Third Person's POV Naghanda na rin naman si Jessica para makapunta na sa kompanya ng dati nitong asawa. Nang maisara na nga niya ang pinto ng bahay Yesha at naglakad nalang siya papunta sa patutunguhan niya. Ngayong araw lang siya hindi bumabati sa mga nakakasalubong niya sa daan at ngayon lang siya nakabasungot habang naglalakad. Hanggang sa may nakasalubong siya. "Good morning," sabi niya na todo ngiti pa. "Good morning din," sagot ni Jessica na hindi man lang ngumiti kaya nagtaka ang babae. Hindi man naalala ni Jessica pero yung babae ang palagi niyang binabati sa umaga kasama ang strangers din para kay Jessica. Lumingon muli ang babae nang nadaanan na niya ito. "Ahh miss," pagtawag niya rito at hinabol pa niya ito. "Bakit?" nagtatakang tanong niya. "Ahh hindi mo ba ako naaalala?

