Chapter 1

2014 Words
Third person's POV Car Crash "Jessica! Huwag mo akong iwan! Please!" umiiyak na sabi ni Axel habang itinatakbo si Jessica papuntang emergency room. "Sir hanggang dito na lang po tayo," sabi ng doctor kay Axel nang marating na nila ang emergency room. "Please doc, buhayin niyo siya! Hindi ko kayang mawala siya. Please doc," tensyonadong sabi ni Axel. "Let's see what I can do sir," sabi ng doctor at pumasok na sa loob. Umupo lang si Axel sa upuan sa labas ng emergency room na halatang kinakabahan. ~~flashback~~ Nakaupo sa isang bench sila Axel at Jessica na kumakain ng ice cream. "Axel," tawag ni Jessica sa atensyon ni Axel. "Ano yun?" tanong niya naman. "Kung sakaling mawala man ako sa mundo, hinding-hindi ka mawawala sa puso't isipan ko," saad niya. "Ano bang pinagsasabi mo Jessica, hindi ka mawawala. Hindi ko kayang mawala ka," sagot naman ni Axel dito. "Mangako ka Axel, na kahit mabura man ako dito sa mundo.. Hinding-hindi ako mabubura sa alaala mo," may halong lungkot na wika ni Jessica. "Mangako ka rin na hindi mo ako iiwan." Sandali silang natahimik. "Mangako ka ngayon Jessica!" Niyakap lang ni Jessica si Axel at napaluha sa balikat niya. "Pangako Axel," pabulong na sabi ni Jessica habang magkayakap pa sila. MAPASABUNOT nalang si Axel sa buhok nito dahil sa naalala na yun. "Ahhh! Kasalanan ko 'to!" sigaw niya habang umiiyak mag-isa sa labas ng emergency room Napatigil si Axel sa kanyang trabaho dahil sa tumatawag. Tinignan niya muna ang screen nito at agad niyang sinagot nang mapag-alamang ang asawa niya ang tumatawag sa kanya. "Hello, Jessica. Oh bakit napatawag ka?" "Naiwan mo kasi itong baon mo sa bahay, ihahatid ko nalang sa office mo." "Ikaw lang nagdrive?" "Oo, don't worry ayos lang naman ako-" "Hello, Jessica? Anong nangyari?" Wala na siyang narinig na ano mang sagot ni Jessica sa kabilang linya. "Jessica!" *TV* "Merong nagbanggaang sasakyan kinalaunan lang, at narito ang mga pahayag ng witness," sabi ng reporter sa tv na pinapanood ni Axel. "Naglalakad lang po ako dito nang makita ko yung isang kotse at isang truck na nagbanggaan," sabi ng witness. "Anong itsura ng kotse?" tanong naman sa kanya ng reporter. "Masasabi kong kakaiba po siya kasi po kulay pink ito na may design na hellow kitty," sabi pa ng witness. "Sh*t si Jessica nga yun!" Yung kotse kasi ni Jessica ay niregalo ni Axel na nirequest niya mismo yung design kaya kakaiba talaga. Dali-dali namang pumunta si Axel sa kung saan sila nagbanggaan at nakita niyang iniaakyat na siya sa ambulansya. Sinundan naman niya ang ambulansya hanggang sa makarating na sila sa ospital. "Kasalanan ko 'to!" pasigaw pa rin niyang sabi. After how many minutes ay lumabas na rin ang doctor. Bigla namang tumayo at sinalubong ni Axel ang doctor. "Doc kumusta po siya?" "I'm sorry to say.. Pero ginawa ko na lahat ng makakaya ko pero hindi talaga kinaya ng katawan niya at bumigay agad," pahayag ng doctor dahilan para manlumo si Axel. Sunod-sunod nang tumulo ang mga luha ni Axel galing sa kanyang mga mata. "Sir, maiwan na po kita," sabi ng doctor at umalis na. "Hindi maaari," bulong niya sa kanyang sarili. "Hindi pwede!" sunod naman niyang sigaw. Matamlay na umuwi si Axel sa bahay nila at nagkulong sa kwarto nito. "Sabi mo hindi mo ako iiwan?" sabi ni Axel na yakap-yakap ang nakapicture frame na picture nila ni Jessica. SA ospital naman ay isang kababalaghan ang nangyari. Kita ng lahat ng nandun kung pano magstraight line ang machine na kung saan tinitignan ang t***k ng puso at sa lagay ni Jessica ay tumigil na nga ang pagtibok ng kanyang puso. Kinalaunan ay bumangon ang kaluluwa ni Jessica sa katawang lupa niya. "Bakit kaya maraming doctor at nurse na nakapalibot sa'kin?" tanong niya sa kanyang sarili. "Doc, ginawa na po natin ang makakaya natin pero hindi po talaga kinaya ng babae," sabi ng nurse. "Anong sinasabi ng nurse na 'to?" tanong niya na nakaupo pa rin sa hospital bed. Ilang sandali pa ay nagsimula ng maglakad ang doctor palabas at sumunod naman ang kaluluwa ni Jessica. Paglabas nila ay nakita ni Jessica na tensyonado si Axel at ngayon ay sinalubong niya ang doktor. "Axel," bulong niya. "Doc kumusta na po siya?" tanong niya sa doctor. "I'm sorry to say.. Pero ginawa ko na lahat ng makakaya ko pero hindi talaga kinaya ng katawan niya at bumigay agad." Nakita naman ni Jessica ang mga luha ni Axel na sunod-sunod na tumulo. "Axel, nandito lang ako. Please huwag ka ng umiyak," sabi niya pero wala naman kahit sino ang makakarinig sa kanya. "Sir, maiiwan na po kita," sabi ng doktor at umalis na. "Hindi maaari! Hindi pwede!" "A-Axel. Andito lang ako.. A-axel," naluluha na rin na sabi ni Jessica. Naglakad nalang ng mabagal si Axel papuntang parking lot. Sumakay naman din si Jessica sa tabi ng driver's seat. 'Di ba nga, ghost can pass through objects kaya hindi na kinailangang buksan pa ni Jessica ang pinto. Habang nagdridrive si Axel ay hindi pa rin niya maiwasang maluha. Sa tagal na kasi nilang nagkasama at madami na rin silang napagdaanang pagsubok sa buhay pero ito pa ang makapaghihiwalay sa kanila. "Ahhhhh!" sigaw pa rin niya habang nagmamaneho. Masakit din para kay Jessica na makitang ganyan ang asawa niya. Hanggang sa nakarating na sila sa bahay nila. Dumeretso lang si Axel sa kwarto niya na sinundan naman ni Jessica. Bigla namang nahagip ng mata niya ang picture nilang dalawa na magkasama na naka picture frame pa kaya kinuha niya ito at naupo sa gilid ng kama. "Sabi mo hindi mo ako iiwan," sabi ni Axel na yakap-yakap na ang picture frame. "Hindi kita iniwan Axel, at hinding-hindi kita iiwan," sabi naman ni Jessica na tumabi ng upo kay Axel sa kama. Sinubukan pa nitong hawakan ang pisngi ng asawa niya pero hindi niya mahawakan kasi lumalagpas ang kamay niya every time na hahawak siya ng kahit ano. "Mahal na mahal kita Jessica, tatandaan mo 'yan.. Kung nasan ka man ngayon," sabi niya habang yakap-yakap pa rin ang naka picture frame na picture nila. "Mahal na mahal din kita Axel, and even death can't separate us apart," bulong ni Jessica sa kanyang sarili na alam naman niyang walang sinuman ang makakarinig. "Hanggang sa muli nating pagkikita Jessica... Sa kabilang buhay." Napahagulgol nalang din si Jessica sa narinig mula sa asawa. Habang si Axel naman ay yakap-yakap pa rin ang picture nila. "Sir! Ma'am!" Kumatok ang kasambahay nila na si Pola sa kanilang kwarto ng mag-umaga na. "Sir! Ma'am!" pagtawag ulit ni yaya Pola. Nakabasungot namang bumangon si Axel at dumeretso na sa pinto. "Ano ba yun!" tanong niya sa kanya. "Sir kain na po kayo," sabi niya. "Wala akong gana," sagot naman ni Axel sa kanya. "Sir, tawagin niyo na rin po si ma'am para kumain," sabi ni yaya Pola na hindi alam ang totoong nangyari. "Wala na si ma'am Jessica mo," malungkot muling saad ni Axel at may isang luhang kumawala sa kaliwang mata niya. "Anong ibig mong sabihin sir," nagtatakang tanong ni yaya. "Patay na ang ma'am Jessica mo," malungkot na sabi niya. Hindi din naman maipinta ang itsura ni yaya Pola dahil sa balitang kanyang nasagap. "Seryoso ba sir," 'di makapaniwalang tanong niya. Pero hindi na nito inabalang sagutin pa ni Axel. Dumeretso na siya sa banyo para makaligo na. matamlay siyang nakarating sa office niya. Naalala pa niya noon na bago siya makaalis papuntang office niya ay may yakap at halik pa siyang matatanggap galing sa kanyang asawa. Pero ngayon ay wala. Unang araw na wala ang kanyang asawa. Nang nakarating na siya sa kanyang office ay nakaupo nalang siya at nakatulala sa hangin. Still can't believe what happened to his wife. "Ah sir pano raw po ito-" Pagkarating ng kanyang PA sa office ay pinakita niya ang files kay Axel pero nakita niyang tulala ito. "Ah sir," pagtawag niya rito pero waring wala itong naririnig at nakatingin lang siya kung saan siya nakatingin kanina pa. "Sir," nagsnap na si Kiel na PA niya sa kanya para matauhan na ito. "Ahh nandito ka na pala Kiel," sabi niya nang matauhan na siya. "Kanina pa kaya sir," sabi naman niya. Pero mapapansin niya ang pagkalungkot sa mukha ni Axel. "Sir nakikiramay ako," sabi ni Kiel at tinap-tap ang balikat ni Axel. Sa ginagawang iyon ni Kiel ay pinigilan man ni Axel na tumulo ang kanyang luha pero hindi niya mapigilan. Patuloy na ang pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata. "Jessica bakit ba kasi napakahina mo! Sumuko ka agad," Napaupo na si Jessica habang humahagulgol. Binisita niya ngayon ang katawan niya na nasa morgue sa ospital. "Hindi ko tinupad ang pangako ko kay Axel," napatakip sa mukha si Jessica dahil sa kanyang pag-iyak. "Hi binibini." Napatingin kaagad si Jessica sa kung sino man ang nagsalita dahil sa pagkagulat. "S-sino ka," gulat na gulat niyang tanong. Kita niya sa kanyang harapan ang isang lalaki na nakahood ng black. Pansin din niya na may itsura ito. "Ako si Nash, ang kanang kamay ng kamatayan," kinilabotan si Jessica sa sinabi ng lalaki at napaatras pa siya konti. "Nandito ako para sunduin ka," napaatras muli si Jessica dahil sa sinabi ni Nash na kanang kamay ng kamatayan. "S-sunduin mo ako? Saan ako pupunta?" natatakot na tanong niya. "Kailangan kasi na bawat kaluluwa ay masundo kasi kung hindi, gagala lang kayo dito sa lupa," sagot ni Nash. "Ayoko pang sumama sa'yo," sabi ni Jessica na inaalala mga memories nila ni Axel na magkasama. "Nangako ako sa kanya na hindi ko siya iiwan," sabi pa nito. "Pero yun ang nararapat," pagpumilit nito. "Please let me stay," sabi niya na tumingin bigla sa mga mata ni Nash at napaatras pa si Nash sa hindi malamang dahilan. Parang may something sa mga mata ni Jessica. Ang alam ni Nash na baka nasaktan lang ng sobra si Jessica kaya ganun ang nangyari. "Pinangako ko kasi sa asawa ko na hindi ko siya iiwan kahit sa kabilang buhay pa," mangiyak-iyak na wika ni Jessica. "Pero patay ka na," pagpumilit pa rin ni Nash. "Oo nga but I want to stay, gusto ko siyang bantayan," hindi nakapagsalita si Nash dahil sa sinabi ni Jessica dahil sa lahat-lahat ng sinundo niya ay si Jessica lang ang mareklamo at madaming request. "Please," hinawakan niya konti ang tela ng damit nito. Ilang segundo pa ang katahimikan hanggang sa nakapag-isip-isip na nga si Nash. "Hays sige na nga," napilitang sabi ni Nash. "Talaga?" nakangiting banggit ni Jessica. "Sa isang kundisyon," sabi muli ni Nash dahilan ng pagseryoso ng mukha ni Jessica. "Ano yun?" tanong niya. "May ibibigay ako sa'yong misyon," sabi ni Nash sa kanya. "A-ano namang misyon yun," nagtataka niyang tanong. "Sobra ang paghihinagpis ng iyong asawa ha," panimula ni Nash. "Kasi sobra niya akong mahal, at sobra ko din siyang mahal," sagot naman ni Jessica. "Ang misyon mo dito sa lupa bago pa kita kunin ay kailangan mong ipatanggap sa asawa mo ang iyong pagkawala," paliwanag ni Nash. "P-pano ko gagawin yun," mangiyak-ngiyak na sabi ni Jessica. Nang sandali ay may nilabas si Nash mula sa bulsa ng kanyang hood. At ito ay ang tablet. Kinalikot niya ito at may nagpopop na mukha at pangalan sa tablet na iyon. "Sa misyon mo ay syempre kailangan kang magposses ng katawan ng tao," naguluhan man si Jessica sa pinagsasabi ni Nash ay nakikinig nalang siya rito. Kinakalikot pa rin niya ang kanyang tablet na parang naghahanap ng taong ipoposses ni Jessica. "Heto na nga," masaya niyang balita. "Sino?" nagtatakang tanong niya. "Siya si Yesha, 24 years old," sabi niya at pinakita naman niya kay Jessica ang mukha ni Yesha sa kanyang tablet. "Anong espesyal sa kanya?" tanong niya. Parang kasing may nararamdaman siyang kakaiba sa kanya na hindi niya maintindihan. "Wala namang espesyal sa kanya. Bukod sa nakatira siya mag-isa sa kanyang bahay at night shift din siya sa kanyang pinagtratrabahuhan na caffee shop," paliwanag ni Nash.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD