Angela: Luke!! 11:11 na wish ka na dali! Bilis
Saglit ko syang tiningnan at muling bumalik sa pagbabasa
Angela: Bilisan mo na uy! Hilingin mo yung pinakaimportanteng bagay para sayo
Luke: Gela naman! malapit na yung midterm exam namin oh!
Angela: P-pero
Luke: Ano ba!
Ang isip bata nya hindi naman totoo ang mga hiling hiling na yan eh
Angela: Anong hiniling mo?
Luke: Ang kulit mo naman eh! mamaya mo na ko guluhin!
Angela: pero ano nga?
Luke: Gusto mong malaman kung ano? hiniling ko na sana tigilan mo nako! Ang kulit mo nakakasawa ka na!
Angela: o-ok
After 7 years...
Luke: Ano nararamdaman mo? kumusta yung baby?
Angela: okay naman.Napapadalas nga lang yung morning sickness
Luke: That's normal. Iniinom mo ba yung mga vitamins mo? yung para kay baby?
Angela: Yup! Naman ako pa ba?. Wait anong oras na?
Natigilan ako at tumingin sa relo
Luke: 11:09 na bakit?
Angela: Hala susundiin na pala ako ng asawa ko! Una na ko Doc ah? thank you ulit.
Pag-kaalis nya napuno ako ng mga tanong. Mga tanong na paulit ulit na ginugulo ako sa loob ng pitong taon.
Kung mas pinahalagahan ko ba sya kami yung magkasama ngayon?
Kung di ba ako naging pabaya sakanya masaya ba kami ngayon?
Kung inuna ko ba sya sa kahit na ano hahantong ba kami sa ganito?
Kung ang hiniling ko ba noon ay ang makasama sya hanggang dulo magiging masaya ba ako?
Kung mas pinili ko ba sya kesa sa ambisyon ko kami ba ang magkakaanak ngayon?
Muli akong napatingin sa relong suot suot ko
11:11
Kung hihilingin ko ba na sana mabago ko yung hiniling ko noon matutupad kaya?