BINYAG 2!! MARIS SANDOVAL POV PANAY ANG TAWA AT NGITI ko dahil sumasayaw na ang asawa ko habang umiinum at kainuman niya ang mga ninong ng anak ko. Kanina pa siya umiinum at panigurado ay lasing na ito kaya sumasayaw na. Hindi na nahihiya sa mga kainuman niya. Hinahayaan ko naman siya at nag-eenjoy siyang sumayaw. Akala ko sa kama lang siya marunong gumiling pero marunong pala siyang sumayaw at ang galing niyang gumiling habang sumusunod sa tugtog. Nagsisigawan tuloy ang mga kainuman niya at ang mga tao doon. Napailing na lang ako habang may ngiti sa labi. Tapos ay nagulat ako dahil lumapit siya sakin at ginilingan ako ng aking asawa. Napatakip tuloy ako sa mukha. Hindi ako nahihiya, naaakit ako sa paggiling niya dahil ang galing niya. Nag-iinit tuloy ang katawan ko. Maya-maya'y t

