Hindi niya akalaing hahantong sa ganito ang lahat.
Ang inaasahan niya ay pupunta sa kanila ang nanay no lea at makikipagkasundo sa kanyang inay.
Pag nangyari iyon ay psbabalikn na niya ang Kuya nito na si Franklin at bibisita na uli siya Kay lea
Hindi naman niya talaga gustong makipagkasira kay lea mahal na mahal niya ito para gawin iyon.
Ang pakikipagmabutihan niya Kay Dorothy ay paraan lamang niya para saktan si lea. Dahil kung makikita ng inay nito na nasasaktan si lea ay tiyak na maamadali itong lumapit sa kanyang inay para humingi ng paumanhin.
Pero hindi iyon nangyari.
Ang alam nga niya ay nagtatrabaho na si Franklin bilang bantay sa palaisdaan at si Justin naman ay nakikita niyang nagtatraysijel na lang.
Ganyang nagmamalaki na sila sa atin wala nang dahilan para pabalikin mo pa sa trabaho ang Franklin na iyon. . Marco at wala vna ring dahilan para balikan mo pa ang babaing iyon! Ayawkong magkaroon ng manugang na bagbibilad ng katawan para lamang kumita!
Inay mahal ko ho si lea
Biglang nanlisik ang mga mata ng kanyang inay na napatingin sa kanya. Muntik pa nitong mabitawan ang hawak na tasa ng iniinom ba kape
Mahal mo pa siya kahit ngayong nalaman mo bang nagsasayaw siya nang hubu't hubad sa maynila?
Ano'ng malay mo kung nagsasama na rin siya sa kung sinu-sinong lalaki roon?
Gusto mo ba ng isang babaing tira-tirahan na ng kung sinu-sinong lalaki?
Hindi magagawa ni lea iyan, inay disenteng babae si lea tanggi niya.
Disente? Disente bang babae ang nagsasayaw nang hubo't - hubad sa harap ng mga lalaki?
Hindi siya nakasagot at hindi rin siya nakipagtalo PA.
Alqm niyang kasalanan niya ang pag pakakapasok ni lea sa club. Idinamay niya ito at ang kapatid nito sa nangyayari sa pagitan ng kanyang nanay at ninang lorna.
Inubos niya ang tinimplang kape at nagmamadali nang tumayo.
Saan ka pupunta? Tanong nag kanyang inay
Sa palaisdaan ho! Paiwas niyang sagot pero sa isip niya ay gusto niyang makipag - usap Kay lea
Makikipagkita siya sa kasintahan at pahihintuin niya ito sa pagsasayaw.
Nasa stage si lea at kasalukuyang nagsasayaw nang namataan niya si edcel na pumasok ng club iwan ba niya kung bakit nakilala agad niya ang lalaki gayong medyo nadilim sa may pinto ng club. At hindi rin niya alam kung bakit may kasiyahang pumuno sa kanyang dibdib sa kaalamang naroroon na sa club ang lalaki.
Nakita niyang iginaya ito ng isang waiter sa isa sa mga VIP room ng club.
Bumilis ang t***k ng kanyang puso at nahiling niyang matapos na Sana ang tugtug para matapos na rin ang kanyang number nasasabik na siyang makausap na muli ang lalaki. Pero hindi dahil sa perang ipinangako nitong ipapahiram sa kanya para matubos ang kanilang bahay at lupa ang totoo nga ay hindi......
Ang totoo nga hindi niya ay hindi niya iyon naiisip kahit nakita na nakita na niyang dumating ang lalaki. Basta masaya na siya na naroon na sa club si edcel.
Nang aalisin na niya ang mga saplot ay bahagya siyang nakadama ng pagkailang. Alam niyang mula sa kinaroroonang VIP room ay pinsnonood siya nito
At para siyang nahihiya Kay edcel. Alam niyang
Disenteng lalaki ito. Ang pagjakapunta nito sa club na iyon ay isang paglilibang lamang at maaring hindi na madundan kung hindi siya na kilala nito.
Pinili niyang alisin sa isip ang lalaki ayaw niyang madira siya sa kanyang trabaho. Hindi pa siya handang iwan ang trabahong iyon dahil nasa panahon pa sila ng malaking pangangailangan. Maayos niyang natapos ang kanyang number.
Nag - aabang na sa kanya si Jena sa dressing room agad nitong inabot sa kanya ang tuwalya.
Pinahiran niya ang kanyang buong katawan.
Hinihintay ka na no edcel sa VIP room puntahan mo na agad siya roon at baka mainip iyon!
Oo tita thank you ha!
Nagmamadali na siyang nagbihis at talagang inayos niya ang sarili bago siya lumabas ng dressing room para puntahan ang VIP room na naroon so edcel na naghihintay sa kanya.
Nakangit na agad ang lalaki nang pumasok siyasa kuwarto ginantihan niya ng ngiti ito at saka siya umupo.
Kamusta ka na?, tanong nito sa kanyang hindi inaalis ang simpatikong ngiti sa mga labi
Mabuti naman sagot niyang kinakabahan mabilis na mabilis ang t***k ng kanyang puso napaka gwapo kasi no edcel sa suot na poling light blue na Naka tuck- in sa itim na maong na hapit sa balakang at mga hita nito. At forty plus, napakabata pa ring tingnan so edcel. Maaring ihanay ito saga binatang nasa mahigit twenty lamang ang edad.
Ano'ng gusto mo?
Juice lang edcel.
Umorder ng juice si edcel sa waiter na nakabantay sa kanila at saka dalawang pang beer.
May kinuha ito sa bulsa ng suot na polo nang maisilbi na ang kanilang order. Tseke na itinupi sa gitna. Inilapag nito iyon sa mesa may kabang bumundol sa kanyang dibdib.
Humigit - kumulang ay alam na niya ang ibig sabihin ng tsekeng iyon.
Heto na ang pangako kong pantubos ng inyong bahay at lupa.
Naramdaman niya ang udyok na damputin iyon at itago sa kanyang bulsa pero nahihiya siya Kay edcel hindi niya maaring kunin iyon kung hindi rin lamang siya nakatitiyak na gusto na nga niyang mag pakasal dito.
Inusog niya iyon sa harap ng lalaki
Hindi ko pa matatanggap iyan edcel Sabi niya
Bakit?
Hindi Tama e paano kung pagkaraan ng panahong ibinigay mo sa akin ay hindi ko pala gustong magpakasal sa iyo?
Hindi ba sinabi ko nang wala kang magiging obligasyon.
Ayoko namang lumabas na nagsasamantala edcel.
Tumingin sa kanya si edcel nang buong pagmamahal.
Hindi ko iisipin iyon lea
Iitago mo na lang muna ang tsekeng iyan
Ibig bang sabihin niyan ay hindi mo ako magugustuhan?
tanong nitong nakatitig sa kanya nang matiim.
Hindi siya agad nakasagot
Huwag mo nang sagutin malungkot na, sabi nito bumaling ito sa iniinom na beer at tinungga ang isang bote. Halos napangalahati nito ang bote nang ibaba sa mesa.
Para naman siyang nakunsensiya sa nakikita niyang lungkot sa mga Mata nito nailang tuloy siya dahil hindi niya alam kung paano ito aaluin.
Dinampot nitong muli ang bote ng beer at tinungga sinaid nito ang laman niyon pagkuwan ay Dinampot nito ang isa pang bote mabilis niya itong nahawakan sa kamay para pigilin sa pag - inom
Tama na baka malasing ka!
Tumingin ito sa kanya nagsalubong ang kanilang mga mata at sa loob nang ilang saglit ay nakipagtitigan siya rito. Pero siya rin ang unang nagbaba ng tingin dahil sa pagkailang.
Maari VA tayong lumabas uli mayamaya ay tanong nito kakain lang tayo!
, ikaw ang bahala!
Matapos ang huling niyang number ay sumama na nga siyang lumabas Kay edcel patungo sila sa kinaroroonan ng kotse nito nang bigla na lamang may humawak sa isa niyang braso.
Gulat siyang napalingon at Lalo siyang nagulat nang makilala ang may ari ng kamay na iyon
Marco bulalas niya
Madilim na Madilim ang mukha nito nakalarawan sa, mukha vang malaking galit at pagseselos madiin din ang oagkakahawak nito sa kanyang balikat at nakakaramdam siya ng sakit
Kailangan mag usap tayo lea madiin sabi nito
Hinila niya ang kamay sa oagkakahawak nito. Binitawan naman iyon.
Wala na tayong dapat na pag- usapan, galit ding sabi niya at saka hinila si edcel patungo sa kotse nito.
Lea sandali! Habol ni Marco
Utang na loob Marco Huwag mo along guluhin
Bigla siyang sinunggaban ni Marco sa isang braso kumilos naman agad si edcel para komprontahin ang lalaki pero bago pa may maganap na hindi maganda sa dalawang lalaki ay isang security guard na ang nakalapit sa kanila
Anong kaguluhan ito? Tanong ng guard wala Andy sagot niya konting misunderstanding lang sabi niya at saka hinila na niya si edcel hindi naman sumunod PA si Marco hindi na rin niya nilingon ito.
Matagal silang walang imikan ni edcel habang naglalakbay sila patungo sa kanilang kakainan.
Maya Maya ay nagsalita si edcel.
Siya ba ang dahilan kung bakit ayaw mong tanggapin ang tsekeng ibinibigay ko sa iyo? Tanong nito sa kanya nakatingin ito sa dinadaanan Nila.
Tapos na sa amin ang Lahat tinapos niya dahil sa nangyari di pagkakaunawaan ng nanay niya at ang inay ko siguro'y naikuwento na iyon sa iyo ni tita Jena
Marahang tumango si edcel. Tinapos niya ang Lahat
Pero mahal mo pa ba siya? Direktang tanong nito sa kanya.
Hindi siya naka sagot dahil ang totoo ay hindi niya alam hindi na kasi sumasagi sa isip niya si Marco mula nang sumayaw siya sa club na pinagtatrabahuan niya
Hindi naman siya kunulit ni edcel.