Habang abala silang tatlo sa kanilang ginagawa ako dito nakaupo lang at nakatingin sa kanilang mga ginagawa, nandito kasi kami sa resort private resort to be exat kasi ilang buwan nadin ang lumipas simula ng trahidya na iyon at pagkatapos non wala na namang nangyari at naging magaling na ako kasi kung ano-anong gamot ang binigay sa akin ni Zen na galing sa kanilang mundo upang gumaling ako kaagad at kahit pangit ang lasa ng mga gamot na iyon aaminin kuna na naging mabilis nga ang aking paggaling dahil lang doon. Tapos inaya kami ni Cassania na maligo dito pero hindi sa dagat kasi ayaw nila nandito lang kmaing apat sa pool at walang makakapasok dito kundi kami lang tapos pinapalitan nila ang tubig dito na walang chlorine kaya ordinaryong tubig lang ang nandito kaya malaya silang nakakaligo

