Naka-upo ngayon sa ilalim ng punong mangga si Keeran at Ace seryusong nag-uusap ang mga ito.
“Ace bakit napa-aga ang pagpunta mo dito sa Hacienda?"
"Nothing Keeran gusto lang kitang makita.”
"Cut the crap! Ace dahil kilala kita hindi ka mag-aaksaya ng gasolina papunta dito sa Hacienda kung hindi importanti ang sadya mo sa akin."
"Okay, masyado kang excited eh, sasabihin ko na darating na sa isang araw si Michelle."
"So?" walang kabuhay-buhay na tanong niya kay Ace. Hindi siya kinakabahan sa pagdating ni Michelle dahil napakadali lang para sa kan'ya na pabalikin ito sa Manila.
"Keeran alam mo na kung ano ang ibig kong sabihin. Kumilos ka na habang wala pa dito sa Hacienda si Michelle. Pakasalan mo na agad si Kate kung talagang mahal mo siya at kung ayaw mo siyang mapahamak. Alam mo naman kung gaano kasama ang ugali ni Michelle napakadali lang para sa kaniya na ilampaso sa putikan si Kate."
"Nagkakamali ka sa iniisip mo Ace sa nakikita kong ugali ni Kate palaban siya at hindi siya ang tipo ng babae na basta na lang iiyak sa isang tabi. Palagay ko rin Pare hindi oobra si Michelle kay Kate dahil amazona ang asawa ko. At tungkol naman sa kasal pumunta ka ngayon sa Munisipyo asikasohin mo ang mga dukumento na kailangan sa kasal. Abisohan mo na rin si Mayor sabihin mo sa kaniya na mamayang hapon kami ikakasal ni Kate."
"Okay, pare by the way alam na ba ni Kate ang kasaysayan nitong hacienda?"
"Walang alam si Kate tungkol sa kasaysayan nitong Hacienda at hindi ako papayag na malaman niya ang tungkol sa kasundoan ni Papa at ng kaniyang mga magulang. Saka palagay ko Ace mas mabuti nang walang alam si Kate para hindi siya masaktan."
"Hindi ako sang-ayon sa sinabi mo Keeran dahil karapatan ni Kate na malaman ang tungkol sa last will and testament ng kaniyang ama. Pare tandaan mo walang sekreto na hindi nabubunyag. Sigurado ako Pare na pagdating ng tamang panahon malalaman ni Kate ang buong katotohanan at kapag dumating ang araw na iyon magdasal ka na dahil baka sa bahay kubo ka na lang tumira."
Hindi siya kinabahan sa sinabi ni Ace dahil sanay naman siyang magbanat ng buto. Ang gumugulo sa isipan n'ya ngayon ay kung paano sasabihin kay Kate ang tungkol sa kasundoan ng kanilang mga magulang na hindi ito masasaktan.
"Hey! Pare natahimik ka na diyan. Okay, ka lang ba? Keeran huwag mo ng isipin ang tungkol dito sa Hacienda. Dahil ang kailangan mong gawin ngayon ay paibigin si Kate upang hindi ka niya iwanan kapag nagka-bukingan na."
"Kahit ano'ng mangyari Ace hinding-hindi ko bibitawan si Kate. Twelve years ko siyang tinanaw sa malayo hinintay ko siyang lumaki, tapos ngayon na nasa harapan ko na siya, pakakawalan ko pa ba?"
Determinado siyang pakasalan si Kate dahil mahal niya ito noon pa hindi lang niya masabi sa dalaga. Dahil sa last will and testament na iniwan ng kaniyang mga magulang. Sigurado siya na kapag nalaman ni Kate ang tungkol sa mana kamumuhian siya nito. Kaya naman habang wala pa itong alam sasamantalahin niya ang pagkakataon na makapiling ito at araw-araw ipaparamdam niya dito ang init ng kan'yang pagmamahal.
"Good luck! Pare sana nga ay magbunga ng ginto ang gagawin mo. Oh, s'ya sige, pupunta na ako sa Munisipyo. Sumunod kayo agad ni Kate doon ha, nang hindi ako doon maghintay ng matagal." Sinaludohan siya ni Ace bago ito sumakay sa mamahalin nitong sport car.
Nakapamulsa na pumunta s'ya sa kwarto ni Kate naabotan niya itong nakahiga sa kama. Walang paalam na humiga s'ya sa tabi nito.
Yayakapin sana niya si Kate kaya lang sinipa siya nito sa tagiliran kaya nahulog siya sa marmol na sahig.
"Keeran! Ano naman bang problema mo?! Bakit nang bubulabog ka na naman? Huwag mong sabihin sa akin na na-miss mo na naman itong coco melon ko?!" Pa-asik na tanong sa kaniya ni Kate. Dinampot nito ang lamp shade na nakapatong sa center table. Hinawakan nito ng mahigpit na para bang doon nakasalalay ang kaligtasan nito.
"Mi amore pwede ba bitawan mo iyang lamp shade dahil kapag ako napikon sayo huhubaran talaga kita. At saka ano bang kinatatakot mo eh, nahawakan at nakita ko na iyang coco melon mo naisubo ko pa nga lasang pastilyas." Parang turo na tinitigan siya ni Kate umuusok ang ilong nito sa sobrang galit at nang gi-gigil na ibinato nito sa mukha niya ang lamp shade. Mabuti na lang mabilis ang reflexes niya kaya na salo niya agad iyon.
"Hype ka talaga! Keeran ang bastos mo at perwisyo ka sa buhay ko. Dalawang araw pa lang kita nakakasama pero pakiramdam ko tumanda ako ng limang taon."
"Mi amore hindi ako bastos nagsasabi lang ako nang totoo at saka ano'ng iniiyak-iyak mo? Eh, mamayang gabi mag-ho-honeymoon na tayong dalawa."
"What?! Are you insane? Grabi ka talaga Keeran kahapon sinabi mo sa akin na kailangan kitang pakasalan. Tapos ngayon naman ini-imagine mo na agad ang magiging honeymoon moments nating dalawa." Naduduwal na wika ni Kate na para bang nandidiri ito sa kan'ya.
"Kate hindi ako nagbibiro totoo ang sinasabi ko na ikakasal tayo ngayon, kaya magbihis ka na nang maayos na bestida para makaalis na tayo."
"Ano?! Bakit ang bilis? Akala ko ba next week pa? Keeran sabihin mo nga sa akin kung bakit atat na atat ka na pakasalan ako?"
Nag-iwas siya ng tingin hindi niya kayang salubongin ang nagdudang mga mata ni Kate, kung hindi lang niya iniisip ang kapakanan ng mga magsasaka sasabihin niya dito ang totoo.
"Keeran bakit hindi ka mapakali? May sekreto ka bang itinatago sa akin?" Napapitlag siya ng hampasin ni Kate ang maskulado niyang balikat.
"Kate wala akong itinatago sayo kaya lang naman ako nagmamadaling pakasalan ka ay upang hindi ka na umalis dito sa Hacienda."
"Hahaha! Keeran ang babaw ng dahilan mo at alam mo ba kapag hindi ka pa tumigil sa pang-aasar sa akin. Aalis talaga ako dito sa Hacienda kasal man tayo oh, hindi." Seryuso saad ni Kate habang kumukuha ito ng white dress sa closet.
Natameme siya sa sinabi ni Kate hindi niya alam kung ano ang isasagot sa tanong nito.
"Keeran! Bakit nakatunganga ka pa diyan?! Huwag mong sabihin sa akin na panunuorin mo akong magbihis?" Nanlalaki ang mga mata na tanong nito sa kan'ya.
Ngumisi siya at natatawang nilapitan niya ito. "Kate bakit pa kita panunuoring magbihis? Eh, pwede naman na ako mismo ang magbihis sayo di ba?"
"A-Aahh... hmm.... Keeran napaka taba talaga ng utak mo!" Nakikiliti na sigaw ni Kate nang dahan-dahan n'yang hinuhubad ang damit nito.
"Yeah, mi amore mataba talaga ang utak ko kaya huwag mo nang tangkaing tumakas pa, dahil kapag ginawa mo 'yon ikakadena talaga kita dito sa ibabaw ng kama upang hindi ka na makapaglayas pa." Kinindatan niya si Kate para naman kahit papaano mabawasan ang kabang nararamdaman nito.