IHP 29 Nagising ako na nasa isang puting kwarto. Napatingin ako sa gilid ko at may nakaturok na IV fluid saakin. Napahinga ako nang malalim at bumuntong hininga. Bigla nanamang nag-tubig ang mga mata ko ng maalala ko ang nangyare kay Austin. Dali dali akong bumangon at dinala ang IV fluid palabas ng kwarto. Naabutan ko doon si Mommy, si Kuya at si Mon na nag-uusap. Malulungkot ang mukha nila at napansin kong si Mon ay namumula ang mga mata. Napatingin sila saakin. Umatras ako. Ayokong marinig. Ayoko. Lumapit saakin si Mommy at niyakap ako ng mahigpit. "Anak..." Garagal ang boses ni Mommy, nanginginig ang katawan nito. Tumingin ako kay Kuya pero nag-iwas lang siya ng tingin. Ganoon din ang ginawa ni Mon. Unti unting bumigat ang paghinga ko at napahagulgol na sa braso ni Mommy. Ramda

