Dadi Walter

2340 Words
KANINA pa pabaling-baling sa higaan si Lanie pero hindi siya dalawin ng antok. Kahit anong pilit niyang ipikit ang mata ay ang pangyayari sa kuwartong ‘yon ang kanyang nakikita. Minsan na siyang nakakita ng dalawang taong nagsisiping pero hindi katulad kanina sa nakita niya. Ang alam niya kapag ang isang babae at lalaki ay parehas na walang saplot ibig sabihin ay gumagawa sila ng bata. Kung ganoon parang nakakapagod naman gumawa ng bata at nakatiwarik pa ang paa ng babae. “Apo, para kang kiti-kiti at napakagalaw mong matulog.” Napalingon siya sa boses ni Lola Pasing kaya napakagat siya sa ibabang labi dahil nakalimutan niyang magkatabi pala sila sa kama. “Namamahay lang po ako, Lola. Puwede po ba akong bumangon?” Tanong niya. “Hala, sige. Pero huwag kang bababa ng hagdan at baka gumulong ka.” Paalala nito sa kanya. “Opo, Lola. Dito lang ako sa pasilyo at magpapa-antok lang po ako.” Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at sumilip muna siya bago lumabas. Hawak niya pa ang tsenelas ng isang kamay habang ang isang kamay niya ay nakahawak naman sa laylayan ng palda niya upang hindi siya makasanhi ng ingay lalo pa at des oras na ng gabi. Wow! Mas maganda ang tanawin kapag gabi. Bulalas niya habang nakatanaw sa malayo. Iba’t ibang kulay ng mga ilaw sa kapitbahay at kahit puno ng kahoy ay mayroon rin mga nagkikislapang ilaw. Hindi naman pasko pero maraming palamuti. “Gising ka pa?” Napalingon siya sa likod at agad siyang napangiti nang lumapit si Roy. Ang driver ni Donya Adelina at si Roy rin ang humila sa kanya kanina. “Oo, eh. Hindi ako makatulog naninibago pa kasi ako. Ikaw, bakit gising ka pa?” tanong niya pabalik. “Nagpapaantok lang ako. Siyangapala may balita ako sa iyo, naka-enroll ka na sa university kanina.” “Talaga? totoo ba ‘yan, Roy? Makakapag-college na ako?” hindi makapaniwala si Lanie sa narinig. Tumango si Roy kaya umiyak na siya sa labis na tuwa. Maagap siya nitong niyakap at mas humagolhol pa siya nang iyak. Wala siyang ibang naiisip ngayon kundi ang kapakanan ng mga mahal niya sa buhay na iniwan niya sa bundok para sa pangarap niyang ito. Ipinapangako niyang pagbubutihan niya sa pag-aaral at mas sisipagan niya sa paninilbihan dito sa mansyon upang matuwa sa kanya ang amo niya. “P—Pasesnya ka na, Roy. Nadumihan ko pa tuloy ang damit mo.” Mangiyak-ngiyak pa rin si Lanie at ngumiti lang si Roy. “Ayos lang. Masaya ako para sa iyo, at kapag may bakante ako magboboluntaryo ako kay señora na ako ang maghahatid at sundo sa iyo.” “Naku! Nakakahiya naman baka mapagod ka sa byahe. Ayos lang ako ang sabi naman ni Lola ay tuturuan niya ako sa mga pasikot-sikot dito sa Maynila.” “Huwag mong isipin ‘yon. Syanga pala, bukas ay sasamahan kitang bumili ng mga gamit mo sa mall. Tas ipapasyal din kita para naman hindi ka maging ignorante dito sa syudad.” “Sige Roy gusto ko ‘yan.” Bungisngis niya saka sila nagpaalam sa isa’t isa at pumasok na siya muli sa kuwarto.” MALINIS na ang paligid nang magising ang ibang kasambahay. Maging si Lola Pasing ay nagulat dahil alas sais pa lang pero malinis na ang kapaligiran. “Maaga yata kayong nakapaglinis?” Napalingon ang lahat nang marinig nila ang boses ng donya na kagagaling lang sa labas at ang tingin nito ay agad na dumapo sa kanya. “Magandang umaga ho, Donya Adelina.” Magalang na pagbati ni Lanie. “Napakapormal mo naman neng. Ikaw marahil ang naglinis sa bakuran pati sa kalsada pala winalisan mo rin?” “Oho, Donya Adelina. Sanay lang ho kasi akong magising nang maaga kasi po doon sa amin ay maagang nagigising ang mga tao.” Paliwanag ng dalagita. “Kung ganoon ay mas maganda ‘yan neng dahil mag-aaral ka na at kailangan mo talagang gumising nang maaga. Sige, mag-almusal na kayo.” Sabay-sabay na nagpasalamat ang mga kasambahay at bumalik na sa sala ang donya. Binalingan siya ni Panie ito ang close niya mula nang dumating siya kahapon. Matanda lang sa kanya ng pitong taon si Panie kaya nagkakasundo sila. “Ma’am lang ang itawag mo kay Donya Adelina hindi talaga siya nagpapatawag na Donya dito sa mga katulong dahil nakakatanda raw.” “Naku, pasenysa na ho. Hindi ko alam.” “Hayaan mo marami pa akong ituturo sa iyo. Sige na magtimpla ka na ng kape dahil maglalaba pa tayo.” Tumango-tango agad si Lanie at kumuha ng tasa at nagtimpla rin siya para sa mga kasamahan niya. Magkakasalo silang nag-aalmusal at sarap na sarap si Lanie sa sinangag at hotdog. Nakakamay lamang siya at ginagawa niyang tubig ang kape habang sumusubo ng kanin. “Sa tingin ko ay magiging dambyana ka dito, Lanie. Ang lakas mong kumain!” tumatawa si Rama at nagtawanan rin ang dalawa pang katulong. “Pansin ko nga malakas kumain itong si Lanie. Baka mamulubi ang Donya.” Pangagatong pa ni aling Sayong. “Pasensya na kayo, naninibago lang ako sa pagkain. Masarap kasi talaga.” Nahihiya niyang sabi at mas lumakas pa ang tawanan ng mga katulong. Sikat na ang araw nang matapos sila sa paglalaba ng mga kurtina. Washing machine lang kasi kaya alas otso y media lang ay nakasampay na sila. Papasok siya ng kusina at eksaktong hawak ng lola niya ang tray na may laman na juice at sandwich na may dahon-dahon. “La, tulungan ko na ho kayo.” Pagboboluntaryo niya habang hindi maalis ang tingin niya sa sandwich at juice. Nakainom na siya ng juice sa bundok kapag pasko lang at bagong taon at saka malabnaw pa. Pero itong juice na ginawa ni Lola Pasing ay nakakasabik lalo pa at malamig at may payong-payong pa at mayroon pang cherry. Yung sandwich naman ay mayroong palaman sa gitna natatakam talaga siya. Ngayon lang kasi siya nakakita ng ganoong pagkain ano kaya ang lasa? Tiyak na sobrang sarap! “Mabuti pa nga apo, dalhin mo na doon sa swimming pool dahil kanina pa ‘yan hinihintay ni señorita.” Napakurap siya at pinigilan ang panunubig ng kanyang lalamunan. “Sige ho, La.” Tugon niya at dahan-dahan siyang naglakad paakyat sa hagdan patungo sa swimming pool dahil naroon sa ikalawang palapag ang swimming pool. Maingat ang dalagita habang humahakbang paitaas. Narinig niya ang malakas na tawa ng isang babae na mula doon sa swimming pool. Nagtungo na siya roon ngunit hindi pa siya nakakalapit ay biglang niya na naman nabitawan ang hawak na tray at nagsanhi na naman ‘yon ng ingay. “What the hell?” Malakas ang boses ng babae at bigla siyang yumuko at pinulot niya ang sandwich at nilagay niya sa tray. Kinuha niya ang basag na baso at ang juice na nagkalat sa sahig. “Yaya?” Bigla siyang nanginig nang