NAKATINGIN si Lanie sa orasan na nakasabit sa dingding. Tatlong oras na siyang nakakulong sa kuwarto. Kanina pa siya nag-aabang sa pinto na bumukas iyon pero walang pumapasok. Ilang sandali pa nang bumukas ang pinto kaya napabangon siya agad. Ang kasambahay na may dalang tray ng pagkain at nilapag nito sa table ang pinggan at tatlong putahe ng ulam. “Ate, marami pa bang bisita? Si sir Kaden po?” “Oo bhe, dumating ‘yong mga kaibigan ni señorito. Kumain kana at matulog ka na daw.” Napanguso si Lanie. Alas onse na nang gabi pero hindi pa rin umuuwi ang mga bisita. Lumabas na ang kasambahay at sa sama ng loob ni lanie ay nilantakan niya ang pagkain. Nang maubos niya ay sinalansan niya ang pinggan. Pumasok muna siya sa banyo at nagsipilyo pagkatapos ay tinalian niya ang buhok. Hindi na

