Daddy Walter- 5

2486 Words
NANUNUOT sa lalamunan ni Lanie ang isang klase ng pagkain na kinuha niya kanina. Hindi niya alam kung anong uri ng pagkain ‘yon ngunit napakasarap. Sumubo muli siya ng isang kutsara at muli na naman siyang napapadyak nang mahina sa ilalim ng mesa. Pasimple niyang tingnan si Walter na nakatabi niya. Para itong walang gana dahil paunti-unti lang ang sinusubo. Kinuha niya ang baso at pinakatitigan niya iyon. “What’s wrong?” untag sa kanya ng binata. Marahil kanina pa nito napapansin na malikot siya. “Doc, juice po ba ito? Bakit kulay pink?” inosente niyang tanong. “Bakit ano ba ang dapat na kulay ng juice?” tanong nito pabalik sa kanya. “Yellow. Katulad no’ng ginagawa ni Lola. Saka, tingnan mo ‘yon kulay asul naman. Hala! Iba’t-ibang kulay sila? Ano kaya ang lasa no’n?” Sinundan ng binata ang kamay niyang nakaturo sa isang lamesa kung saan ay may iba’t ibang kulay nga ng inomin. Ngunit sa iba napukaw ang atensyon ni Dr. Walter, sa isang lalaking kadarating lang yata at nang makilala ito ng doctor ay agad na kumulo ang dugo nito. “Doc, kukuha pa ako ng ganito kasi—“ “Stay here!” maotoredad nitong habilin sa kanya. Napatingala na lang siya nang tumayo bigla ang binata at umalis. Susundan niya sana ito ngunit mas inaakit siya ng mga pagkain. Gusto niya lahat tikman ang mga nakadisplay. Tumayo nga si Lanie at hawak niya ang pinggan patungo do’n sa mga nakahilera. May mga iilan na kumukuha at siya naman ay napapalunok. Sa paningin pa lang ng kanyang mata ay sarap na sarap na siya. Hawak ang plato niya at siya na mismo ang nagsandok at katulad ng gusto niya ay pinuno niya ng pagkain ang pinggan niya. Gusto niya sana dalawang pinggan ang lagyan niya ng pagkain kaso kumuha rin siya ng isang baso ng kulay asul na juice at ‘yong pula ay mamaya na babalikan niya ‘yon pagnaubos niya na ang isang baso kasi hindi niya mabitbit pa kung pagsabay-sabayin niya. Habang naglalakad siya pabalik sa lamesa ay nagtawanan ang isang grupo sa kabilang lamesa. Napatingin siya do’n at sa kanya ang mga tingin ng mga kababaehan. Pagtingin niya sa gilid ay gano’n rin ang kabilang lamesa. Tumingin pa siya sa likod at sa harap at mas lalong nagtawanan ang mga tao. Nagbubulungan pa at muling tatawa. May mga kalalakihan rin pero nakatingin lang ito sa kanya. ‘Yong mga babae talaga ang umaapaw ang halakhak. Nasa gitna siya ng mga ito at pinupulutan ng katatawanan. Hanggang sa isang dulo ng lamesa kung saan may limang lalake na nakaupo at ang isang lalake do’n ay tumayo at naglakad papalapit sa kanya. Natulos kasi siya sa kinatatayuan at hindi malaman ang gagawin. “Come here, sweety.” Kinuha ng lalake ang pinggan niya at hinapit siya nito sa kamay. Nagpatianod siya at dinala siya nito sa sulok kung saan ay wala na sa paningin ng mga tao. May iilan naman tao dito pero hindi nakita ang pagkapahiya niya. Umupo sila at nilagay ng lalake ang pinggan sa mesa at kinuha pa nito ang baso sa kamay niya. “You were with Walter. Where is he?” “U—umalis po, eh. Saka, salamat po pala pero bakit nila aki pinagtatawanan? May mali po ba sa suot ko?” inosente pa rin nitong wika. “No. You are absolutely stunning. You are a vision of loveliness.” Malambing na tinig ng lalake. “Ikaw din ho ‘yong kanina na may mga kamukha. Triplets po ba kayo?” “Yeah. We’re Triplets.” Nakangiting tugon ng binata. “Sandali lang ho sir. Nagugutom pa rin ho kasi talaga ako, eh. Kain po muna ako, ah? baka bumalik na si doc at mag-aya nang umuwi sayang naman ‘to. Lantakan ko muna.” Walang kimeng turan ng dalaga sabay na kinabig ang pinggan. “Wait, wait.” Pigil sa kanya ng lalake. Napatingin lang siya dito baka gusto nitong makipagsalo sa pinggan niya. “Alam mo ba kung bakit ka pinagtawanan sa loob?” “Bakit po?” naguguluhan niyang tanong. Magkatabi silang naupo pero tumayo ang lalake at inayos ang upuan sa harapan niya. “Ano uli ang pangalan mo?” “Lanie po, sir.” “Okay Lanie. Makinig ka sa akin nang mabuti para sa susunod ay hindi ka nila pagtawanan, okay?” Tumango-tango ang dalaga at nag-aabang sa sasabihin nito. “Lanie, kapag pumunta ka sa kahit anong okasyon maliit man ‘yan o malaki. Ang palagi mong tatandaan ay huwag kang kumuha ng maraming pagkain at pupunuin mo sa plato mo. Katulad nito, kung tutuusin ay iba’t ibang klase ng pagkain lang ito at kaunti lang naman. Pero dahil maraming klase ng pagkain ang kinuha mo ay katumbas pa rin ng isang buong pinggan. Kung halimbawa gusto mo tikman ang lahat ng pagkain ay puwede ka naman bumalik uli kahit ilang beses ka pang bumalik ay walang problema. Kasi ang nangyari ay takaw tingin ka lang pero sigurado ako na hindi mo mauubos ang lahat ito. Kaya nila pinagtawanan kanina.” Mahabang paliwanag sa kanya ng lalake. Malambing lang ang boses nito kaya hindi siya nakaramdam ng pagkapahiya kundi natuto siya. “Ganoon po pala dapat kaya pinagtawanan nila ako. Pero gano’n ho ba talaga kapag nagkamali ang isang tao na walang alam sa galaw ng mga mayayaman ay kailangan po ba pagtawanan ang katulad ko?” Mabilis na umiling ang lalake. Hanggang sa hinawakan nito ang kamay niya. “Mali rin sila kasi pinagtawanan ka nila sa ganoon bagay lamang. Ngunit hindi natin puwedeng diktahan ang ugali at pananaw ng bawat tao at wala tayong magagawa sa bagay na ‘yon. Ang magagawa lang natin ay dapat matuto tayo para hindi tayo pagtawanan.” “Napakabait n’yo naman ho sir. Malayong-malayo kayo sa mga tao sa loob. Ano po pala ang pangalan n’yo?” “Ako si Kaden Montenegro at pinsan ko si Walter.” “Pooo? Totoo po ba?” Tumawa ang lalake sabay na tumango. Namangha pa rin si Lanie sa kausap. Ngunit hindi niya pa rin mawaglit ang masarap na pagkain sa harap niya kaya kinain niya pa rin ‘yon habang nakatitig sa kanya ang binatang si Kaden. Ngunit ang kaninang ngiti sa mukha ng binata ay napalitan nang pagkagulat nang maubos ng dalaga ang pagkain sa lamesa. Wala itong tinira at lahat simot. “Oh, wow!” ang naiusal ng binata. “Ang sarap po talaga ng mga pagkain dito, sir. Saka, pasensya na po inubos ko na kasi po sa amin ay pinapagalitan kami ni Itay kapag may natitirang butil ng kanin sa plato. Ganoon po kasi ako pinalaki ng mga magulang ko.” Paliwanag niya agad. “That’s great. Sa daming nasasayang na pagkain sa mundo ay mayroon pa rin mga taong nagpapahalaga sa bawat butil at ikaw ‘yon, Lanie. Hangang-hanga ako sa ‘yo. Pero matanong ko, paano kayo nagkakilala ng pinsan ko? bakit ka niya naging escort?” “Ah, hindi ko rin ho alam, eh. Pero do’n po ako sa kanila nakatira kasi ‘yong lola ko ay katulong nila at ako naman ay gano’n rin pero pinapaaral po ako nila. Ang tawag do’n ay working student po.” Saad niya pa. “Wow. You are amazing! Mas lalo mo akong pinahanga sa dedikasyon mo sa buhay. Sa isang katulad mong napakagandang dilag ay ginagamit mo sa tama. Mabuti ‘yan at hangad ko ang tagumpay