marinig niya ang baritone boses ng lalaki sa kanyang gilid at paglingon niya ay ang namumulang talampakan at mabalahibong binti ng lalaki. Mas lalo siyang napayuko. “P—pasensya na ho sir. Hindi na ho mauulit.” Mas lalo pa siyang napayuko at napapaiyak na siya sa sobra niyang kaba. Ano na lang ang sasabihin ng amo niya na kebago-bago niya pa lang tas poro kapalpakan na ang nagawa niya mula pa kagabi. “What’s your name?” cold na tanong ng lalaki. “L—Lanie ho, s—sir.” Nauutal-utal niyang tugon. “Okay, look at me, Lanie.” Sunod-sunod ang paglunok ng dalagita sa sinabi nito. Kahit kinakabahan ay unti-unti pa rin siyang nag-angat ng tingin at tiningala niya ito. Nakayuko rin ang binata at agad na nagtama ang kanilang mata. Napaawang ang labi ng binata at ang sanay sasabihin nito para sa dalagita ay tila ban a stuck sa lalamunan nito sapagkat walang lumabas na salita sa kanya. Nakatitig lang ito sa takot na takot na mukha ng dalagita na bakas pa ang iilang butil ng luha sa gilid ng mga mata. “Hey, Love!” untag ng babae na ngayon ay nakapolupot ang robe sa hubad nitong katawan kanina. Sumama ang mukha ng babae nang makita siya at dahil siguro nakatitig siya sa nobyo nito kaya sinipa siya ng babae kaya natumba pa siya. “Don’t hurt her, Doreen!” maotoredad na turan ng binata. Magsasalita pa sana ang babae pero kinabig na ito ng binata palayo sa kanya. Hindi maiwasan sundan ng tingin ni Lanie ang dalawa at natuon ang atensyon niya sa binata. Siya ‘yong lalaking nakita ko kagabi do’n sa kuwarto. Siya ba si Dr. Walter na sinasabi sa akin ni Emman? Malalim na napabuntong hininga ang dalagita nang akbayan ni Walter ang babae na parang walang nangyari. Na parang hindi siya sinaktan no’ng babae kanina… tuloy parang nabundol ang dibdib niya. Binawi niya na lang ang tingin nang makapasok na sa loob ang dalawa. Saka niya pa lang napansin ang kamay niyang nakatukod sa tiles na dumudugo na pala dahil sa bubog. Pinahid niya na lang ang kamay sa damit niya para mawala ang dugo pero masagana pa rin na lumalabas iyon sa kanyang kamay. Binilisan niya na lang ang pagpulot ng mga bubog at nilagay lahat sa tray at bumaba siya ng hagdan. Eksaktong pababa siya nang may bumusina nang sunod-sunod sa gate. Tinanaw niya wala pala doon ang guwardyang nagbabantay baka nag-almusal siya na lang itong nagtungo sa gate at nilagay niya ang tray sa gilid at binuksan niya ang gate. “Mabuti na lang tinuruan ako neto kahapon ni Roy. Ay, baka si Roy na ‘yan at pinag-drive niya si Don Wilson.” Kausap ng dalagita sa kanyang sarile at hindi niya maiwasan ma-esxcite dahil kagabi ay nangako si Roy sa kanya na bibili sila mamaya ng mga gamit para sa school niya at ipapasyal pa siya sa mall. Dali-dali niyang hinila ang malaking gate nakangiti pa siya kahit pa hindi niya makita si Roy sa loob dahil nga tainted ang sasakyan. Pero hindi pa nakapasok ang sasakyan nang huminto ito sa mismong gate. “Roy ipasok mo na!” saad niya hanggang sa bumukas ang pinto at ang ngiti sa labi ng dalagita ay napalitan ng pagkagulat nang hindi pala ito si Roy. Napamaang siya dahil sa sobrang tangkad ng lalaki at may kulay ang kanyang mga mata. Ang guwapo niya! “Hey, what happened to you?” Bigla na lang nag-aalala sa kanya