ATASHA SILVESTRE

1187 Words
NAGISING si Atasha na mainit ang ulo. Halos naka-tatlong litro rin siya ng redhorse nagdaang gabi—kasama ang tatlong kaibigan niya. Ito ang pangatlong linggo mula nang nawalan siya ng balita kay Jaseem. Hindi niya alam kung nasaan na ito pagkatapos ng tatlong taong relasyon nilang dalawa. Umalis ito na wala man lang kahit na ano'ng sinabi sa kaniya. "Goor morning, Ate," bati ni Andrew kay Atasha ang bunso niyang kapatid. "Walang maganda sa umaga!" tugon niya ito kasabay ng pagtalukbong ng kumot sa katawan niya. "Ang aga-aga para magsungit, Ate," turan nito sa kaniya. "Ano na naman ba ang problema?" narinig niyang tanong ni Andrew. "W-wala akong problema, Andrew! Pwedi bang lumabas ka na at iwan mo na ako!" matigas niyang singhal dito. "Si Kuya Jaseem na naman ba?" Padabog niyang tinanggal ang kumot na nakabalot sa katawan niya sa tanong nito sa kaniya—pinagdilatan niya ng mga mata si Andrew. Labing-anim na taong gulang pa lamang ito, pero parang ang dami na nitong alam sa mundo. "Can you please leave me alone—please! Hayaan mo akong mag-isa pwedi ba ha?!" paangil niyang sambit sa kapatid niya. Lumabi naman ito sa kaniya at halatang nang-iinis pa. "Just leave, Andrew— at huwag na huwag mo nang banggitin ang pangalan ng lakaking 'yon—please lang ha!" tukoy niya rito sa pangalan ng nobyo niyang nawala na lamang na parang bula. Mula nang mawala ito, para sa kaniya patay na rin ang binata. Sumuko na nga siyang hanapin ito at wala na rin naman itong balak pang magpakita sa kaniya. Labis na inis lang ang nararamdamam niya dito—wala naman dahilan para iwan siya ni Jaseem, wala siyang pagkukulang dito. Ang alam niya maayos ang relasyon nilang dalawa. Pwera na lamang sa hindi magandang gawain ng lalaki ang madalas nitong pambabae—actually hindi naman ito nakikipagrelasyon sa iba ang hindi niya lang makaya ang walang kapaguran nitong pagpapansin kahit kanino. Walang pinapalampas si Jaseem at ang masama sa gawain nito pagkatapos ng lahat basta na lamang ibabasura ang isang babae na parang walang nangyari. Iyon ang hindi kayang palagpasin ni Atasha sa sarili niya, dahil para sa kaniya bukod sa nobyo niya ang lalaki wala rin itong karapatan manakit ng damdamin ng ibang babae. Naiinis siya rito, pero mas naiinis siya sa mga babaeng wala pa rin humpay na nagpapansin dito kasehodang alam naman ng mga ito kung ano ang papel niya sa buhay ni Jaseem. Kaya nga ito pinadala sa Bacolod mula sa Manila para tuluyan ito ng leksyon. "Day dreaming again, Ate? Ang mabuti pa maiwan na kita para hindi matigil 'yang panaginip mo ng gising," tudyo sa kaniya ni Andrew. "Ang mabuti pa nga! Lumayas ka sa harap ko at baka hindi lang kita matantiya alam mo gagawin ko sa'yo," inis nyang turan sa kapatid. Iniwan nga siya nito. Pinaikot niya ang bolang itim ng mga mata niya, naiinis talaga siya at hanggang ngayon halos hindi pa rin ito nababawasan kapag naiisip niya si Jaseem. Sa sarili ilang beses tinanong kung kailan nga ba siya tatantanan ni Jaseem na isipin 'to? Matagal na itong wala sa piling niya, pero hindi niya pa rin magawang kalimutan ang lalaki. Sino nga ba naman ang makakalimot sa relasyon nilang hindi niya alam kung ano ang nangyari—daig niya pa ang na-ghost. Wala man lang kasi itong paalam sa kaniya, gusto niya man isiping buhay ito sa isip niya gusto niya na rin patayin ang lahat ng ala-ala ng binata sa kaniya. Wala na itong lugar sa buhay niya. "Bwesit siya! Bwesit siya!" galit na sigaw ni Atasha sa kawalan. ----- "Nice game, Dude," puri ni Aleck kay Jaseem dahil nanalo ang lalaki sa laro nilang counter strike. Wala silang nagawa kanina kaya nagpasya na lamang silang maglaro nang magpaalam ang mommy niya na bibisitahin ang saloon na pagmamay-ari nito. "Sabi ko naman sa 'yo e. Hindi mo ako matatalo," mayabang na sagot ni Jaseem sa kaibigan. "Oo nga e. Halata naman—talagang hasa ka na sa Bacolod ah," sabi sa kaniya ni Aleck. Actually—tama ang lalaki. Masyado ngang nahasa ang abilidad niya sa paglalaro ng online games sa probinsya kung saan siya pinatapon ng mommy niya sa Bacolod. Paano ba naman at wala siyang ibang ginawa sa lugar na 'yon kundi ang maglaro lamang lalo na kapag wala sa tabi niya ang Lola Cynthia niya o ang dalagang si Atasha. Halos maghapon at magdamag siyang naglalaro. Hindi naman siya hinahadlangan ng mga 'to at ang katwiran nila hayaan na lang siya kaysa ang umalis siya't mag-alala ang mga ito sa kaniya. "Ano, sasama ka ba mamaya sa lakad natin?" tanong sa kaniya ni Aleck. Alam niya ang tinutukoy ng kaibigan—nagkayaan ang ibang barkada niyang pumunta sa Quezon Avenue sa sikat na bar na nandoon na madalas daw puntahan ng mga 'to habang nasa Bacolod siya. "Natatakot ako at baka malaman na naman ni mommy," sagot ni Jaseem dito. Iyon naman talaga ang totoo sa ngayon balak niya sana maging good shot sa nanay niya at baka muli na naman siya nitong pabalikin sa Lola Cynthia niya. Kinuha niya ang inabot nitong isang bote ng beer sa kaniya—mabilis itong tinungga. "Ako ang bahala kay Tita Jai, sagot kita, Bro," sagot sa kaniya ni Aleck. May tiwala naman siya dito—bukod kasi sa matagal niya na itong kaibigan kilalang-kilala din ito ng mommy niya. May tiwala ang nanay nya kay Aleck. "Sigi..." matipid na tanong ni Jaseem dito. "Maraming chikas d'on. Ako na ang nagsasabi sa 'yong magsasawa ka lang," natatawang sabi sa kaniya nito. Naniniwala naman siya kay Aleck at tulad niya wala itong pinagkaiba sa hilig niya. Sa tingin niya nga ganoon ang mangyayari, nananabik na rin naman siya at ilang taon din siyang nawala sa buhay na katulad ng mga ito sa Bacolod naramdaman niyang para siyang naka-rehab. Naalala niya na naman si Atasha ang ginawa nitong pagbabawal sa kaniya sa lahat ng nakasanayan niya sa Manila—mula sa sigarilyo hanggang sa pag-iinom nya ng alak. Pakiramdam niya nga para siyang preso sa lugar na 'yon, tiniis niya ang lahat para makabalik sa Manila at ngayong nandoon na siya sa siyudad na 'yon pinangako niya sa sariling hindi na muli siya magpapahuli pa sa mommy niya o hindi niya na hahayaan pang muling masangkot sa kahit na ano'ng gulo. Hindi niya na bibigyan pa ng dahilan ang mga itong muli siyang ibalik sa Bacolod—hindi siya papayag. Para sa kanya he deserves in the city sa buhay na masaya siya at 'yon ay ang maraming babaeng nakaikot sa kanya, tulad na lamang kung saan nila balak pumunta ni Aleck. "May ipapakilala ako sa 'yo, maganda 'to siguradong magugustuhan mo," nakangiting aniya sa kaniya ng kaharap. "Si Angelies ang sikat na modelo ngayon sa sikat na magazine ng bansa, bro," turan sa kaniya ni Aleck na nagpalaki ng mga mata niya. Mas lalo siyang nanabik sa nakaplanong lakad nila. Hindi niya dapat palampasin ang pagkakataon na 'yon lalo pa't may kaugnayan ito sa babaeng nabanggit ng kaibigan—si Angelies Navarro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD