Third Person's POV Pero napatayo nalang ulit siya dahilan ng pagkagulat ng dalawa. "Hindi niyo sinasabi sa'kin ang totoo," sabi pa niya at napatakbo palabas ng kwarto. Nagkatinginan naman ang dalawa bago tuluyang hinabol si Coby. Sa pagtakbo ni Coby ay nabangga siya kay boss nang hindi nito inaasahan. Nakita rin naman ng dalawa ang nangyari at agad na iniwas nila sa kanya ang kanilang paningin. Simula kasi nung hindi na nila ito mapilit na itigil ang kanyang ginagawa ay iniwasan na nila ito. Kulang na nga lang hindi talaga nila ito kakausapin kung hindi kailangan. "Oh bakit ka tumatakbo?" tanong ni boss kay Coby nang naupo muna siya para magkapantay sila ni Coby. Kaagad niyang niyakap si boss at umiyak dito. "Bakit niyo siya pinaiyak?" tanong ni boss sa dalawa pero hindi nga naman ni

