Chapter 7

2135 Words
- Dream - Mapait kaming napatakbo pabalik sa puwesto ng mga kasamahan namin. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Pati si Arc ay speechless din. "What happened? Bakit ganyan ang mukha niyong dalawa?" Pinagmasdan lang namin ang pag buka ng bibig ni Ate Allison. Ni-isa sakanila ay walang nakuhang sagot mula sa aming dalawa ni Arc. Ngayon, alam ko na ang pinagdaanan ni Ate at Heather kaya ganon na lang sila kabigla nang maramdaman nila ang mga matang nakatingin sakanila. Kung tutuosin, parang mas matino pa yung mga nasaksihan nila kesa sa makakita ng sariwang dugo't katawan. Gusto ko na lang itaboy yung mga nakita ko subalit isang malaking imposible lang 'yun. Naka stock na siya sa memory ko at patuloy-tuloy na nag pla-play. "Hoy! Mag salita naman kayo!?" Bumuntong hininga na lang ako tsaka naupo sa telang nilatag nila sa damuhan. Mag ga-gabi na pala, base na din sa nakikita ko sa kalangitan. "Mukhang mag babadya pa ang ulan." Napailing na lang ako sa mga nangyayari. This is Terrible. "Everyone!" Bumangon ako ng makarinig ng isang tinig mula sa mega phone. "Kumalma po ang lahat, aaksyunan natin ito kaagad. Sa ngayon, inaanyayahan namin ang lahat na pumasok muna sa evacuation shelter namin." Wala ng angal-angal pa yung iba, karamihan sa mga tao rito ay deretsyo sibat, na mababakas mong ayaw na nilang bumalik dito dahil nga sa mga pangyayari. Nakakaramdam lang ako ng kakaibang feeling sa lalaking naka mega phone. Hindi ko din alam kung bakit pero parang may tinatago siya saamin. "I'm not trusting these guys." I said. "Pare-parehas lang tayo na 'yun ang tumatakbo saating isipan," pinagmasdan ko lang ang mabilisang pag kibit-balikat ni Arc. "Ano bang magagawa natin." Hindi niya iyon sinambit ng patanong. "Tara na nga." Lahat kami ay walang ganang tumayo upang puntahan ang sinasabi nilang shelter. Maganda na 'to sa palagay ko, kesa naman walang mag aasikaso ng mga bangkay na nandito. Mapapa mura na lang ako dahil sa mga nangyayari. Tangina, pagising ko ito na ang nangyayari sa paligid ko. Sino ba namang matutuwa roon? Nagpapasalamat din talaga ako na kaka gising ko lang nung time na nag kaka gulo't may patay na, kasi kung hindi ako bagong gising baka mapapa mura ako ng sandamakmak. Salamat talaga at medyo lutang ako kahit papaano. "May plano ba kayo?" Pag basag sa katahimikan ni Ate Allison. "Sundin na lang kaya natin sila sa ngayon." Mungkahi naman ni Heather. Lutang pa din kaya siya hanggang ngayon? O naka move on na siya sa naganap kanina? Andaming bumabagabag saakin ngayon. Para tuloy ang sarap na lang mag test sa school kahit pa na nakaka bobo yung mga tanong don. Ayoko ng gantong atmosphere. Ayoko ng mga nangyayari. Ayoko makakita ng tao na hindi humihinga. Ayoko makakita ng taong naliligo sa sariling dugo. Marami akong ayaw subalit ano bang magagawa ko para matakasan ang kaganapang ito? Isa na lang talaga ang paraan, ang puksain ang kasamaan ng demonyong nasa likod ng mga 'to. Tangina lang talaga! Pumasok kami sa shelter na tunutukoy nila ng walang kibuan. Kahit anong ingay ay wala kaming ginawa, sobrang pag iingat na ang ginagawa namin nito. Nang tinignan ko ang kabuohan ng bahay na ito mula sa labas. Akala ko na maliit lang ngunit pag pinasok mo na ay maraming espasyo na pwedeng pag pwestuhan. Para kaming nasa classroom lang na may kanya kanyang monoblock. Hindi pala classroom ang magandang halimbawa. Mas akma yung sa simbahan kaso naka monoblock nga lang. Ang weird lang din kasi may guhit-guhit sa kongkretong pader, marmol na sahig at sa di kataasang kisame. Nagtaka ako ng mag hiwalay-hiwalay ang mga kasama ko. Hindi ko alam na may gantong mangyayari kaya napa on the spot thinking na lamang ako. Pumesto ako sa gitna, di ko din alam kung bakit don ko pa naisipang tumambay. Si Maurice at Dale ay nasa duluhan ng left side, si Ate Allison at Arc naman ang mag kasama sa unang bahagi ng aking kaliwa habang ang mag bestfriend na si Lyle at Heather ay naka pwesto sa bungad lang ng aking kanan. Ako naman, nandito sa pinaka gitna. Ay! Hindi pala 'to gitna. Dalawang section lang kasi ang meron dito. Right side at Left side kaya walang gitna. Kaya ko siguro naisip na nasa gitna ako kasi kapag pinagmamasdan ko ang harapan ko, feeling ko nasa sentro ako ng lahat. "May banyo po ba dito?" Tanong nung lalaking naka light blue na pang itaas. Naka pwesto siya malapit kela Heather. Tumayo ito at akmang maglalakad patungo sa kinaroroonan ng nagbabantay saamin. "Bumalik ka sa upuan mo!" Pasigaw na sita nung isa. Dalawa lang kasi silang nasa harapan. Sa tingin ko hindi naman talaga sila officials dito sa lugar na 'to. Naaalala ko pa kasi yung mukha nung dalawang guard kanina kaya hindi ako nagkakamaling hindi sila yung guard ng sementeryong ito. Something fishy is happening saká bakit kailangan nilang pabalikin sa upuan yung lalaki? Bumabalik na naman ako sa walang nakukuhang sagot nito. Yung walang mahagilap na sagot, kahit pag balik-baliktarin mo pa. Sinilip ko lang sila Ate at yung iba. Hindi ko matumpok kung ano bang tumatakbo sa utak nila. Kung may nabubuo na ba silang ideya? May plano na ba sila? Damn it! I am clueless. Naramdaman ko ang biglang pagka balisa ng katabi ko. May pagitan saamin pero ramdam ko padin 'yun. Hindi ito mapakali, pinag masdan ko siya maagi. May isang lalaki't babaeng bata siyang kasama at isang babae na nasa kabilang dulo ng mga bata. Bali pinapagitnaan ang mga bata ng dalawang Ate nila. 'Di lang ako sigurado kung Ate ba talaga nila yung isang nasa dulo kasi hindi kahawig ng mga bata pero itong babaeng malapit sa pwesto ko, siya ang kahawig. Nilapit ko ng kaunti ang sarili ko para makasagap ng detalye. Na kuryoso din kasi ako kung bakit ganon na lang  sila mataranta nung isa pang babae nasa dulo. "Ate, si Timothy?" Tanong nung batang babae. So ate pala nila 'tong aligagang-aligagang medyo malapit saakin. "Ate, si Timothy?" Tanong muli ng batang babae. Sino ba yang Timothy na yan? Teddy bear ba na naiwan nung bata? Wala namang nakuhang tugon ang bata mula sa ate n'ya kaya sinubukan niya na lang kausapin yung batang lalaki na katabi niya lang. Kuya niya siguro. Ganon din ang naging tanong nung batang lalaki. Nag salita naman kaagad ang Ate nila. "Dito lang kayo ha, Audrey pa bantay muna ha!?" Tumango-tango lang yung Audrey na nasa kabilang dulo ng mga bata. Tumayo yung Ate nila kaya kinuha ko na ang pagkakataon na 'yun para lapitan yung mga bata. "Sino ba si Timothy?" Tanong ko sa batang babae. "Nakaka batang kapatid ko po." Shemay! Nawawala yung kapatid niya so ibig niyang sabihin ay naiwan ito sa labas. "Excuse me po, sino po kayo?" Tanong nung Audrey na animo'y nag dududa saakin. "Ako nga pala si Chase, narinig ko kasi na nawawala daw si Timothy. Akala ko nung una teddy bear lang iyon o ewan, na curious ako kaya nag tanong na ako." Hindi pa din nawawala ang pagdududa sa mata niya kaya ako na lang lumayo para sakanila. "Pasensya na," habol ko at saka bumalik sa pwesto ko. Isang malutong na sampal ang umalingaw-ngaw sa buong silid. Sinampal nung nag babantay yung Ate ng mga bata. "Sabing bawal nga lumabas!" Lumuhod na yung babae sa malamig na lapag. "Parang awa niyo na po. Nasa labas pa po yung kapatid ko at batang-bata pa siya para mapagisa." Tahimik lang ang buong paligid habang pinagmamasdan ang nangyayari sa harapan ng lahat. Gustong-gusto na tuloy umangat ng pwet ko. Ayoko namang maging audience lang dito. Hindi 'yun tamang gawain kapag may nangangailangan ng tulong. Ang sasama din nung mga gagong guwardya at talagang pati babae ay sinasaktan nila. "Umupo kayong lahat!" Nag silabasan na ang ugat nung isang lalaking nag ba-bantay. Alam mo, para na kaming nasa bilanguan ngayon. Hindi pwede mag banyo, hindi din pwede hanapin ang kapatid at lumabas. Mas masahol pa nga yata ito kung ikukumpara sa bilanggo. For sure, may nililihim sila saamin. Nagawa kong makapag eye contact kay Dale. May mga senyas na kaming nabuo lalo na't kailangan namin 'yun kapag nasa isang bugbugan. Nagawa ko ring makipag eye contact kay Arc para mainform siya sa planong gagawin namin ngunit 'di niya naman naintindihan yung mga senyas ng kamay ko. "Ano yang ginagawa mo?" Natauhan ako. Yung isa palang nagbabantay. Pwede ko na 'tong sapakin kaso may plano na kami ni Dale kaya nag timpi muna ako. Saglitan kong sinilip yung Ate nung mga batang nasa gilid ko lang, naka luhod parin siya hanggang ngayon. "Pinipigilan ko lang ang pantog ko." Pag  dadahilan ko na gumana naman. Mabuti talaga at nagawa kung makapag palusot don. Binalingan ko muli si Arc. Sa pagkakataong ito, tumayo na ako at palihim na sumenyas na tumayo din siya habang si Dale naman ay ready na. Lumapit ako sa guard gayon din sa dalawa. "Kuya baka pwede niyo akong pagbanyuhin muna. Ihing-ihi na kasi talaga ako." Iling lang ang ginawa niya. Sa isip-isip ko ay pinag  sasasapak ko na 'to at pinag mumumu-mura. Hinanda ko na ang kanang kamao ko. "Okay po," akala nila ay babalik na ako sa pwesto ko pero isang bwelo pala yung ginawa ko. Isang malutong na sapak ang tinama ko sa mukha nito. "Hoy---" Nasipa na ni Dale ang paa nung isa. Don niya na tinadtad ng sapak. Binuhos ko naman ang lahat ng sama ng loob ko sa pamamagitan ng pag sapak sa lalaking nakahilata ngayon. Hindi na pala namin kailangan ng tulong ni Arc kasi kami lang ni Dale ay okay na. Nang mabawasan ang galit at inis ko. Inulunsad ko, na sila ng bahala rito."Kayo ng bahala." Hahanapin ko ang batang nag ngangalang Timothy at ililigtas ang mga inosenteng hindi nagawang makapasok sa shelter na ito. Takbong kabayo ang ginawa namin. "Ang lupit nun!" Saad ni Lyle. "Busit ka Chase! Senyas ka ng senyas e hindi ko nga alam 'yun." Tumawa lang kami ng panandalian. "What is happening here?" Kahit ako ay nabahala sa mga nakita. Puro hinukay na puntod ang mga nandito, nakalabas ang mga kabaong. Anong kagaguhan na naman 'to? Alam kong dapat naming malaman kung bakit hinukay yung mga labi subalit kailangan kong hanapin muna si Timothy. Nadaanan ko ang puntod ni Mom and Dad na nakalabas din sa hukay. Binalak ko itong lapitan pero nakarinig na kaagad ako ng iyak ng isang bata kaya umaksyon na kaagad ako. "A-ate!" Isang batang lalaki ang natagpuan ko mula sa likod ng isa sa mga punong malapit sa puntod ni Mom and Dad. "Ikaw ba si Timothy?" Tinignan niya lang ako ng maiigi. Nanginginig ang kamay niya. Malikot din ang pag galaw ng mata niya. "Wag ka pong lalapit saakin." Iniisip niya bang masama akong tao? Siguro kailangan ko ng mag bangit ng pangalan para hindi siya mangamba saakin. "Hinahanap ka na din ng dalawang kapatid mo at ng Ate Audrey mo." Medyo tumahan na rin siya sa pagiyak. Pinasan ko siya sa aking likuran at hindi siya nag rereklamo ng kahit ano. "A-akala ko po iniwan na ako nila Ate kasi pasaway ako." Ngumuso pa ito. Hindi ko talaga iyon nakita kasi nasa likod ko siya, kaya ko nasabing ngumuso siya kasi naramdaman ko sa damit ko ang pag nguso nito. "Timothy!" Ibinaba ko ito malapit sa Ate't kapatid nito. "Maraming salamat po." Ngumiti lang ako tsaka nag paalam sakanila. "Saan ka nanaman ba galing?" Matino tanong ni Ate. "Tinulungan kong hanapin yung kapatid nilang nawawala," Lumapit lang ako sakanila. "Chase, kailangan mong sumama ngayon din!" Makakaangal pa ba ako kung manu-manong hila na ang ginawa niya. Ito yung direksyon papunta sa puntod ng magulang namin. "Bakit kaya hinukay ang mga puntod?" Kumabit-balikat lang si Ate at mas lalo naming nilapitan ang mga kabaong. Huh!? Bakit buong buo pa yung mga balat nila. Ang alam ko dapat nagiging abo ang balat kapag patay na ito tapos tanging buto lang ang dapat matitira sakanila. Napunta ang atensyon namin sa isang bangkay na nasusunog sa sentrong lugar ng sementeryo. "f**k!" "Hoy! Chase, sinabing tigilan na ang pag mu-mura." Nabigla ako kaya dali-dali akong napalingon ng makilala ang boses na 'yun. It's my Dad and... Mom "M-mom, pa-paano k-ayo na-nabu-uhay?" Ang gulo na masyado. Walang nang nag pro-process sa utak ko ngayon. "Teka! Patay na ba kami? Bakit ba kami nandito?" Pati sila ay naguguluhan na din sa nangyayari. Bakit din ba bigla-bigla ang lahat. Nanaginip ba ako at pati ang mga patay ay nabubuhay na? Di na ako nag patumpik-tumpik pa at agad ko silang niyakap. Nakisali na lang si Ate Allison sa group hug namin, I mean family hug pala. Para akong ewan sa kaka-dampi ng palad sa kanilang dalawa, inaakala ko na hindi talaga sila totoo subalit ng maranasan mong hawakan ang balat nila. Parang kagaya lang ng saamin. Nilingon ko ang ibang tao na may ngiti sa labi. Kung hindi man ito totoo, sana mag istay muna kami ng kahit papaano. Na miss ko din ang prisensya ng aking mga magulang. If this is just a dream. Sana manatili muna kaming ganto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD