Salamat sa diyos na sambit niya!
May ilang saglit nanakakailangan na katahimikan ang namagitan sa kanilang tatlo bago nagsalita uli so marco.
S-siya pala, siya si Dorothy, Dorothy, siya si lea pagpapakialala nito sa kanilang dalawa ng kasamang babae sa kuwarto.
Ngumiti siya Kay Dorothy at Ngumiti rin ito sa kanya
N-nagpunta ako rito nang mabalitaan ko ang nangyari saiyo
N-naisip ko. K-kasalanan ko ang nangyari.
No! Wala kang kasalanan, lea huwag mo sisihin ang sarili mo mabilis lang talaga ang takbo ko noon nag sasakyan ko nagkulang ako sa pag-iingat.
Hindi siya kumibo
Walang ibang dapat sisihin kundi sarili ko lang lea,
Napatango siya....
M-mapapalagay na ako kasi okay kana. Nag-alala kasi ako...
Ipanatag mo ang loob mo lea dahil wala ka namang kasalanan sa nangyari. S-salamat nga pala sa pagdalaw mo.
Ngumiti lang siya...
Lea, s-sana mapatawad mo ako sa mga maling nagawa ko sa iyo...
Kalimutan na natin ang tungkol sa mga bagay na iyon, marco. Wala na sa akin iyon.
S-salamat lea
Muli ay namagitan sa knaila ang katahimikan tumayo na siya...
Paano, Marco, hindi na rin ako magtatagal. Babalik na rin ako ng maynila.
Salamat uli. Lea sa pagdalaw mo!
Wala ton, sige tutuloy na ako Dorothy!
Sige sagot ng babae.
Humakbang na siya patungong pinto
Pero tumawag si Marco sa kanya napahinto siya. At nilingon niya ang lalaki.
Lea kami na ni Dorothy at balak na namin magpakasal
Sa lalong madaling panahon. Nakuha niyang
Ngumiti at wala siyang nadamang anumnag kirot sa dibdib. Sa halip ay naroon ang kasiyahan na ang lalaking iiwan niya ay maroon n arin natagpuang ibang mamahalin.
Best wishes sa inyo!
Imbitado ka sa kasal namin!
Hayaan mo at paglalaanan ko ng panahon
Iyon lang at lumabas na siya sa kuwartong iyon.
Naglakad siya sa pasilyo patungo sa hagdan. Bigla
Siyang Natigilan nang makita ang nanay no marco na makakasalubong niya.
Huminto ito nang magkalapit sila at tumingin sa kanya. Pero wala naman siyang nakikitang galit sa mukha nito.
Tingin nga niya ay mukhang gusto siyang batiin nito pero nahihiya nga lamang.
Siya na ang Naglakas loob na bumati rito.
M-magandang hapon ho tita Stella! Sabi niyang bahagyang kinakabahan.
Magandang hapon naman. Lea galing ka ba kay marco?
Oho natutuwa ho ako at wala naman pala siyang natamobg malubhang pinsala sa katawan.
Bahagya itong tumango. Mukhang gustong Ngumiti pero parang may pumipigil na gawin iyon.
Sige ho tutuloy na po ako
Maraming salamat sa pagdalaw mo iha.
Ngumiti lamang siya at saka lumakad na palayo.
Maluwag na ang kanyang dibdib.....
Balisang - balisa ang kanyang inay nang umagang iyon habang nag-aalmusal sila. Naroon siya dahil doon n a siya umuwi kaninang madali g araw n a matapos ang kanyang hauling number.
Tingin pa nga niya ay mukha itong maiiyak.
B-bakit hi ba, inay? Ano ang problema ninyo?......
N-ngayong ang huling araw ng palugit n abinigay ni Mr. Velasco para makabayad sa ating utang sa kanya. M-maiilit na itong bahay natin
Nagkatinginan silang magkakapatid at walang nakaimik. Wala silang kahit magkanong perang hawak
Napailing si lea. Matagal-tagae n arin siya sa pagsasayaw pero hindi n a niya naasikaso ang tungkol doon. Hindi na man siya nahanap ni Jena ng lalaking mauungutan niya ng Pera........
Puntahan na lamang natin siya inay at makikiusap pa tayo ng kahit isang buwan pa.
M-may makukunan ba tayo ng Pera sa loob ng isang buwan anak?
Bahala na ho ang mahalaga, huwag munang mailit itong bahay at lupa inay....
Tama si lea inay. Makiusap mun a kayo Kay Mr. Velasco, pagsangayon ng kuya Franklin sa kanya.
A-Ano PA nga ang magagawa kundi ang makiusap na huwag niyang ilitin ito. Sige lea samahan mo ako sa kanya matapos nating mag almusal.
Pagkakain ng anila ay lumakad n a silang mag ina pareho silang ka ang kaba habang nakasakay sa traysikel na maghahatid sa knaila sa bahay no Mr. Velasco. Panay ang dasal niyang sana'y maawa sa kanila ang lalaki.
Bahagya pang nagulat si Mr. Velasco nang makita silang bumaba sa traysikel. Nasa Maluwag na hardin ang lalaki at nagdidilig ng mga halaman kasama ang misis nito....
Agad silang pinatuloy ang mga ito at dinala sa terrace ng bahay nito.....
Ano ho ba ang maipaglilingkod namin sa I yong mag ina? Malumanay na tanong ni Mr. Velasco,
A, e sir, makikiusap ho sana kami ni inay na.....na huwag muna ninyong ilitin ang among bahay at lupa.
Oho nga Mr. Velasco bigyan PA ninyo kami ng kahit isang buwanng palugit,. Dagdag ng kanyang inay.....
Natitigilang napatingin sa knaila si Mr. Velasco
Ano ba ang sinasabi ninyong mag ina ? Hindi ba't
Mahigit dalawang buwan na ninyong nabayaran ang pagkakautang ninyo sa among mag - asawa? Sabi nito sa kanila.........
Sila naman ang nabigla Nagkatinginan silang mag ina. Parehong nagtataka.
S-sino po ba ang nagbayad?, tanobg niya
Aba.. May nagpuntang abugado rito at dala ang tseki ng pagkakataong ninyo sa akin Pati na rin ang tubo ang sabi sa amin at kayo raw ang nagpadala sa kanya rito.
Magsasalita pa Sana ang kanyang nanay pero pinisil niy ang kamay nito. Pagkawan rumayo na sila at nagpaalam sa mag asawa. Inihatid sila nito sa gate.
Sino kanyang abugadong nag bayad ng utang natin anak?
Tanong ng kanyang inay nang pauwi na sila sakay ng traysikel!
Hindi ko rin ho alam inay sagot niya
May hinala siyang si edcel iyon. Pero hinala lang iyon matagal nang hindi sumisipot sa club si edcel at wala n a siya kahit among balita tungkol sa lalaki.
Nang makarating sila sa kanila ay pareho pa silang Natigilan nang makita si Stella na mukhang kanina pa naghihintay sa kanila. Napansin Nila ang malaking sobreng kulay pink na hawak nito.
Bumaba na sila sa traysikel pero nagaalangan lumapit sa babae6. At ito ang lumapit sa kanila.....
Lorna dala ko ang imbitasyon sa kasal ng inaanak mo para sa I yong mag - iina sabi nitong bahagyang nakangiti. Nagkaringinan silang mag - ina
Inabot ni Stella ang sobre sa kanyang inay pareho pang nagkaiyakan ang mga ito matagal ang yakapan iyon at Pati siya ay napiyak na rin. Wala nang anumnag silang salitang namutawi sa bibig ng dalawang nagkasira dahilan sa isang bulaklak.
Magandang maganda si lea nang umagang iyon. Pati ang kanyang inay ay Magandang maganda rin dahi sa suot nitong bistidang pang ninang sa kasal....
Hindi naman ito ninang sa kasal pero nagsuot rin nang ganoon dahi ninang naman ito sa binyag6 ng ikakasal.
Ang kanyang mga kapatid ang hahabol na lamang daw sa reception kaya silang magnanay ay sumakay na ng traysikel patungong simbahan. Nang makarating sila roon ay maramu bnag tao naroon na si Dorothy n Magandang maganda sa suot na mamahaling trahe de boda. Naroon na rin b ang mga abay at ilang ninong at ninang.
Si Marco ay kanina pa roon at ang nanay nito at mga kapatid. Medyo vmaaga PA kaya hindi PA nagsisimula ang kasal
Mayamaya ay isang kotseng puti ang pumasok sa pasilyo ng simbahan. Kinabahan si lea nang makilala ang kotseng iyon.
Kay edcel
Huminto ang sasakyan at bumaba si edcel
Guwapong guwapo sa suot na barong tagalog
Hindi siya nakatiis. Nabuhay ang pananabik sa kanyang dibdib kaya sinalubong niya ito ng yakap at napiyak bsiya sa dibdib nito.
Hinagod ni edcel ang likod niya masuyong hinagkan ang kanyang buhok. Damang - Damang niya ang malaking pagmamahal nito sa kanya.
O tahan na at masisira ang ayos mo. Saka malulukot ang Damir ko. Ninong ako sa kasal na ito. e
Bumitaw siya sa lalaki at saka tumingin bsa mukha nito
I ikaw ba ang nagbayad sa utang namin kina Mr. Velasco?
Oo
Bakit mo ginawa iyon?
Mahal nga kita, e, di ba sinabi ko sa iyo
Bakit na wala ka na?
Bakit hindi kana sumisipot sa club?
, nagbukas na kasi ako ng business ko at dahil bago PA lang at personal kong inaasikaso ayaw ko na kasing bumalik sa abroad saka gusto kong matatag na ang financial status pag ikinasal tayo.
Papakasalan mo pa rin ba ako?
Oo naman alam ko yatang miss na miss mo na ako
Paano mong na laman?
Di Kay tita Jena
Ang baklang iyon
Nakita nilang papalapit sa kanila si Marco nagmano ito Kay edcel....
Ninong ka niya? Tanong niya Kay edcel
Di ba sinabi ko na sa iyo?
Paano pag kasal na tayo di ninang din niya ako?
Oo naman!
Ha? E, matanda pa nga vsa akin ang lalaking iyan sabi niya na ikinatawa nang malakas ng dalawang lalaking naging mahalaga at naging bahagi ng kanyang buhay!
Mahal na mahal kita lea sabi ni edcel
Kahit Sino ka man....
Salamat edcel mahal na mahal din kita...
WAKAS......
SALAMAT PO SA MGA MAMBABASA KO SANA PO
MULI NIYO PONG SUBAY BAYAN ANG MGA STORY KO GOD BLESS ALL