Chapter 6

1595 Words
AGAD kong nakuwa ang atensyon ng mga ito. Binitawan nang ginang ang binata bago ako tuwang nilapitan. "Caliraya. My dear. Is that you?" Agad ako nitong sinalubong nang isang mahigpit na yakap nang makalapit ito. Kahit nagtataka ay agad ko naman itong ibinalik. Agnes Laxamana is Crem's biological mother. Isa itong kilalang pintor sa france at minsan lamang umuwi sa Pilipinas upang bisitahin ang kaniyang anak dahil sa trabaho. Pinanlakihan ko nang mata ni Crem na nakatayo sa likod ng kaniyang ina pero nagkibit balikat lamang ito. Mukhang wala rin siyang ka-ide-idea na uuwi ang ginang ngayon. "Tita Agnes. Kaylan ka pa po nakauwi?" bati ko nang sandaling lubayan ako ng ginang. "Sana nasundo ka po namin." Hindi ko mapigilang tubuan ng hiya. Kung alam ko lang na uuwi ito ngayon ay sana nakapaghanda man lang ako. Hindi ako prepare na harapin ang mother in-law ko. "Well It's alright. I know both of you are busy, tyaka isa pa baka masira ko lang ang honeymoon niyo kung aabalahin ko pa kayo diba," makahulugan nitong saad. Hindi ko mapigilang napangiwi ng marinig mula rito ang salitang 'honeymoon' Kung alam lang nito ang lagay namin ni Cream baka hindi niya sabihin pa ang mga iyon. "Speaking of honeymoon. Parang nana-naba ka yata, iha," aniya. Bigla tuloy akong na-conscious dahil sa sinabe niya. Medyo lumakas nga akong kumain simula nong tumira ako sa bahay ni Crem pero hindi naman siguro ako ganon kalakas kumain para mapansin nito ang biglaang pagtaba ko diba? "My god! Don't tell me?!" Napahawak pa ito sa bibig tila ba gulat na gulat. "Are you pregnant, Raiah?" Utomatikong nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabe ni Tita Agnes. Pati si Crem na nasa likod nito ay mukhang nagulat den sa sinabe ng kaniyang ina. Abot langit ang ngiti nang ginang habang inaantay ang sagot ko dahilan para kabahan ako. How can I answer her? Ever since his son and I get married, we never did the act. Siguro nga nasa iisang bubong lang kami at walang masama kung gawin namin ang bagay na 'yon pero wala pang nangyayare sa amin ng anak nito. Nihindi nga manlang kami nito nagtatabi sa iisang kama o naghawak kamay manlang simula ng ikasal kami. Pasimple kong tinignan si Crem, mabilis namang nagsalubong ang mga mata namin. Para bang parehas kami ng iniisip sa sitwasyon ito. Sa huli ay ako rin ang naunang nag-iwas ng tingin at ibinalik ito sa ginang na nasa harap ko. Pilit siyang ngitian pero mukhang ngiwi ang kinalabasan non. Bigla tuloy sumakit ang ulo ko nang wala sa oras. "WHAT KIND of husband is he? He can't even take care of his own wife!" Pinapanood ko si Tita Agnes na parang batang hindi binilhan ng candy kung makapagtampo sa anak niya. Mukhang hindi pa rin ito maka-move sa nangyari kanina. Mabuti nalang at mabilis na pumagitna sa amin si Crem nang sabihin niya iyon at pina-intindi sa ina nito na mali ang iniisip nito at hindi ako buntis kagaya ng inaakala niya. Mukhang nalungkot naman ang ginang ng malamang hindi pa ito magkaka-apo kaya ito siya ngayon sinesise ang anak kung hindi pa rin ako nabu-buntis hanggang ngayon kahit ilang linggo na rin kaming kasal. "That impudent bastard! He can't even make time for his wife and his mom whom he just met after a long time. Tsk. Nagmana talaga sa amain," pagpapatuloy niya. Dahil week end ngayon ay ako lamang ang naiwan sa bahay kasama si Tita Agnes dahil day off ni Lola Emirita. Habang si Crem naman ay kinailangang bumalik sa opisina para tapusin ang mga naiwan nitong trabaho doon. Gusto pa sana nitong magpa-iwan upang makasama ang ina pero mukhang importante ang meeting nila ngayon kaya hindi nito magawang hindi pumunta. "It's alright, Tita Agnes," pagpapakalma ko rito. "Busy lang talaga si Crem. Lalo na't bumalik na ulit sa secret cliente si Declan. Walang nang ibang mag-aasikaso sa mga iniwan nitong trabaho sa kompanya kun'di si Crem." Mangiyak ngiyak itong tumango. "Right. Thankfully you're here, Raiah. If you're not here then I wouldn't know what to do with that ungrateful son of mine." Hindi ko mapigilang mapangiti dahil don. Hindi tulad ng ibang byanan na ayaw sa mga asawa ng anak nila ay ibang iba si Tita Agnes. Mukha man itong evil mother-inlaw sa mga teleserye na napapanood ko, na bibigyan ka ng 1million pesos o higit pa layuan mo lang ang anak niya ay iba naman si Tita Agnes. Siguro ay dahil na rin palagi kong kasama ang anak niya noon kaya botong boto ito sa akin. "Oh, I almost forgot!" biglang nawala ang lungkot sa boses nito at napalitan ng excitement na ikinapagtaka ko. "I have pasalubong for you. I'm sure you'll like it." Para itong batang nilapitan ang mga gamit niya at iniabot sa akin ang isang puting paper bag na agad ko namang inabot. "Nag-abala pa po kayo, tita." Akmang bubuksan ko ang paper bag na salubong nito nang pigilan niya ko. "You can open it later, my dear," aniya tila ba ayaw nitong ipabukas saakin ang pasalubong niya. Kahit nagtataka ay sinunod ko naman ito at itinabi sa gilid ko. Napangiti naman ito dahil sa ginawa ko. Madame pa itong sinabe about sa anak. Nagtanong din ito kung kelan ba namin pinaplanong magka-anak ni Crem pero pasimple kong pinalitan ang topic at tinuon ang atensyon niya sa ibang mga bagay. Mukhang hindi naman nito napansin ang pasimple kong pag-iwas ko sa mga tanong niya. Lumipas ang oras at inubos namin iyon sa pagkwe-kwentuhan ng mga bagay bagay. Nabanggit rin nito na kaya siya umuwi sa pinas ay upang tulungang ang apprentice niya sa unang art gallery nito. Nang dumating ang gabi ay naisipan nito ipagluto ako nang specialty nito. Matagal tagal na rin pala noong huli kong matikman ang luto nito. Habang ako naman ay pinanood ko lamang ang ginagawa nito sa tabi at paminsan-minsan ay tinutulungan siya sa paghihiwa. Hindi rin naman kasi ako ganon kagaling pagdating sa pagluluto. Noong unang beses ko yatang magluto ay nasunog ang buong kusina namin sa bahay. Simula no'n ay pinagbawalan na 'kong pumasok sa kusina ni Daddy dahil sa insidenteng iyon. Nabalik ako sa ulirat nang marinig ang pagparada ng sasakyan mula sa labas. "Looks like your husband is here." Mabilis nitong hinablot ang kamay ko at hinila akong papalabas. "C'mon! We should wait for him outside!" kinikilig nitong bago ako itulak palabas. Nang makalabas kami ay saktong paglabas naman nang binata mula sa kotse nito. Katulad ng dati ay halata rito kapaguran. Mukhang nagulat pa ito nang makita kami ng kaniyang ina. Naramdaman ko ang pasimpleng pagtulak sa akin ni Tita Agnes. "Go and welcome your husband, my dear. There's no sweeter than a wife giving a kiss to her tired hubby after a long day." Hindi pa tuluyang narerehistro ng utak ko ang sinabe niya nang muli akong nitong itulak papalapit sa anak. Kahit si Crem ay mukhang nagulat din sa biglaang paglapit ko. Gulat kong hinarap si Tita Agnes. Abot lang ang ngiti nito at mukhang inaantay ang gagawin ko. Nag thumbs up pa ito tila ba chini-cheer ako. Hilim akong napamura sa isipan. Wala naman siguro akong ginawang masama sa past life ko para pahirapan ako ng ganito noh? Ilang beses pa 'kong humugot nang malalim na hininga bago unti-unting lapitan ang nagtatakang si Crem. Nang makahinto ako sa harap nito ay sandali pa 'kong humugot nang lakas ng loob bago dumukwang upang bigyan ito ng isang halik sa pisngi. Mukhang gulat naman si Crem sa ginawa ko at hindi sinasadyang tumagilid ang ulo nito at saktong pagtama nang mga labi namin. Saglit lang iyon pero ramdam ang koryenteng dumalay sa katawan ko. Nanlaki ang mga mata ko kasabay nito ay ang malakas na t***k ng puso ko tila ba tinatambol ito sa bilis ng kabog. Kahit si Crem ay halatang natigilan din. Rinig ang sunod sunod na tili nang kaniyang ina mula sa likod dahilan upang mabalik ako sa ulirat at rumehistro sa utak ang nangyayari. Hindi ko mapigilang mapatakip sa labi. Ramdam ko ang pamumula sa mga pisnge ko. Hindi na 'ko magtataka pa kung magmukha akong kamatis ngayon sa harapan niya. "How sweet," rinig kong aniya ni Tita Agnes. "I never thought you would be this sweet to your husband, Raiah," pang-uudyo nito tila ba hindi siya nagtulak sa akin kaninang gawin iyon. Pilit ko itong suklian nang maliit na ngiti kahit pa sa totoo lang ay gusto ko nalang mawala sa mundo dahil sa kahihiyan. "L-Let's get inside. B-Baka lumamig na yong niluto ni T-Tita," pag-iiba ko nang topic at ginawa ang lahat upang hindi kami muling magtama nang tingin namin ng binata. Pakiramdam ko tuluyang na 'kong nalunod sa kahihiyan. Hindi na 'ko nagsayang pa nang oras at mabilis na tinungo ang hapag at hindi na inintay pa ang mga ito. Naramdaman ko rin naman ang pagsunod ng mga ito pero pilit kong itinuon ang atensyon sa pag-aayos sa mga kubyertos kahit pa sa totoo lang ay gusto ko nang magsisigaw dahil sa frustration. Nang matapos ito ay agad akong naupo sa bakanteng upoan katabi si Tita Agnes. Iniwan muna kami ni Crem sa hapag upang magpalit ng damit pang bahay. Hindi naman nagtagal ay bumalik rin ito at naupo sa upoang nasa harapan ko. Napuno nang katahimikan ang hapag. Ramdam ko ang pasimple tingin na ibinabaling saakin nang binata. Pilit ko namang itong iniignora at nagsimula nang kumain kahit sa totoo lang ay hindi ko mapigilang ma-concious sa tinging ibinibigay niya. May dume ba 'ko sa mukha?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD