- Conflict - Nagkukumahog akong bumalik sa iba. Sana lang ay hindi sisihin si... Teka! Hindi ko man lang naitanong kung anong pangalan ng dalawang taong kinausap ko. I'm dumb but it's all finish now kaya hindi ko na kailangan pang isipin pa ang bagay na iyon. "Kamusta?" Maingat kong tinignan ang kapatid kong nakapamewang. "Don-" Sasabihin ko sana ay Done kaso bigla-bigla na lang sumulpot si Dale at Maurice. "May p-problema tayo," Hingal na hingal na saad ni Dale. "Y-yung Kuya ni Sharp ay ayaw sa ideya natin, gusto niyang mabuhay muli sa mundo!" Nag katitigan lang kami ni Ate Allison sa sinabi ni Dale. Sinundan naman ni Maurice ang sinabi ni Dale. "Pati ang Tatay ni Marxus ay ganon din ang gustong mangyari." Mukhang malaking problema nga ang baga na ito kung pababayaan na lamang namin s

