"MR. LAXAMANA?" Rinig namin ang boses ni Azalea mula sa labas ng opisina. Nanlaki ang mga mata ko at agad na binitiwan ang pagkalalake ni Crem. Doon lang tuluyang rumehestro sa utak ko ang ginagawa namin. Mabilis kong pinagpupulot ang damit ko na napunta na sa kung saan saang parte ng office ni Crem. Lihim kong ipinagpasalamat na pinigilan ko siyang punitin ang damit ko kanina kung hindi ay mapipilitan akong sira sora ang saplot na lumabas sa opisina nito upang hindi lang kami mahuli. Ang bilis ng t***k ng puso ko habang sinusuot ang damit ko dahil sa takot na baka mahuli kami nito. Ano na lang ang iisipin nito kapag nahuli kami? Wala naman kaming masamang ginagawa ni Crem dahil normal lang ito sa mag asawa pero ang kaso ay hindi alam ni Azalea na kasal kami ng boss niya. Tyaka isa pa

