SET UP 02 LYKA SARMIENTO POV ONE MONTH LATER!! NAPATAKBO AKO SA AKING banyo dito sa loob ng kwarto ko dahil naramdaman kung parang hinahalukay ang tiyan ko saka sumuka sa lababo pero wala naman lumalabas. Panay ang suka ko ngunit mapait lang ang nalalasahan ko. Hindi ko alam kung bakit ako sumusuka ngayun. Wala naman akong kinain kagabi dahil natulog agad ako. Itong mga nakaraan araw ay napapansin kung parang may kakaiba sakin. Parang palagi akong inaantok at may hinahanap na pagkain. Tapos sabi pa ng iba kung kasama sa bahay ay namumutla ako. Ewan ko kung bakit. Wala naman akong sakit. Kailangan ko ng magpa-check up kasi mamaya kung ano na ito. Wala naman akong kinain kagabi pero parang hinahalukay ang tiyan ko. Naghilamos na ako at nagsepilyo muna bago tuluyan lumabas ng banyo. P

