Chapter 3

1025 Words
Habang naglalakad ako sa gitna ng kagubatan kasama si Maverick dahil kabilugan ngayon ng buwan at kailangan kung makita ito at mapagmasdan manlang kahit sandali. Sana nga pala hindi ko nalang sinama si Maverick paano ba naman ang ingay at walang tigil ito sa kaka-dada hindi ko alam kung ambassador ba talaga siya ng palasyo kahit kung ako lang hindi pa siya pwede dahil sa isip nito na mukhang bata. Mas mabuti pa sa kanya si Cassania kahit babae ang isang iyon magaling siyang ambassador. Pinsan ko kasi ang baliw na ito at isa siyang Moontrata kaya nararapat siya sa posisyon na iyon. “Hindi ko alam kung ano ang ipinaglalaban mo pero pwede ba tumahimik ka naman kahit sandali lang?” sita ko sa kanya kaya kaagad naman ako nitong inirapan at tumahimik naman ang loko hanggang sa makarating ako sa pinakamataas na parte ng gubat at dito kitang-kita muna ang buong palasyo at ang mga bahay sa paligid nito at maririnig mo dito ang ibat-ibang tunog ng mga hayop at nilalang sa mundo naming. Hindi katulad sa mundo ng mga taga lupa na wala kang ibang maririnig kundi huni ng mga sasakyan. “Alam mo ilang beses mo ng nakita ang buwan na iyan pero hindi ka parin nagsasawa,” kaagad naman akung napatampal sa aking noo dahil tumahimik nga ito pero ilang minuto lang naman siyang tahimik at ito na naman siya sa kakasalita niya, hindi kuna alam kung ano ang nangyayari sa pinsan ko pero palagi nalang nakangiti at palaging tumatawa pero akpag nagalit ang isang ito tignan lang natin kung hindi mawasak ang kinabukasan mo. Si Maverick ang tipo ng bampira na mabilis lapitan pero sa oras na magalit siya nagiging demonyo siya. Mabilis ko siyang tinignan at napabuntong hininga ako umiling nalang sa kanya mas mabuti pana huwag ko nalang siyang pansinin dahil kapag sinagot ko pa siya mas lalong hahaba lang ang usapan naming dalawa. Ako lang ang nag-iisang bampira na naging related sa buwan at alam kung may ibig-sabihin ito hindi lang sa akin sinasabi ng mga magulang ko pero darating ang araw na iyon na malalaman ko din iyon. Hindi lang basta nangyari ang bagay na ito alam ko kung ano ako at alam kung malaki ang pinag-kaiba ko sa ibang mga bampira na nandito, alam kung may iba sa aking pagkatao at naghahanap lang ng tamang panahon ang mga magulang ko para sabihin sa akin pero kung pwede naman na ako nalang ang maghanap ng sagot sa katanungan ko pwede naman siguro pero may nilagay ang ama ko sa library na hindi ako makakapasok doon kung wala ang kanyang pahintulot at kahit sino walang makakapasok doon tanging silang dalawa lang ng ina ko. Dahan-dahan akung napatingin sa buwan ng tuluyan na itong naging bilog at ng tumama ang kanyang ilaw sa aking mga balat kakaibang lakas na naman ang aking naramdaman habang lumalapat ang ilaw ng buwan sa aking balat. Bigla namang lumapit sa akin si Maverick at tinignan ang kamay ko kung dahan-dahan nitong kinukuha ang ilaw ng buwan kaya mas lalong nanlaki ang kanyang mga mata. Kahit ako hindi ko din naman alam ang nangyayari sa akin pero habang kinukuha nito ang ilaw ng buwan nagiging pula naman ang buwan at kapag naging pula ito para naman itong dugo at nakakatakot tignan pero kapag ako ang tumitig nagagandahan pa ako. “Paano nangyari yan Zen?” mabilis na tanong sa akin ni Maverick at hinawakan ang kamay ko pero mabilis naman siyang napabitaw sa akin ng bigla nalang may kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan at mabilis siya nitong naitapon sa dulo na kahit ako ay ikina-gulat kuna din. Dahan-dahan na bumangon si Maverick at tinignan ako ng nanlalaki ang kanyang mga mata at sa isang iglap nasa harapan kuna naman ito at nakatingin nalang sa akin. “Alam naba ito nina Tito at Tita? Bakit ka nagkakaganito?” kaagad naman akung nagkibit balikat kay Maverick at sinuot ang aking coat upang hindi na ako matamaan ng ilaw ng buwan habang siya naman parang wala lang sa kanya ang dugo sa kanyang ulo dahil sa pagkatilapon niya kanina mas nanaig ang pagka-interested niya sa akin. “Walang alam sila dito hindi ko naman sinasabi at wala naman akung planong sabihin sa kanila dahil alam kung may tinatago din naman sila sa akin kaya hindi ko sa kanila sasabihin mas mabuti ng ako mismo ang maghanap ng sagot sa mga katanungan ko,” sagot ko kay Maverick at dahan-dahan na umalis sa lugar na iyon at kaagad naman siyang sumunod sa akin at sa isang iglap nandito na kami sa daan papunta sa palasyo at kung sino man ang makakakita sa amin kaagad na ymuyuko at binabati kami habang ako tuloy lang sa paglalakad pero si Maverick tumatawa at sinasagot sila. Kilalang mabait si Maverick sa mga bampira dito kaya kahit sino nalang maka-pansin sa kanya ng walang pag-alinlangan pero sa akin ginagalang nga nila ako pero hindi kagaya ng mag-approach nila kay Maverick na nakangiti pero sa akin may takot at seryoso ang kanilang mukha. Hindi pa ako tuluyan nakarating sa palasyo ng bigla nalang humarang sa akin na babaeng bampira at puro dugo ang kanyang katawan habang umiiyak ito at kaagad na lumuhod sa aking harapan. “Tulungan mo ako Prince Zen ang anak ko inaatake ng mga halimaw tulungan mo ako!” tinignan ko lang siya at tinignan si Maverick na ngayon ay nakatingin nadin sa babae habang ang babae naman ay nakahawak nasa aking paa at nalagyan ng dugo ang aking suot. “Narinig niyo ang sinabi niya tulungan niyo siya,” malamig kung saad at sa isang iglap ang mga bampira kanina ay bigla nalang nawala at napatingin naman ako kay Maverick na ngayon ay sa akin din naman nakatingin tapos biglang ngumisi at sa isang iglap kaagad naman siyang nawala sa harapan ko. “Bumalik kana sa bahay mo may tulong kana doon,” malamig kung saad kaya sunod-sunod naman ang kanyang tango sa akin habang nagpapasalamat. Hindi ko alam kung saan kumukuha ng lakas ng loob ang mga halimaw na iyon para sumugod dito mismo sa kaharian. Damn!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD