KABANATA 51 NINONG ANTHONY ( POV ) NASUNDAN KONA LANG SIYA NG TINGIN habang patungo sa taas. Mukhang galit na naman siya dahil sa narinig. Selosa at matampuhin ang dalaga kaya susuyuin kona lang siya mamaya. Palagi naman. Lumingon ako kay Lyka ng marinig ko ang boses niya. Dating nobya ko si Lyka at naghiwalay kami dahil pumunta siya sa ibang bansa para mag-aral doon. Kinuha siya ng tiyahin doon at pinag-aral siya. Wala naman third party sa pagitan namin dalawa. Naghiwalay lang kami dahil mag-aaral siya sa ibang bansa. Pero wala naman kaming pinangako sa isa't isa na magkakabalikan kami kapag natapos na siya sa pag-aaral. Pero naging magkaibigan naman kami hanggang sa naging busy na kaming pareho dahil pumunta ako sa ibang bansa. Siya naman ay sa trabaho niya. Pero hindi kami nag-uusa

