PAMBIHIRA ka naman Lanie, oh, oh! Hiniram ko nga lang sa anak ng kumare ko ‘tong gown tas gutay-gutay pa nang sinuli mo. Sira na ang tiwala sa akin ng kumare ko!
“Bakit kasi hindi mo iningatan, apo?”
“Oo nga. Saka ano ang nangyari para kang ginahasa ng sampong katao!”
“Inday Lanie, saan kayo nagpunta ni boss bakit hindi kayo nakauwi?”
Nakasubsob ang mukha ni Lanie sa mesa habang nakatakip ang dalawa niyang kamay sa teynga niya. Pero naririnig niya pa rin ang hinaing ng mga kasama lalo na si Shanti na siyang mas malaki ang problema.
“Apo, harapin mo ‘tong problema mo. Walang mangyayari kung magbibingi-bingihan ka riyan.”
Nag-angat siya ng tingin at hiyang-hiya siya kay Shanti habang hawak ang gown na pinasuot nito sa kanya.
“Sorry… hindi ko naman ‘yon sinasadya, teh. Pakisabi na lang do’n sa kumare mo na babayaran ko na lang pero hulugan lang kasi wala naman akong pera, eh.” Pakiusap ng dalaga.
“Dapat lang talaga, Lanie. Kasi ayaw kong mapahiya do’n sa tao. Basta babayaran mo ‘to, ah? tatanungin ko pa kung magkano ‘to para mapresyohan kita.”
Tumango-tango si Lanie sa kasama. Umalis si Shanti at nagtungo sa kuwarto sa itaas habang sila ay narito sa kusina at nagtutulungan sa paghanda ng almusal.
Pumasok naman si Roy na may dalang plastic ng pandesal at inabot agad nit okay Lanie. Mabilis niyang kinuha at kumuha rin siya ng palaman.
“Kain tayo ng pandesal de malunggay mga ate.” Saad niya at nagtimpla siya ng kape.
“Naku Lanie, baka kulang pa ‘yan sa ‘yo.” Saad ni Loida.
“Oo nga. Bakit kakaunti lang ‘to, Roy? Anim na piraso lang?” tanong niya sa driver.
“Para lang naman kasi ‘yan sa iyo, eh.” Sagot nito sabay na kumamot sa ulo.
“Ay, gano’n? akala ko sa lahat dito sa atin. Puwede naman natin ‘to paghati-hatian. Tig-iisa tayo tas hati na lang kami ni Lola sa isa.” Sagot niya. Pero walang nagsalita dahil ang dalawang tatlong babae ay tahimik lang na nagluluto.
“Ah, Lanie. Kailan ang dayoff mo?” pag-iiba ni Roy.
“Sa linggo pa, bakit?” sagot niya.
“Yayain sana kitang manood ng sine.” Nahihiyang saad nito.
“Talaga? sige ba? pero libre mo ah kasi wala akong pera, eh.”
“Oo, Lanie. Libre ko. Sana pumayag si lola Pasing.”
Napatingin si Lanie sa matanda na nagpupunas ng pinggan. Si Roy naman ay hindi makatingin dito ng diretso.
“Ikaw ang bahala, apo. Alam kong kaya mo ang sarile mo saka may tiwala rin naman ako dito kay Roy.” Tugon ng Lola niya kaya napangiti si Roy habang si Lanie ay abot teynga ang ngiti.
“Sige Lanie, pa-carwash muna ako ng sasakyan dahil mamayang 9 ay ihahatid ko si Doc sa ospital. Kung makauwi agad ako ihahatid kita sa school mo. Diba at mamayang hapon pa ang klase mo?” tanong niya.
Tumango lang si Lanie at umalis na si Roy. Nakagat niya nang mariin ang pandesal nang mabanggit nito si Walter. Kaninang umaga lang sila bumalik dito sa mansyon. Nagulat pa nga siya nang magising siya kaninang bandang alas singko ng umaga na magkayakap silang dalawa sa sofa. Tapos nabigla siya nang halikan siya ng binata sa noo at nag-good morning pa sa kanya. Hindi niya maiwasan na mapangiti nang lihim at—“
“Hoy!”
“Huh?” nagulat ang dalaga nang binigla siyang ginulat ni Sayong.
“Kako ngingiti-ngiti ka riyan pero ‘yong pandesal ubos mo na! iba ka talagang babae ka!”
