At pakiusap ko lang, kalumutan mo na lang ako.
Lea?
H-hindi ko ginusto pero naramdaman ko na lamang na wala na akong nararamdamam para sa iyo Marco.
Lea huwag mong sabihin iyan. Alam kong mahal mo pa rin ako at galit ka lang sa akin kaya ka nakapagsasalita nang ganyan,
I'm sorry!
Lea hindi ako papayag na, sa ganito matatapos ang relasyon natin. Mahal kita at alam Kong mahal mo pa rin ako.
Susuyuin kitang muli lea, at kung kailangan lumuhod ako sa harap mo at gagawin ko para lamang magbalik ka sa akin!
Umalis kana Marco, please kailangan ko nang magpahinga!
Walang nagawa si marco kundi umalis.
Mabibigat ang mga hakbang nito at laglag ang mga balilat habang patungo sa sasakyan nito,
Hindi siya umalis sa may pinto hangga't hindi ito nawawala sa kanyang paningin. Nagtungo siya sa kanyang kwarto na walang anumang nararamdamang pagsisisi o paghihinayang sa mga sinabi niya kay marco.
Naging tapat lang naman siya sa kanyang sarili.
Wala na ang pag-ibig na minsan ay nadarama niya para sa lalaki. At wala siyang naramdaman anumang paghihinayang sa pagkawala nito sa kanyang buhay,
Nahiga siya at ipinikit ang kanyang mga mataat ilang sandali lang ay nahimbing na siya sa pag tulog........
Pagkagaling sa pakikipag-usap kay lea ay dumiretso na si marco pabalik sa cavite. Kung may bukas pa siguro g beerhouse nang mga oras na iyon ay baka naglagi pa siya roon para lunurin ang sarili sa kabiguan niya Kay lea.
Hindi ganito ang kanyang inaaasahan niyang magiging resulta ng kanilang pag - uusap inakala niyang sinaktan lamang siya ni lea dahil sa pagkakahuli nito sa kanya na may kasamang ibang babae kaya ayaw nitong ipaalam sa kanya ang kinaroroonan nito.
Umasa siyang mahal pa rin siya ng babae at hindi siya basta-basta maitatapon.
Alam niyang mahal siya ni lea mahigit na silang isang taong mag kasintahan at sa loob nang panahong iyon ay naipadama ni lea sa kanya ang malaking pagmamahal nito sa kanya.
Hindi niya akalaing sa isang iglap ay magbabago ang damdamin nito.
Kung sabagay ay kasalanan niya pinasakitan niya ito. At dinamay sa alitan ng inay nito at inay niya.
Naramdaman niya ang pagmanasa ng kanyang mga mata......
Kasunod niyon bay kumawala na ang mga luha sa kanyang mga mata at hindi na niya iyon nagawang pigilin.
Mahal niya si lea at hindi siya makapapayag na ma wala ito sa kanya. Kung kina kailangang suyuin niya itong muli ay gagawin niya.
Hindi na halos niya napapansin na napakabilis ng kanyang takbo dahil abala ang kanyang isip kay lea.
Hindi tuloy niya napansin agad ang pagpula ng ilaw ng
Sinusundan niyang sasakyan. Nagulat na lamang siya sa malalakas na busina na buhat sa sasakyang iyon
Huli na nang makita niyang malapit na malapit
na siya sa puwitan ng sasakyan. Bigla niyang kinabig ang manibela para makaiwas ngunit hindi na niya nagawang kabigin uli iyon para makaiwas naman sa isang malaking puno sa gilid ng daan. Nakabilis kasi ng kanyang takbo.
Napapikit siya nang makitang babanga siya sa malaking puno. Narining niya ang malakas na ingay na gawa ng pagbangga ng bakal sa kahoy. Pakiramdam niya ay may bumagsak na kung ano sa kanya at naalog ang buo niyang katawan. Pagkatapos ay nagdilim na sa kanya ang lahat.
Umaga at tulad nang dati ay nagdidilig na naman si lorna ng kanyang mga halaman. Nag - iisa na lamang siya sa bahay dahil nakaalis na ang mga anak. At basta gayong nakaalis na ang mga anak ay ang mga halaman naman ang kanyang aasikasuhin.
Maganda ang pakiramdam niya nang umagang iyon.
Dahil marami na namang mga buko ang kanyang halaman. Tiyak niyang marami na naman siyang mapipitas na bulaklak sa sabado. Na ititinda niya sa palengke. Malaking tulong din ang mapag bibilhan niya ng mga iyon sa kanilang kabuhayan.
Kung sabagay ay hindi na sila kinakapos Ngayon. Maayos din naman ang kita ng dalawa niyang lalaki sa palaisdaan at sa kanilang traysikel.
Masipag ang kanyang si Justin. Madaling araw pa lamang kasi ay lumalabas na ito kaya pagdating ng bago oras ng pag pasok sa school may naabot na sa akin ng Pera dalawang daang piso. Malaking tulong na sa amin ang kita ni Justin.
Si Franklin naman ay maayos din ang kita sa pagbabantay sa palaisdaan.........
Bagamat Mas mainam ang kita nito sa pagmamaneho kina Marco
Kuntento na ito sa bagong trabaho dahil mababait ang among si mang Romulo
Si lea ang malaki ang kinikita at iyon ang nakaluwag sa
kanilang kabuhayan. Gayunman ay hindi naman siya nasisiyahan sa trabaho nang kanyang anak. At kung may magagawa lamang saba siya ay pahihintuin na niya ito sa pagsasayaw. Bata pa at babae ang kanyang anak at sa malayo PA nagtatrabaho........
Dinadaan na lamang niya sa dasal ang kanyang pa-aalala para sa kaligtasan ni lea sa anumang panganib. Na kaakibat ng trabaho nito.
Ang problema na lamang talaga Nila ay ang nalalapit na pag ilit sa kanilang bahay at lupa.
Hanggang sa mga oras na iyon kasi ay wala pa silang alam na mapagkukunan ng pera.
Malapit na siyang matapos sa ginagawa nang napansin niya ang isang kaput bahay na huminto sa harap ng tarangkahan Nila. Sa tingin Nia excited to na Maka - usap siya.
Aling lorna tawag nito sa kanya.
Pinatay niya ang gripo at nagmamadaling lumapit sa matabang babae.
Ikaw pala melya. May kailangan ka ba? Tanong niya.
Naku, lorna nabalitan mo na ba ang nang yari Kay Marco?
B-bakit ano ang nangyari sa kanya?
nabangga ang sinasakyan niya kagabi sa highway habang pauwi sa kanila!
N-nabangga?
Oo at ang balita ko galing daw sa anak mo sa Quezon city...........
K-kay lea?
Oo Madaling araw na yata nang mangyari ang aksidente.
Diyos ko! N-nasaan na siya Ngayon?
Sinabi sa kanya ng babae ang ospital na kinaroroonan ng lalaki sa cavite.
S-salamat sa balita. Melya. May balita ka ba kung ano na ang lagay niya ngayon?
Ang Sabi ay ligtas naman daw sa panganib si Marco. Liban doon wala na along alam
S-salamat!
Bahagyang nanginig ang kanyang katawan nang makaalis ang kapit - bahay. Tiyak niyang lalong lalala ang hindi Nika pagkakaunawaan ni Stella dahil sa nangyari. Kung totoong galing si Marco kay lea bago ito nabangga, tiyak niyang madaragdagan na naman ang isisisi sa kanya ni Stella.
Nagpasya siyang pumunta sa ospital
Dadalawin niya si Marco kahit hindi niya alam kung ano ang magiging pakikiharap sa kanya ng Ina nito.
Bahala na ang mahalaga ay maibigay niya Kay Marco ang nararapat bilang ninang nito. Nagbalik siya sa loob ng bahay at naligo. ilang sandali pa, ay handa na siyang umalis para pumunta sa ospital.
Bago siya umakyat sa second floor, sa kuwartong kinaroroonan ni Marco ay nagtanong muna si Lorna
Sa nurse station kung ano ang lagay nito. Nakahinga siya nang maluwag nang sabihin sa kanya ng isang nurse roon na mabuti na ang.....
Ang kalagayan ng lalaki at ligtas na ito sa anumang panganib.
At wala rin daw itong tinamong malubhang pinsala sa anumang bahagi sa katawan.
Maluwag na ang kanyang dibdib nang umakyat siya sa second floor. Nang makarating siya sa harap ng pinto ng kuwartong itinuro sa kanya ng mga nurse ay bahagys siyang nagdalawang isip kung tutuloy pa o uuwi na lamang at alam na man niyang maayos na ang kalagayan ni Marco.......
Pero dahil sa naroroon na rin lamang siya at nag lakas loob na siyang kunatok.
Si Stella ang nagbukas ng pinto at bahagya pa itong natigilan nang makita siya. Hindi marahil inaasahan na dadalaw siya.
Unti unti tumilim ang mga Mata nito.
Ano 'ng kailangan mo rito? paasik na tanong nito sa kanya.
Stella, g-gusto ko lang Sanang makita ang inaanak ko,
Mapagkumbabang sabi niya. Ayaw niyang salubungin ang mga mata no Stella na tila nagbubuga ng apoy.
Hindi ka niya kailangan dito kaya makakaalis kana!
singgal nito sa kanya.
Stella wala namang dahilan para magalit ka nang ganyan sa akin. Gusto ko lang namang kumustahin ang kanyang kalagayan....
Walang dahilan? Bakit, hindi mo ba alam na ang malandi mong anak ang dahilan ng pagkajaaaksidente no marco.
Kung hindi itinaboy ng anak mong puta ang anak ko. Hindi niya sasapitin ang ganito!
Stella dahan dahan ka naman sa pananalita mo
Hindi malandi ang anak ko at lalong Lalo na hindi siya Puta!
Malumanay pa ring sabi niya. Hangga't magagawa niyang magpigil ay gagawin niya. Ayaw niyang Lalo pang lumala ang kanilang sigalot na dalawa.