PAGOD akong nahiga sa kama. Walang mas masarap na pakiramdam kun'di ang malamig na higaan matapos ng mahabang araw galing sa trabaho. Dahil hindi na muling nagpakita si Crem sa opisina ay maayos akong makapag-concentrate sa trabaho pati sila Ate Janna ay halatang naginhawaan din nanh hindi na muling dumalaw ang boss namin. Iniabot ko ang cellphone ko mula sa bedside table nang umilaw ito. Hindi na 'ko nagtaka pa nang makitang maraming notifications ang natanggap ko mula sa gc ng team namin. Hindi na 'ko nagdalawang isip pa at i-clinick ito. Bumungad sa akin ang mahabang conversation ng mga ito. Tatlo lang kami sa group chat pero aakalain mong mahigit bente ang member nito dahil sa ingay nila. Kenneth: Welcome @Azalea. Lol! Wag ka mahiya magkalat dito, mukha lang nangangagat yang mga yan,

