Happy Birthday

1065 Words
The Heart Of Geniuses By:b_phyxiaters Zaechy's POV "Zae sabay na ba tayong pupunta sa bahay? Alam mo naman si Dad ayaw nun na wala ka sa birthday niya" sabi ni Sheen saakin "Sige sheen sabay na lang tayo wala naman akong dadaanan sa bahay namin ehh" "Ah ganun ba edi mabuti pero Zae satingin mo ba magugustuhan ni daddy yung regalo ko sakanya? Para kasing ang simple" "Oo naman pinaghirapan mo kaya yun" "Salamat Zae at tinulungan mo akong makaisip ng magandang regalo para kay dad, the best ka talaga!" "Anything for my bestfriend, eh yung regalo ko ba okay lang?" "Ang ganda kaya zae! Ang mahal mahal pa! yaman mo kasi noh?" "Hindi ako yung mayaman,pera yun ng parents ko pero someday magiging mayaman din ako mas mayaman pa sakanila" "Wag mo akong kakalimutan ha?" "Baliw! Malamang mayaman ka na din nun!" Pagkatapos naming kunin yung report card namin sa faculty ay dumiretso na kami sa bahay nila Sheen kailangan kasing maaga kaming makapunta para maiayos pa namin ang sorpresa para sa daddy niya "Zae okay na na ba itong designs na ito? para kasing ampangit tignan icheck mo nga" "Sandali lang sheen tatapusin ko lang itong foods" sagot ko naman Ewan ko ba dito kay Sheen lagi nalang niyang hinihingi ang approval ko sa lahat ng bagay minsan nga sinasabihan ko din siya na wag siyang dumepende saakin kasi may sarili siyang buhay at kahit naman na nilolokoloko ko siya bestfriend ko pa din yan noh kaya ayaw ko na hindi siya confident sa mga desisyon niya sa buhay Pagkatapos ihanda ang pagkain ay pumunta ako sakanya para icheck yung designs "Sheen ang ganda ganda kaya! Itry mo din kayang i- appreciate yung sarili mong gawa" "Ewan ko din eh, feeling ko kasi may mali sa lahat ng ginagawa ko" "Wag mo akong gayahin Sheen,be proud of yourself kasi ganun kami saiyo, lalo na ang dad at mom mo sanaol nga Hahaha" pabiro pero may kurot sa pusong sabi ko "Okay sige" Di nagtagal ay may narinig na kaming katok sa pinto "Zae magtago kana sa likod ng sofa bilisan mo dali!!" Pabulong na sabi ni Sheen "Sino mag bubukas ng pinto?" Tanong ko "May susi si dad magtago ka na kasi papatayin ko pa yung ilaw" Pinatay na nga niya yung ilaw at nagtago nadin sa tabi ko hawak ang cake at ako naman yung banner Ilang sandali pa ay nakarinig nadin kami ng mga yapak "Bakit andilim? Wala pa ba si Sheen? Anong oras na ahh" sabi ng daddy ni Sheen sa sarili niya pagkabukas niya ng ilaw agad na kaming lumabas dahil yun na ang hudyat "Happy Birthday!!"sabay naming sabi ni Sheen "Itong mga bata na ito,ginulat niyo ako! Pero maraming salamat" sagot ni tito philip "Dad i-blow mo na yung cake mo!" At binlow na nga ng dad niya ang cake at sabay na nagwish like typical birthday celebrants "Tito kain na po tayo,ako po ang nagluto niyan" sabi ko sabay turo sa lamesa na puno ng pagkain "Wow Zae, salamat nakong ha? Maasahan ka talaga kahit kailan" "Ako pa ba tito? Syempre naman" Umupo na kaming lahat at kumain Kumakain at nagkwekwentuhan lang kami ng bigla kaming tanungin ni Tito Philip "Kayo ba ay may mga boyfriend na?" "Anong tanong ba yan dad? syempre wala ako! Si Zae ang tanungin niyo yieee" mapangasar na sabi ni sheen "Ahh wala po tito loko loko lang po itong si Sheen" sabi ko at tinapakan ang paa ni sheen sa ilalim ng mesa "Ouch!" "Oh anak anong nangyari?" Tanong ni tito "Wala po dad natama ko lang po yung paa ko sa lamesa" "Mabuti naman at wala kayong mga boyfriend,magaral muna kayo nang hindi kayo matulad saamin na kailangan pang magkahiwalay kumita lang ng pera" tukoy ni tito sa Mommy ni Sheen na OFW "Speaking of mom,sinabihan niya po akong tumawag mamayang 7pm saktong gising na po kasi siya nun sa America" Pagkatapos kumain ay pumunta kami sa sala para manood ng paboritong Series ni tito "Ayy tito nakalimutan ko po. ito nga po pala yung regalo ko sainyo" sabi ko sabay abot ng isang paper bag "Wow salamat zae! Ang ganda nito at bagay na bagay sa mga pantalon ko" sabi ni tito matapos makita ang regalo kong belt "Nasabi po kasi saakin ni Sheen n gusto niyo po talaga ng ganyang belt" "Daddy! Si mommy tumatawag na, ito dali" sabi ni sheen sabay abot ng phone niya kay tito "Hi Pa! Happy Birthday!" Bungad ng mama ni sheen "Salamat Ma, kamusta ka naman ba diyan?" "Okay lang naman,Oo nga pala sa susunod na linggo ko na lang ipapadala yung regalo ko saiyo,mahigpit kasi ang amo ko at ayaw ako palabasin" "Sana ipadala mo na din ang sarili mo pabalik dito,alam mo naman na ikaw lang ang gusto kong regalo" sagot naman ni tito sa malungkot na tono "Pa,alam mo namang hindi pwede yun may kontrata akong pinirmahan,atsaka para naman sa future ni Sheen itong ginagawa ko" "Sige, sana matapos na yang kontrata na iyan..." Nagtatampong sabi ni tito Pagkatapos nun ay ang mahabang katahimikan "Ahh dad... Ito nga po pala yung regalo ko sainyo" pambasag ni Sheen sa katahimikan at iniabot ang regalo niya "Anak ang galing mo naman! Ang tataas ng grado mo!" Oo,yung report card niya yung regalo niya hindi kasi siya makaisip ng regalo nung nasa mall kami kaya sinuggest ko sakanya na baka gusto ng tatay niya na makita ang matataas niyang marka "We're so proud of you anak!" Sabi naman ng mommy ni sheen "Salamat po mommy at daddy!" Sabi ni sheen Mapapa sanaol ka nalang talaga her grades are high but not as high as my grades, yun nga lang her parents were more proud than my parents does That's the truth and the whole painful truth. Pagkatpos ng mahabang gabi ay hinatid na din nila ako pauwi "Salamat sa pagpunta Zae! Labyu!" Sabi ni sheen "Salamat ineng ah" dagdag pa ng dad niya "Welcome po,gusto niyo po bang pumasok para magkape o juice?" "Hindi na Zae gabi na din kasi" sagot ng daddy ni sheen "Sige po drive safely. Sheen text text na lang bye!" Hayys andito na naman ako sa bahay na pinaka ayaw kong pasukan every single time wag kayong magalala mom and dad magiging proud din kayo saakin not now but soon. mapapatunayan ko din ang sarili ko sainyo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD