IHP 10 Makalipas ang ilang linggo ay halos hindi ko na makita si mommy at daddy sa bahay dahil sa sobrang abala nila sa trabaho sa kumpanya. Si Kuya naman ay halos hindi na nagpapakita sa amin dahil nasa ibang bansa ito at siya ang namamahala ng board duon at may mga kausap itong investors. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayare at kung ano ba ang dapat kong gawin dahil kung usapang kumpanya at opisina ito ay wala akong maitutulong dahil hindi ako maalam dito. Hindi ko rin naman alam ang problema dahil ayaw nilang ipaalam sa akin. Napahinga na lamang ako at pinag patuloy ang pag ja-jogging ko. Tinanggal ko ang earphones sa tenga ko at nag pasyang dumaan muna sa bake shop para kamustahin ang lagay nito. Pagka pasok ko sa bake shop ay kaagad kong naramdaman ang mabigat na awra na pumap

