KABANATA 25 NINONG ANTHONY ( POV ) NATIGILAN AT NAPALINGON AKO SA AKING TABI dahil may tumabi sakin at nakita ko si Gigi na may ngiti sa labi. " Ang lalim ng iniisip niyo sir ah?" Puna niya pa sakin habang nakatingin ako sa mga tao ko na busy sa paggawa ng bahay ko. Hindi ako ngayun naghahalo ng semento at nagpahinga muna ako. Nagkibit balikat lang ako sa kanya. Sa palagi niya dito ay naging magkaibigan na kami ng babae. Mabait at masarap 'din kausap si gigi dahil may sense siyang kausap. " Wala, may iniisip lang ako." Aniya saka naglakad patungo sa may punong mangga at naupo doon. Sumunod naman sakin si gigi at nagkwentuhan kami. Kapag nandito siya ay palagi kaming nagkukwentuhan kaya marami na akong alam sa kanya. Pero sakin ay wala pa siyang alam dahil 'di ako nagkukwento sa kanya

