Ramdam ko ang sakit ng aking likod habang nakasandal ako sa kahoy at patuloy akung dinidikit ng bampirang ito na hindi ko alam kung ano ang kanyang pangalan. Patuloy na tumutulo ang aking luha habang hinahawakan niya ako at ngayon lang ako nakaramdam ng mas matinding takot mas matindi pa noong nakaharap ko ang mga lobo na iyon at wala akung ibang iniisip kundi sana dumating si Zen para iligtas ako. Ramdam ko ang mahigpit nitong paghawak sa aking kamay at alam kung basa ang kanyang kamay ng aking dugo kasi patuloy na humahapdi ang aking kamay. “Damn Zen!” malutong niyang mura sa pangalan ni Zen kahit wala naman si Zen dito. Dahan-dahan na bumaba ang kanyang tingin sa aking kamay at mas lalong kumislap ang kanyang pangil habang nakatingin sa aking kamay kaya sa oras na ito hindi ko alam k

