Third Person's POV "Gusto lang kitang bilhan nito," sagot lang din naman ni Nash sa kanya hanggang sa tuluyan na nga silang nakapasok sa loob. "Bakit mo 'ko gustong bilhan?" nagtataka muling tanong ni Jessica. "Ahh basta lang, sige na kasi pili ka na," sabi ni Nash. "Ito gusto mo? Bagay sa'yo 'to oh," sabi pa niya at inangat ang isang bag na pang teenager ang dating. "Ahh huwag na master, gagastusin mo lang pera mo para sa'kin. Saka ang laki na nga ng nagastos mo sa mga damit ko eh," sabi ni Jessica pero hindi niya ito pinakinggan. Namili-mili lang si Nash mag-isa niya kahit hindi na din nasang-ayunan ni Jessica ang kanyang desisyon. "Lahat po niyan," sabi ni Nash. Ang sales lady pati na rin si Jessica ay namangha muli dahil sa dami ng binili ni Nash na pang-ipit ni Jessica ng buhok

