Ep. 0

1508 Words
" Sunday! Where should i put this?" Tinignan ko ang box na hawak nya. "Dun na lang! Pakilagay na lang dyan sa may gilid" turo ko sa isang sulok na wala masyadong nakakalat. Nilibot ko ulit ang paningin ko sa buong kwarto na bagong nilipatan ko. "Hyaah..." Tinignan ko lang si kuya Inad na humilata sya sa sahig. Kanina pa kaming umaga nag aayos ng mga gamit ko, it's already 2:00 o'clock in the afternoon pero napakarami pa rin ng mga dapat kong gawin. "I don't think we can finish arranging all your stuffs today" sambit nya habang nakapikit at nakapatong ang braso sa kanyang noo. Tama sya... Sa tingin ko rin hindi namin matatapos ayusin lahat ng gamit ko ngayon. Nailagay na namin ang karamihan ng gamit ko sa tamang lalagyan, pero kung titingnan marami pa rin ang boxes na hindi nabubuksan. It's just now that i realized how much stuffs i brought with me here. But I'm certain, pinili ko lang yung necessities ko for the next two years.. "I still don't get it.." bigla syang nagsalita. Akala ko ay nagsasalita lang sya nang mag-isa pero bigla syang tumingin sakin. "Ang alin?" "I don't get why you suddenly decided to move out and live on your own. Can you tell me the reason?" He suddenly got curious. But even if i tell him the REAL reason kung bakit ginusto kong bumukod, I don't think maiintindihan nya. In fact, I don't think anyone would understand. Ako man ay hirap. Kaya't walang dahilan upang ipaalam pa itong sa kahit kanino mang iba lalo na't kalakip ng dahilan na ito ang isa sa mga sikreto ko na ayokong malaman pa nila. " Just because.." walang pakundangan kong sagot sabay iwas ng tingin. "Seriously, bro?!" Lumabas ako ng kwarto para umiwas sa mga tanong nya dahil alam kong hindi sya titigil hangga't hindi sya kuntento sa isasagot ko. Mas mabuti nang umiwas, baka madulas pa ko at masabi ko sa kanya lahat. "Don't avoid my question. Gusto ko talagang malaman. I think there's more to it pero ayaw mo lang sabihin" Sinundan nya ko hanggang kusina para lang kulitin ako. Hayss. 'f*ck his smart ass...' Nasapo ko na lang ang noo ko. Kahit kailan ay napaka dali nitong maka-pick ng sitwasyon at mga bagay bagay. Gayunpaman ay hindi ko pa rin gustong sabihin iyon. lalo na't kapag sinabi ko ito sa kanya ay tiyak kong ipaaalam din nito sa aking nakatatandang kapatid ang ano mang sabihin ko. "Sinabi ko na sayo, wala nga lang to. Sadyang narealized ko lang bigla na gusto kong mapag-isa. Besides, mas malapit tong condominium sa university ko kesa sa bahay natin sa cavite. Hassle mag-drive simula Dasma hanggang Manila araw-araw. " Sinimulan kong ihanda yung mga ingredients sa pagluluto. Nakakagutom maghalungkat at mag ayos ng gamit buong araw, at mas makakabuting takpan ng pagkain ang bibig ng lalaking to bago pa ko may ibang masabi. Hindi naman siguro halatang gumagawa lang ako ng dahilan, di'ba? "Ngayon mo lang narealized kung kelan gagraduate ka na next year?" He suddenly glared at me suspiciously. " What?... Magsisimula pa lang ang school year ngayon, so basically i still have two years to spend in univ. And sooner or later kapag dumating na yung results, magsisimula na ang internship ko. I'm just saving some time and energy" ' common..! Stop asking already! ' palihim kong pagmamaktol sa aking isipan. I sighed in relief when he shrugged his shoulder. It means he's convinced. Somehow. " Fine. But what about Jasper?" Napahinto ako. Sinasabi ko na nga ba. Nothing can passed through him. " What about him? " Dahan dahan kong tinuloy ang pagluluto. Muntik ko pang mahiwa ang sarili kong daliri sa biglaang tanong nya. " Alam ba nyang lumipat ka na dito?" I frowned for a moment...pero parang wala lang na tinuloy ang ginagawa ko. ' don't make it too obvious, not too obvious.. ' bulong ko sa aking sarili " I don't know.. " then i shrugged. Nilingon ko sya nang sandali syang matahimik. Nakatingin lang sya sakin na parang nakarinig sya ng di kapani-paniwalang bagay. " I didn't expect that from you, li'l bro! " Lumapit sya at inakbayan ako. Na agad ko din inalis. ' isa pang panggugulo hahamapasin ko na talaga to ng sandok ' " What are you talking about?.. and get your ass off. I'm cooking, you bastard" pagtataboy ko sa kanya. " Fine. Fine. But seriously?? Is this really my little brother talking to me right now? Did you two, break up? " At last, hinampas ko pa rin sya nang malakas ng sandok na hawak ko. " You're so bad,li'l bro. Why are you so hot headed today? May regla ka ba?" Bumalik sya sa panonood sa ginagawa ko pero minsan naririnig ko pa rin syang nagpipigil ng tawa. "Laugh or shut up, choose one" tinapos ko ang pagluluto at di na sya inintindi. Maya maya ay narinig ko din ang malakas nyang kalakhak. That idiot.. kung hindi lang sya boyfriend ng nag iisa kong kapatid ay kanina ko pang naibato sa kanya ang hawak kong sandok. --- Nang mag-isa na lang ako nang gabi ding yun, naalala ko ang sinabi ni kuya Rence. Humiga ako at pumikit.. pero hindi ako makatulog dahil pumapasok sa isip ko ang usapan namin kanina at ang mukha ni Jasper. -------------------------------------- "Did you two break up?" -------------------------------------- No... Mas madali nga sigurong sabihin kung ganun talaga yung nangyari, pero hindi. My brother's jokes keep popping up on my mind. It's easy for them to c***k those jokes 'cause they don't know that i really am inlove with a man. And to make it worse..to my bestfriend since I was a child. I can't tell them face to face that I ran away because of a heartbreak. and it was from a man, I am not that shameless. So I decided to run away. That's my only choice. And That is also why i decided to move out of our own house without telling him. I want to avoid him entirely but i can't, specially because we go to the same college and knows each other's family. ' i should've gotten rid of this feelings a long time ago ' I regretted keeping this to myself, and now desperately getting rid of it. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- " Hyung... I ----.. N-no, i mean Jasper... You know, i like you, right? " Hinigpitan ko ang kapit sa damit nya. Sobrang higpit na ayoko nang bitawan ito. " Yes, Yes. " He leaned closer and caressed my cheeks. " Jasper, I... I like you a lot..." I cried and embraced him. And he immediately hugged me back. " Me too, sunday... I.. " i waited for him to finish his words. As i was so happy and ready to embrace him more.. He pushed me away... " I'm not gay.." ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- *[ Kringgggg.. .. Kringgggggggg ...] Hingal na Hingal akong umupo sa aking kama mula sa pagkakahiga. Panaginip lang pala.. Pawis na pawis ang aking mukha hanggang sa aking leeg. Dahil sa panaginip na iyon ay ilang minuto akong tulala sa kawalan. Nang matauhan ako ay dali dali akong nagpunta ng banyo at naligo. Mas mabuti siguro kung lalabas na lamang ako at magpapaka busy. Kailangan ko ding bumili ng grocery at ng ilang gamit na kailangan sa bahay. Ito na lamang siguro ang pagtutuunan ko ng pansin. Pagdating ko sa Mall ay naglibot muna ako. Pumasok ako sa mga shop na nakitaan ko ng mga products na ginagamit ko tulad ng perfumes, clothes, appliances, etc. Bumili din ako ng DVD's para may mapanood ako sa bahay mamaya pag uwi. After ko mabili ang mga bagay na kailangan ko, pumunta ako sa parking para ilagay sa sasakyan lahat ng pinamili ko. Muli akong bumalik sa loob para kumain at mag-grocery naman. "welcome sir. Table for how many people po?" salubong sa akin ng isang crew sa restaurant na paborito kong kainan sa mall na 'to. "I'm alone, so just a table for two is fine" sagot ko at agad naman nya akong iminuwestra papunta sa lamesang pang dalawahan. Madalas ako sa restaurant na to pero ngayon lang ako mag isang pumunta rito. Nakakapanibago at awkward at the same time. Para bang nahihiya ako dahil ako lang ang mag isang walang kasama dito. Baka akalain ng mga ibang tao ay lonely ako. "oh,sir sunday! nandito po pala kayo" lumapit sakin ang isa sa mga tauhan dito na naging malapit na din sakin, si Trixia. Tulad ko ay college student din ito at pumasok lang ng part time para matustusan ang sarili. Naging kaclose na rin namin ito ng aking mga kaibigan na madalas kong kasamang pumunta dito dahil ito ang madalas na kumuha ng order namin at mabait din ito. "ah yes. Naisipan kong dumaan at kumain muna bago ako mamili ng grocery para sa bahay" sagot ko " nakalipat na kasi ako malapit dito at ngayon lang ako nakapag ayos" " ganun ba? mabuti yan. Ano nga palang order mo?"

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD