Mahinang hangin ang sumasalubong sa mga taong nagmamadali sa kanilang paglalakad. May mga iilan ang nagbukas ng kani-kanilang m

