Chapter 18

1153 Words

EHRAN "Ang gusto kong malaman, bakit bigla-bigla mo na lang akong dinala rito?" Napakisap ako nang marinig ulit ang boses ni Rhian. "Ah, alam ko na... siguro dito mo ako papatayin, `no, para walang makakita." Naramdaman ko ang parang maliliit na bagay na parang nagsitayuan sa balat ko nang marinig ang sinabi ni Rhian. "D-do you really believe na kaya kitang patayin?" "Bakit hindi? Hindi ba, ikaw na rin mismo ang nagsabi na anytime, puwede akong maging katulad ni Baltazar?" Gumuhit ang sakit sa magandang mukha ni Rhian na lalong ikinakonsensiya ko. Tinawid ko ang isang hakbang na pagitan namin ni Rhian at puno ng pagsuyo na hinaplos ko ang kabilang pisngi niya. Noon pa man, hindi ko na kinakaya ang makita siyang nahihirapan o nasasaktan. Kaya nga kulang na lang, suntukin ko ang sarili

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD