Itanong mo sa akin, kung sinong aking mahal! Itanong mo sa akin, sagot ko’y ‘di magtatagal. Ikaw lang ang aking mahal… Ang pag—” Napalingon si Kaden sa kusina nang marinig niya ang magandang boses ni Lanie na naghuhugas ng pinggan dito sa kusina. Sinara ni Kaden ang refrigerator saka nagsalin ng malamig na tubig sa kalsada. Life is short my darling… tell me that you love me. Napangiti si Kaden nang ibang lyrics ang kasunod ng kanta nito. Naglakad siya nang walang ingay patungo sa kusina. Sumandal siya sa pinto habang nakapamulsa ang isang kamay at ang isang kamay naman ay hawak ang baso. Maybe it’s wrong to say please love me too, cause I know you—” “Sweetheart.” Putol ni Kaden sa ibang lyrics na naman na kinakanta ng dalaga. Subalit dahil sa gulat ni Lanie na napalingon pa ito

