IHP 21 Hindi ko na alam kung anong nangyayare kay Austin. Noong nakaraang linggo ay halos hindi na siya umuwi ng bahay at hindi na kame nagkakausap dahil lagi siyang pagod. Sinusubukan kong intindihin siya pero hindi ko talaga maintindihan eh. Bakit siya umiiwas tuwing kakausapin ko siya? Pu-pwede naman niyang sabihin saakin kung may problema siya diba? I'm his girlfriend, I will help him kapag may problema siya. Gusto kong pagaangin ang kung ano mang nararamdaman niya ngayon pero wala akong magawa. Wala akong magawa dahil iniiwasan niya ako! Kung hindi siya iiwas ay tulog siya o kaya wala siya dito sa bahay. Pilit kong iniisip at inaalala kung may nagawa ba akong mali eh. Pero wala naman sa pag kaka alala ko. Wala. Bakit ganoon? Gabi na at andito ako sa salas. Inaantay nanaman siya. Lag