Napakamot siya sa ulo at hindi na lang nagsalita. Minabuti niyang ubusin na ang kape niya at dinala niya sa lababo para hugasan. Sinabay niya na rin ang iba pang hugasin pagkatapos ay tinalian niya ang buhok at nagsimula na siyang magwalis sa bakuran hanggang doon sa labas ng kalsada.
“Good morning kuyang guard.” Pagbati niya sa lalake na kakapasok pa lang.
“Good morning rin sa ‘yo, Lanie. Nahuli ka yatang nagising? Ngayon lang kita nakitang magwawalis ng alas syete na.”
“Opo, kasi kadarating lang namin. Hindi pa nga ako nakakaligo. Walis muna ako.” May itatanong pa sana ang guard pero tinalikuran niya na ‘to. Mabilis lang naman ang pagwalis niya sa kalsada kasi wala naman masyadong dumi.
Hawak niya ang walis at dustpan nang may paparating na sasakyan kaya agad siyang tumabi sa gilid ngunit nagpagilid rin ang sasakyan kaya bumalik siya uli sa kaliwang kalsada nang bigla siyang businahan ng malakas. Sa gulat niya ay naibato niya ang dustpan at walis sa mismong sasakyan na sa mismong sasakyan sa kaliwa.
Gulat na gulat ang dalaga at para itong napako sa kinatatayuan. Mula sa doon sa sasakyan ay lumabas ang hindi maipintang mukha ng babae.
“Are you an idiot or what?”
Halos yanigin ang teynga ni Lanie sa lakas ng boses ng babae. Para nga yatang nabulabog ang buong subdivision. Nakapameywang pa ito sa kanya at nandidilat ang mata. Sa sobrang takot ng dalaga ay nagkanda-utal-utal siya.
“S—so… sorr—“
Pakkk!
Tumabingi ang mukha ni Lanie nang malakas siyang sinampal ng babae.
“Hey, hey!” boses ng isang lalaki na laman naman no’ng sasakyan na huminto sa mismong harap ng mansyon. Kaagad na lumapit ang lalake at pumagitna sa kanila.
“Is this your maid?” galit pa rin ang boses ng babae.
“You have no right to hurt her. In fact, you almost hit her with your speed!” Galit rin ang boses ng lalake.
“So kasalanan ko pa? gano’n ba?” Tinuro pa ng babae ang sarile.
“Pagsabihan mo ‘yang mutsatsa mo na huwag lalabas kung ayaw niyang banggain ko na siya sa susunod!” dagdag pa ng babae.
“Keb?” mula sa gate ay lumabas na si Dr. Walter dahil narinig rin nito ang malakas na sigaw ng babae. Ang guard ay narito na rin sa kanila. May i-ilang sasakyan na napahinto dahil nakaharang sila sa kalsada.
“What’s going here?” muling boses ng doctor nang makalapit na ito. Mabilis na umiba ang reaksyon ng babae nang makita si Walter. Habang si Keb na pinsan nito ay inalo si Lanie na sapo ang pisnge.
“Are you okay?” mahinang wika ni Keb.
“Dr. Montenegro?” saad ng babae kay Walter.
“Oh, is she your maid? I almost hit her over because she wasn't looking at the road buti nga nakapagbreak pa ako.” Paliwanag ng babae sa mahinahong tinig.
“But you slapped her!” galit na boses ni Keb.
“What?” hindi makapaniwala si Walter at maagap niyang inagaw si Lanie mula kay Keb. Nakayuko lang ang dalaga.
“Sinaktan ka niya?” tanong ni Walter sabay na inangat ang kanyang mukha. Hinawakan ang kamay niya at inalis sa pisnge niya. Bakas ang pamumula sa pisnge ni Lanie.
“Kasalanan ko naman po, eh. Hindi ako nakatingin sa kaliwang may sasakyan pala.” Pag-aamin niya.
“See? Inamin niya mismo ang katangahan niya!” napapatawa pa ang babae. Biglang nandilim ang mukha ni Walter at binalingan ang babae.
“Sa susunod na saktan mo pa siya, magtutuos tayo sa korte!” Cold ang boses ng doctor at napanganga ang babae. Hindi dahil sa pagbabanta nito kundi dahil hinapit ni Walter ang baywang ni Lanie at niyakap niya ito at hinalikan pa ang pisnge kung saan ay doon dumapo ang palad niya.
“Oh my God!” bulalas ng babae dahil kilala nito si Walter lalo na si Doreen na fiancée ni Walter. Mabilis na kinapkap ng babae sa bulsa ang phone nito ngunit naiwan sa loob ng kotse.
Inakay ni Walter si Lanie papasok sa loob at ang guard ay nagmamadaling sinara ang gate.
“Ay, Ginoo!” humiyaw nang malakas si Sayong nang makita nito si Dr. Walter na hawak sa kamay si Lanie papasok sa bakuran.
“Take her to her room.” Utos ni Walter kay Sayong at dali-dali itong tumakbo at kinuha si Lanie.
Pagkarating sa kuwarto ay bigla siyang hinampas ni Sayong sa balikat.
“Inday Lanie! Ano na? bakit may paghawak sa kamay mo si doc?” Kinikilig na pag-uusisa ni Sayong. Pumasok rin ang tatlo pang kasambahay kabilang na si Lola Pasing at agad na umusisa.
“Lola si Inday Lanie ay kaholding hands ni doctor. Sinasabi ko na nga ba sa unang kita ko pa lang dito ay mahuhumaling ang amo natin.” Dagdag pa ni Sayong pero si Lanie ay tahimik lang.
“Lanie, ano ang nangyari sa labas? Bakit tahimik ka?” Seryosong tanong ni Lola Pasing.
Umiyak si Lanie at napasinghap ang mga ito. “Sinampal ako no’ng babae. Nakakatakot siya sinigaw-sigawan niya ako.” Sumbong ng dalaga. Mas lalo pa itong umiyak at agad siyang dinamayan ng mga kasama.
“Anong ginawa mo? huwag mong sabihin na gumanti ka?” galit ang boses ni lola Pasing.
“Hindi po ako gumanti, La. Hinayaan ko lang ho siya.” Mangiyak-ngiyak niyang sagot.
“Mabuti naman kung ganoon. Siya, magdilig ka na ng mga halaman.” Sagot lamang ng mga lola niya. Hindi naman nakatiis si Loida at sumingit na ito.
“Grabi naman ho kayo, Lola Pasing. Sinaktan na nga ang apo ninyo tapos parang kayo pa ang galit.”
“Oo, nga.” Pagsasang-ayon ng dalawang babae.
“Walang magagawa ang paghihigante. Mabuti nang si Lanie ang masaktan huwag lang siya ang manakit dahil kasalanan ‘yan sa diyos.” Katwiran ng matanda.
“Paano pala kapag inapi- api na si Lanie? Paano kapag bugbog sarado na siya hindi pa rin ba gaganti?”
“Mas magandang umiwas na lang sa gulo para sa matiwasay na pamumuhay. Hala, magsibalik na kayo sa mga trabaho ninyo.” Pagmando ng matanda at walang nagawa ang mga kasambahay sapagkat si Lola Pasing ang mayordoma ng mansyon.
Sumabay na si Lanie sa pagbaba ng hagdan at nagbulong-bulongan pa ang mga kasambahay kesyo maling katwiran ang Lola niya.
Pagkarating sa kusina ay kumain na lang nang kumain si Lanie. Halos maubos niya ang sinangag at spam at saka bacon.
“Inday Lanie, alam namin na minalas ka ngayong araw pero grabi ka naman. Bakit mo kami inubusan ng sinangag?” Mangiyak-ngiyak si Shanti.
Tila ngayon lang nahimasmasan si Lanie at pagtingin niya sa kawali ay mag-iisang platito na lang ang kanin. Ang bacon at hotdog ay naubos niya. Napakagat siya sa ibabang labi at sa matindi niyang kahihiyan ay umiyak na lamang siya.
Dahilan para marinig ni Dr. Walter ang boses niya at pumasok ito sa kusina na bibihira lamang mangyari. Sapagkat hindi nagtutungo dito sa dirty kitchen ang doctor pero heto siya at salubong ang kilay.
“Ano na naman ba ang nangyari? Wala ba kayong ibang gagawin kundi paiyakin ang bata?” galit ang boses ng doctor at biglang nataranta ang mga kasambahay. Kaagad na pinunasan ni Lanie ang mukha niya.
“Doc, huwag mo po silang pagalitan kasi kasalanan ko naman. Naubos ko po kasi ang sinangag at ang mga ulam. Hindi pa pala sila kumakain. Kasalanan ko po kasi hindi ako nag-iisip at kain lang ako nang kain. Nagiging makasarile ako.” Hinging paumanhin ni Lanie.
Malalim na napabuntong hininga si Walter. Pagkatapos ay mahinahon na itong nagsalita.
“Huwag kayong magtitipid sa pagkain. Kapag kulang ang luto n’yo magluto uli kayo. Sako-sako ang bigas natin sa bodega huwag ninyong hintayin na kutkotin lang ‘yon ng mga daga. Sa ulam naman ay magdadagdag ako ng budget para makain ninyo ang gusto ninyo lalo na si Lanie. Nagdadalaga pa siya, tumutubo pa kaya understood na malakas siyang kumain. Ayoko nang makarinig ng reklamo sa pagkain, naiintindihan?”
“Opo, doc. Malinawag po.” Sabay-sabay na tugon ng mga kasambahay.
“Good.” Turan ng doctor at pasimple nitong tiningnan si Lanie na nakamay lang sa pagkain. Bumalik na si Walter sa sala at mamaya-maya lang ay narinig nila ang papalis na sasakyan ng doctor.
Mabilis na tinapos ni Lanie ang pagkain dahil nakatingin lang sa kanya ang mga kasama. Hindi man sila galit kundi puno ng pagtataka at bago pa umusisa ang mga ito ay lumabas na si Lanie upang magdilig ng mga halaman.
MABILIS na lumipas ang oras at ngayon ay papasok sa university si Lanie. May biglang humawak sa bag niya at paglingon niya ay si Maryjoy. Tatakbo sana siya pero wala na siyang ligtas dahil hawak na siya nito sa damit.
“Op, op, saan ka pupunta? ang utang mo sa akin na panty?” Paniningil nito.
“Maryjoy, huwag muna ngayon. Walang-wala ako,” sagot niya.
“Mas lalo naman ako, Lanie. Magkano lang naman ang tubo ko do’n! sige na kahit bente lang muna pandagdag ko lang pambili ng bigas.”
“Pamasahe ko na lang ‘to, pauwi, eh. Maglalakad na nga lang ako mamaya papasok sa subdivision. Todo tipid rin ako, kala mo ba.”
“Ano ba naman ‘yan, Lanie. Umaasa ako na may makukuha ako sa iyo, eh.” Inis na boses ni Maryjoy.
“Ibalik ko na lang ‘yung panty hindi ko pa naman ‘yon nagagamit kasi sabi ko sa iyo hindi ko kayang bilhin.” Saad niya.
“Ay, pambihira ka naman! Malas na nga ako, minamalas mo pa. Hindi mo ‘yon puwede ibalik sa akin. Ganito na lang mamaya aabangan kita sa labas at bibigyan kita ng trabaho para makabayad ka sa akin tapos ay extra income ka pa.”
“Talaga, Maryjoy? Anong trabaho naman?”
“Maglalako ka lang din katulad ko pero mga dil do naman ‘yong ilalako mo.” Saad nito sabay nang pagbulong.
“Puwede na natin simulant ngayon kasi alas dos pa naman ang klase ko at 12 pa lang ngayon. Puwede ko ba dalhin ‘yan sa room baka may bumili sa mga kaklase ko.”
“Oo. Puwede pero dapat secret mo lang. Halika do’n sa kinukuhanan ko ipapakilala kita.”
Walang pagdadalawang isip si Lanie na sumama sa kaibigan niyang si Maryjoy. Nakilala niya ito sa bus habang paluwas siya ng Maynila at si Maryjoy rin ang tumulong sa kanya na hanapin si Lola Pasing dala ang address niya na binigay sa kanya ni Emman at Margerett. Kaya natunton nila si Lola Pasing kaya malaki rin ang utang na loob niya dito kay Maryjoy.
Naglakad lamang sila hanggang sa nakarating sila do’n sa bahay ng kakilala ni Maryjoy. Pinakilala siya at tuwang-tuwa ang babae dahil tiyak raw na malakas ang benta ni Lanie dahil sa magandang hitsura nito na natuwa naman ang dalaga.
Limang box ng mga di*ldo ang nasa paperbag ni Lanie. Narito sila sa kanto at nag-aabang ng mga estudyante.
“Ganito ‘yan Lanie, huh. Ang presyo ay depende sa size. Mayroong 5, 7, at 8. Ang 8 ay mahal kaysa sa 5 kasi mas malaki ang size niya. Ikaw na ang bahala magpatubo at ‘yong tubo ay sa ‘yo na ‘yan ang presyo ng di*ldo ay dapat mong ibigay kaya ling Flora. Kapag naubos mo ‘to baka bukas mas marami nang ipapabenta sa iyo. Tapos sa susunod na araw sabihin mo kay aling Flora na magbenta ka naman ng vibrator. Basta kapag masipag ka lang malaki ang income mo dito, Lanie.”
Tumango-tango ang dalaga habang nakikinig kay Maryjoy. Tiningnan niya ang loob ng box at nagulat siya.
“Hala? t**i ba ‘to?” mangha niyang tanong. Humagalpak ng tawa si Maryjoy dahil gulat na gulat siya.
“Kaya nga d*ldo eh, pampaligaya ‘yan sa mga babae. Teyka, paano mo nalaman na t**i ‘yan ‘diba laki kang bundok?” tumatawa pa rin si Maryjoy.
“Oo. Pero nitong nakaraang buwan ay may pinakita sa akin si Roy sa selpon niya may t**i at may pepe rin. Gumagawa ng bata ‘yong dalawa do’n sa selpon.” Sagot niya.
“Ano? ‘yong tisoy na driver na si Roy may mga porn sa CP at paano mo nakita?”
“Pinakita niya sa akin. Alam mo ba parang nakakapagod gumawa ng bata. Basta ang sabi do’n sa selpon niya ay ganito. “Sige pa, daddy. Ahhh, daddy harder, yes daddy. Ohhh sig—“
Mabilis na tinakpan ni Maryjoy ang bibig ni Lanie dahil napapatingin sa kanila ang mga estudyanteng dumaraan. Paano ay ginagaya talaga ni Lanie ang expression at boses ng babae do’n sa phone na napanood niya kay Roy.
Pagkatapos ay humagalpak na naman ng tawa si Maryjoy may pagpalo pa ito sa balikat niya.
Nang may dumaan na dalawang babae na mukhang yayamanin ay mabilis na tumayo si Lanie at pinakita niya rito ang d*ldo na hawak niya.
“Ma’am bili na po kayo, pampaligaya.” Nakangiti niyang wika.
“What the f*ck?” galit ang boses ng babae at si Maryjoy na humagalpak ng tawa ay mabilis siyang kinabig pabalik sa upuan na semento. Galit ang dalawang babae na umalis agad.
“Hindi ganiyan ang pagbebenta, ang bobo naman neto.” Saad ni Maryjoy. Sa inis ni Lanie ay binatok niya sa ulo ni Maryjoy ang di*ldo niyang hawak.
“Ikaw ang bobo. Hindi mo agad ako inorient. Palibhasa hindi ka nag-aaral.” Sagot niya.
“Aba’t ang sakit mo naman magsalita.” Reklamo ni Maryjoy.
“Sige, bahala ka hindi kita babayaran do’n sa panty mo isusuot ko ‘yon.” Pagbabanta niya.
Sa takot ni Maryjoy na hindi siya bayaran ng sengkwenta pesos ay minabuti nitong ituro kay Lanie ang tamang pagbebenta nang hindi sila napapahiya at hindi rin mahihiya ang mga estudyante lalo na ang mga babae.
“Puwede ko ba itong dalhin sa mansyon, Maryjoy? Bentahan ko sina ate Shanti pati si Lola Pasing baka bumili sila.” Tanong niya. Tumawa na naman si Maryjoy dahil pati Lola niya ay walang ligtas kay Lanie.
“Oo naman. Basta every Monday ka magre-remit kay aling Flora. Siyanga pala, meron rin sa panlalaki ‘yan Lanie. Nakalimutan ko lang ang tawag pero para rin silang hiyas natin nakakapagpaligaya rin. Baka gusto mo tiyak na mas bebenta ka do’n kapag mga lalake na ang buyers mo.”
“Talaga, Maryjoy? Sige kuhaan mo ako niyan at bebentahan ko si Roy at ang guard namin. Saka, si Doc Walter baka bibili siya baka nga pakyawin pa niya ang paninda ko.” Masaya niyang wika. Nag-ayon sila ni Maryjoy bago siya pumasok sa campus.