KABANATA 20 MARIS SANDOVAL ( POV ) NATIGILAN AKO SA 'DI KALAYUAN SA BAHAY NAMIN NG matanaw ko si ninong Anthony sa labas ng bahay namin habang nagyoyosi ito. Galing ako sa bahay ng bestfriend ko after kung umalis sa lupain ni ninong ko dahil sa sama ng loob. Nainis kasi ako dahil mas pabor pa niya ang babaeng yun kesa sakin. Mas di hamak na maganda naman ako sa babaeng yun at seksi. Naglabas lang ako ng sama ng loob sa bestfriend ko kaya hindi ako umuwe kanina. Mag-iinuman sana kami ngayun kaya lang hindi pa ako nagpapaalam kina nanay kaya hindi natuloy. Ngayun naman ay kasama ko ang kapatid ni Sheena dahil hinatid ako. Hindi na sana ako magpapahatid dahil maaga pa naman. Kaya lang makulet ang lalake at ihahatid daw ako kaya pumayag na ako. Mangliligaw ko rin dati si Onin pero binaste

