NATIGILAN ako sa tanong niyang yon. Ibig sabihin ba nito siya rin yong kumatok sa opisina ni Crem kanina? Masyado akong nagpadalos dalos at hindi man lang inalalang baka may makakita sa akin na pumasok sa opisina ni Crem. Hindi ko mapigilang murahin ang sarili dahil sa kapabayaan. "M-May binigay lang ako kay Sir Crem kaya ako nandon," palusot ko. Halatang hindi ito naniniwala sa sinabi ko pero hindi na siya nagtanong pa tungkol don. "I-Ikaw anong ginagawa mo dito?" pag-iiba ko ng topic. "I'm Mr. Laxamana's new secretary," pakilala niya. Iniabot sa akin ang palad upang makipagkamay. "Azalea Rhian Filoteo. I'm sorry for my attitude earlier." "Ano ka ba? Wala sakin yon!" Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. "Kaliraiah Del Fierro." Pakilala ko. Saglit na natigilan ito nang marinig ang ap