mo sa buhay, Lanie.” Sumilay ang matamis na ngiti ng dalaga. Ngayon na napatunayan na hindi lahat ng mayaman ay masama ang ugali katulad ng girlfriend ni Dr. Walter. Sabagay, magpinsan silang dalawa at mabait rin naman si Walter ‘yon lang ay hindi siya komportable sa binata pero itong si Kaden na pinsan ng amo niya ay natitiyak niyang magiging magkaibigan sila. “Sir Kaden, ang sarap n’yo po kasama. Hindi ko nararamdaman na lupa ako at langit ka. Saka, minuto pa lang tayong magkasama pero ang dami ko nang natutunan sa iyo. Sana po ay maging magkaibigan tayo.” Lumiwanag ang mukha ng binata sa sinabi niya. Kaagad itong pumayag na magkaibigan sila. Marami itong tinanong sa kanya lalo na sa eskwela. Ngunit nang magtanong na ito tungkol sa pinagmulan niya ay nilihis na niya ang usapan. Eksaktong tumunog ang banda sa loob kaya tumayo siya at hinila niya si Kaden. “Mawawarak yata ‘tong suot ko,” sambit niya dahil pumuputok ang tiyan niya sapagkat busog na busog siya. Kailangan na niyang makabalik do’n sa loob kung saan siya iniwan ni Dr. Walter kasi baka hinahanap na siya. Hirap si Lanie maglakad bukod sa busog siya ay masakit na rin sa paa ang takong niya. Pagpasok nila sa loob ay nagsisimula na ang party. Ang ilaw kanina na maliwanag ngayon ay napalitan ng kulay pula at asul dahil nagsasayawan na ang mga tao. Mayroon pa naman ilaw ‘yon ay sa mga gilid. Minabuti niyang tanggalin na lang ang suot sa paa at kahit malamig ang sahig ay hindi niya ‘yon alintana. Isa pa, sanay siya sa lamig sa bundok at madalas nga ay walang tsenelas ang mga tao do’n. “Sir Kaden, tulungan n’yo po akong hanapin si Doc baka iniwan na niya ako.” Kinakabahan niyang tanong. Hindi narinig ng binata ang sinabi niya at lumapit pa ito sa kanya kaya binulong niya sa teynga nito. Tumango ito at sinabi nitong lalabas lang ito para tawagan si Walter at ipaalam na nandito siya sa loob. Hindi na siya sumama sa labas at dito na lang siya naghintay. Grabi ang sasaya ng mga tao dito at para kaming nasa paraiso! Ani ng dalaga sa sarile habang pinagmamasdan ang mga tao lalo na karamihan ay babae ang nagkakasiyahan. May dumaan sa harap niya na lalake na may hawak na tray at may inomin doon. Ang iilan ay kumukuha sa tray hindi niya bala humingi ng juice kasi uminom na siya no’n kanina. Pero nang nilapag ng lalake sa may table sa tabi niya ang tray kung saan ay mayroon pang isang natitira ay natakam na naman siya dahil kulay puti lang ang ‘yon. Gusto niya uminom ng tubig kasi poro Juice lang siya. Kinuha niya ang isang baso at bago niya ininom ay pinakatitigan niya na naman. Pati ang baso ay napakaganda mahaba at magaan pero bakit ito ang ginawang baso ng tubig eh baka nga hindi pa nakahalati sa normal na baso. May dumaan pa na lalake katulad kanina ay may dala rin tray kaya kinalabit niya at humingi siya ng dalawang baso pero dahil hindi siya masyado narinig kaya kumuha na lamang siya at hindi naman siya pinigilan. Tatlong baso ang nasa harapan niya at saka niya ininom ‘yon. Medyo mapait pero keri lang naman saka mapait din naman ang mineral na iniinom niya sa mansyon. Noong una ay nanibago siya dahil lumaki siya sa tubig ilog sa bundok. Baka itong tubig dito sa party ay ganoon lang talaga ang lasa. Tumango-tango si Lanie at muling kinuha ang isang baso at nilagok niya ng isahan lang. Pagkatapos ay ‘yong panghuli na. Napakunot noo na lamang siya dahil parang iba na ang nararamdaman niya. “Hey, Lanie on the way na raw si Walter. Hinatid niya lang si Auntie Clarita.” Saad ni Kaden nang makabalik na. Napatingin ito sa hawak niya dahil itinaas niya pa ito. “Hanep naman na baso ‘to napakaliit kaya tuloy ang kaunti lang ng nainom ko.” Anas niya na hindi naintindihan ang sinabi ni Kaden. “Wait? Did you drink it?” May kalakasan ang boses ng lalake. Kaya narinig niya na. “Oo. Tatlo pa nga kasi ang kaunti ng tubig—teyka, umiiba ang paningin ko. Para akong nalalasing.” “Holycrap!” ang naisambit na lang ng binata dahil huli na ang dating niya. Nakainom ng isang uri ng liquor ang dalaga. Hindi man ganoon katapang ang tama ngunit nakakawala pa rin sa sarile. “Tara, sayaw tayo do’n! katulad nila sasayaw din ako!” Napailing na lang ang lalake nang tumama na siguro ang ininom ni Lanie at ngayon ay nag-aaya na itong sumayaw. Nang hinila siya ay wala na siyang nagawa at nakisiksik sila sa mga tao. “Alam mo ba sa amin madalas kaming nagsasayawan basta may tagayan. Nitong huli ay palagi kaming nagsasayaw dahil buwan buwan may rasyon kami galing kay kuya Emman at ate Margarett. Ang mga tao do’n sa amin ay dalawa lang ang kaligayahan. Pagpapaputok at pagsasayaw. Kaya magaling akong sumayaw! Magaling ako sa lahat!” Bulalas ni Lanie sabay na kumendeng-kendeng. Ngunit ni isa ay walang naintindihan si Kaden dahil mas nangingibabaw ang malakas na tugtog sa paligid. Dahil nga sa sobrang hot ng dalaga ay nakaagaw siya ng pansin ng iilan hanggang sa pinalibutan na siya ng mga tao at pinapalakpakan. Walang kaalam-alam si Lanie na ang kasamang si Kaden ay bugbog sarado na mga lalake. “Hubad! Hubad! Hubad!” sabay-sabay na mga sigaw ng kalalakihan. Dala nang kalasingan ni Lanie ay nagsimula na naman itong maging wild at nauna nitong tanggalin ang ipit sa buhok. Umiba ang tugtog at naging mapang-akit kung saan ay mas lalong nakakabigay aroma sa mga kalalakihan. May isang sigang lalaki na kanina pa naghihimutok dahil kanina pa rin ito nag-aabang sa alindog ng dalaga. Lumapit na ang sigang lalaki at basta na lang pinunit ang gown ni Lanie kung saan ay nauna ang pagkapunit sa likod. Hinawakan siya sa braso at pinunit ang tela sa dibdib niya at lumantad nga sa lalaki ang mayayaman na dibdib ng dalaga. Dumila ito na parang nauulol at ang mga tao ay mas lalong naghiyawan. Nang akmang dadakmain ng lalaki ang dibdib ni Lanie ay biglang itong bumalaga sa sahig. Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa loob. Tinamaan ang lalaki sa siko. Tatlong putok pa ng baril ang magkakasunod na tumunog at ‘yon naman ay paitaas ang tama kung saan ay ang dalawang lalaki na sa likod ni Walter na sina Keb at Kalix na kapatid ni Kaden. Si Lanie na walang sa tamang huwesyo ay mabilis na niyakap ni Dr. Walter upang maitago ang lantad nitong dibdib. “f**k!” malakas na napamura ang doctor at gamit ang dulo ng baril ay hinawi niya ang magulong buhok ng dalaga. “S—Sayaw pa tayo, sir Kaden.” Usal ng dalaga at namumungay ang mga mata nito. Bakas ang sobrang kalasingan. Mabilis na tinutok ni Walter ang baril sa likod ngunit mabilis rin siyang inawat ni Keb na kapatid ni Kaden. “Ilayo mo sa akin ‘yan. Mapapatay ko talaga ang gagong ‘yan!” galit na umalingawngaw ang boses ng doctor. Pagkatapos ay binuhat niya na parang sako si Lanie at palabas sila habang bitbit ng isa niyang kamay ang sandalyas ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD