AYOKO mang paniwalaan ang sinabe nito ay hindi ko maiwasang mapaisip. Bakit hindi iyon dumaan sa utak ko? Tanging si Azalea lang ang may acess sa mga gamit ko nang hindi pinaghihinalaan nila Lennox dahil siya ang naatasan ni Crem para roon pero hindi ko lubos maisip na magagawa niya yon. Umiling ako. "Bakit naman gagawin iyon ni Azalea? Oo, nag-away kaming dalawa pero hindi niya iyon magagawa sa akin!' giit ko. Tinawanan lang ako nito. "Bakit? Gaano mo na ba siyang kakilala?" taas ang noong tanong nito, para bang confident na confident sa sinasabi niya. "Alam mo bang kaya siya napaalis sa team namin ay dahil gustong gusto niya ang nakukuwang atensyon mula sa mga lalake. May gusto siya kay Sir Crem kaya imposibleng hindi niya rin iyon gawin dahil hindi niya makuwa ang boss niya!" Hindi k