ang guwapong lalaki pero hindi pa rin siya nito hinawakan nakatitig lamang ito sa hitsura niya. Dahil iyon sa dugo sa kamay niya. Tinuro niya ‘yong tray at tila napahinga nang maluwag ang lalaki. “What the f**k are you doing here?” Mula sa kaniyang likod ay napalingon si Lanie sa parang galit na boses at mas lalo pa siyang napanganga nang sa wakas ay natitigan niya nang mabuti si Dr. Walter. Matangkad rin pala ito at halos sa dibdib lang yata siya nito aabot at kahit pa salubong ang kilay ng binata ay nagsusumigaw pa rin ang kaguwapohan nito. “I want to talk to Doreen.” Sagot ng lalaki at umigting pa ang panga ni Walter. “Stay away from my fiancée or I’ll bury you alive!” Pagbabanta ni Walter. Nakatitig lamang si Lanie sa binata pero hindi man lang siya nito tinatapunan ng tingin. Pero ang lalaki ay tumawa lang. “Easy bro. I'm not getting back with my exes I'm just here to talk about—“ Ngunit hindi natapos ng lalaki ang sasabihin nang bigla na lang itong sinuntok ni Walter at bumalagta ang lalaki sa semento. Nagulat ang dalagita at mas nagulat pa siya nang bumunot ng baril si Walter at tinutok iyon sa lalaki. “Leave or I’ll shoot you.” “Hey, Love! Put down your gun!” sigaw ng babae at lahat sila ay napalingon. Tumakbo ito bigla at parang doon pa lang nahimasmasan si Walter at tinapon nito ang baril sa may gilid ng pader. Pumulupot agad ang kamay ni Walter sa baywang ng babae. “I’m sorry, Love. I am f*****g jealous with your f*****g ex!” saad ni Walter. Hinawakan ni Doreen ang mukha ni Walter at siniil ito ng halik sa labi. Tinugon iyon ni Dr. Walter kaya napaiwas ng tingin ang dalagita at binalingan niya na lang ang lalaking natumba. “Sir, are you okay?” tanong niya at tinulungan niya ito makatayo. Sumilay ang ngiti sa labi ng lalaki at nakatayo na ito. “Yeah, thanks to you. What’s your name, by the way?” “Lanie po, sir.” Sagot niya. “Alright, Lanie. Thank you for your kindness.” Nakangiti pa rin ito at ngumiti rin siya. “Get back to work, Lanie!” Maoteredad na turan ni Dr. Walter sa kanya kaya napatingin siya dito. Kanina lang nang makalapit dito ang babaeng si Doreen ay nahimasmasan ang galit nito pero ngayon ay galit na naman. “I’ll go ahead, see you around, Lanie.” Saad ng lalaki at lumapit na ito sa sasakyan nito at pumasok. Binuksan nito ang bintana at tiningnan siya. Lumapit siya upang isara sana ang gate dahil umatras na ang sasakyan nito pero naunahan siya ni Dr. Walter at ito ang nagsara ng gate. “Bye, Lanie.” Pahabol pa ng lalaki. “Ba-bye po!” sagot niya at winagayway pa niya ang kamay at ganoon rin ang lalaki. Ngunit laking gulat niya nang hinawakan siya sa pulsuhan ni Dr. Walter na nakalapit na pala sa kanya. “What are you doing?” hindi maipinta ang mukha ni Walter at siya naman ay natulala. “Love?” boses sa kanilang likod at kaybilis siyang binitiwan ni Dr. Walter at tinalikuran siya. Sobra ang kabog ng dibdib ng dalagita at napahawak siya sa pulsuhan kung saan ang bakas ng kamay ng binata. Hindi siya komportable sa tuwing magkakalapit sila ni Walter at ang paghawak nito sa kanyang pulsuhan kanina ay namahid siya dahil parang may bolta-boltaheng kuryenteng dumadaloy sa kaugat-ugatan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD