Third Person's POV "In love na siya sa sinasakyan mong katawan, in love na siya kay Yesha," sabi ni Nash na ikinatahimik ni Jessica. Hindi siya nagsalita habang palakad na siya patungong garden. Konti-konti ang kanyang lakad, nakasunod lang din naman si Nash sa kanya na pakonti-konti rin ang lakad. Naiintindihan niya rin naman si Jessica kung gusto niya muna ng space mula sa kanya. Dahil ang alam nito ay masasaktan si Jessica sa balitang iyon. Humawak-hawak na nga muna si Jessica ng mga bulaklak na kanyang nadadaanan. Meron din naman kasing signage doon na strictly bawal magpitas ng mga bulaklak. "Jessica magsalita ka naman, gusto kong malaman kung nasasaktan ka ba o kung anong nararamdaman mo," sabi lang naman ni Nash na nasa likod niya lang. "Wala naman akong masasabi eh. Iyon ang n

