KABANATA 01
MASAYA AKONG NAG-AAYUS habang nakatapat sa harapan ng salamin. Darating ngayun si ninong Anthony ko at galing siya mula sa ibang bansa.
Umalis siya ng pilipinas para magtrabaho dahil naka-sangla ang lupa nila sa bangko. Na sangla iyon dahil sa pagkakasakit ng papa ni ninong pero namatay 'din naman pagkatapos ng limang buwan.
Matagal na panahon na nagtrabaho si ninong sa ibang bansa kaya matagal na panahon ko rin siya hindi nakita. Hindi siya umuuwe ng pilipinas ng ilan taon. Ang akala ko nga ay hindi na siya babalik at doon na siya titira. Pero bumalik si ninong sa pilipinas kaya subrang saya ko ngayun.
Todo ayus ako ngayun dahil gusto ko ay maganda at seksi ako sa paningin ni ninong. May gusto kasi ako kay ninong at hindi nawala ang pagkakagusto ko sa kanya sa paglipas ng panahon. Kahit na matagal na panahon kaming hindi nagkita.
Hindi nga ako nag-boyfriend dahil sa kanya. Kaya ngayun ay virgin pa ako at no boyfriend since birth. Ang gusto ko kasi ay si ninong ang maging boyfriend at asawa ko.
Bata palang ay patay na patay na ako kay ninong pero hindi niya ako nakikita bilang babae kundi inaanak. Sana nga ngayun ay makita na niya akong isang babae.
Kasi gustong gusto ko talaga siya kaya nga hinihintay ko ang pagbabalik niya. Nawawalan na nga ako ng pag-asa dahil akala ko ay hindi na siya babalik.
Pero ngayun ay ang saya saya kona kaya nag-aayus ako ngayun.
" Uy! Dalian muna diyan. Kanina kapa nasa harapan ng salamin. Akala mo aalis, diyan lang naman sa baba." Sabi ng ate ko.
Bunso ako sa magkakapatid at lima kaming magkakapatid. Kaya lang ako ang pinaka-pasaway samin lima dahil 'di ako nagtapos ng pag-aaral. Tinatamad na kasi ako mag-aral. Magbubungkal lang naman ako ng lupa kaya hindi na ako nag-college.
" Oo na. Maganda na ba ako ate?" Tanong ko pa sa aking ate habang may ngiti sa labi. Walang kaalam alam ang pamilya kona may gusto ako kay Ninong Anthony.
" Oo, maganda kana. Kaya bumaba kana do'n at darating na ang ninong mo." Pagtataboy niya sakin.
" Nako ate. Sisingilin ko talaga ang ninong kona iyon dahil ang tagal niyang hindi ako pinamaskuhan ng ilang taon." Sabi ko sa aking ate.
" Oo, dahil galing ibang bansa. Malamang marami ng pera iyon." Udyok naman sakin ni ate kaya natawa ako bago lumabas ng kwarto ko.
Bumaba ako sa baba saka pumunta sa sala's at tumabi kina nanay saka tatay habang inaantay si ninong Anthony. Maliit lang ang bahay namin, sapat para sa aming pamilya. Ang kinatitirikan ng bahay namin ay galing sa tatay ni ninong. Binigyan kami ng lupa ni tatay Ador dahil magkaibigan sila ni tatay.
May kaya sa buhay sina ninong noon. Kaya lang naman sila nag-hirap dahil sa nagkasakit ang nanay ni ninong. Tapos nagkasakit 'din ang tatay ni ninong kaya napilitan siyang umalis ng bansa para magtrabaho doon.
Hindi naman talaga siya dapat ang ninong ko kundi ang tatay ni ninong na si mang Ador. Matanda na raw kasi si mang Ador sabi ni tatay kaya si ninong Anthony na lang daw.
Noong bata pa ako ay malapit na talaga ako kay ninong Anthony at palaging sumasama sa kanya dahil malapit lang ang bahay nila sa bahay namin.
Tapos subrang bait pa kasi ng ninong Anthony ko. Minsan pa nga ay siya ang nag-aalaga sakin noon. Kaya naging crush ko siya dahil ang bait niya sakin.
At nagseselos ako noon dahil kapag may nagiging girlfriend siya. Minsan hindi ko siya pinapansin pero sinusuyo niya naman ako kaya mas lalo ako napapalapit kay ninong Anthony. Subra 'din akong nalungkot ng umalis siya ng bansa para magtrabaho. Hindi ako makakain dahil subra ko siyang namimiss.
Mahal kona kasi si Ninong kaya naman gano'n na lang ang pangungulela ko sa kanya.
Maya-maya'y bigla ako napatayo mula sa aking kinauupuan ng makita ko si ninong na pumasok sa loob ng bahay namin.
" Ninong." Masaya kung sambit kasabay ng paglapit dito at hindi ko napigilan kumarga na para bang ako parin 'yung batang paslit noon.
Tila nagulat naman si ninong sa ginawa ko pero kinarga naman niya ako. Ganito ako noon kapag nakikita ko siyang dumarating, kumakarga talaga ako sa kanya.
Agad naman akong pinababa ni nanay at sinaway saka humingi ng pasensya kay ninong Anthony.
" Pasensya kana, Anthony. Masyadong na excited ang inaanak mo sayo."
" Si Maris na ba 'yan?" Gulat na tanong ni ninong sa nanay ko habang nakatingin sakin. Napangiti naman ako sa kanya habang nakatingin 'din ako sa kanya.
" Oo, si Maris nga. Dalaga na. Pero parang bata parin." Sabi ni nanay dahilan para mapasimangot ako. Mukha akong bata dahil ang liit kung babae.
" Ang laki muna, parang kailan lang ang liit liit mo pa." Wika naman ni ninong na may ngiti sa labi at ginulo pa ang buhok kona para bang paslit parin ako sa harapan niya.
" Dalaga na ako ninong at wala pang boyfriend." Sa halip ay sabi ko naman sa kanya habang nagpapa-cute.
" Talaga?" Anang niya sakin.
" Opo." Nakangiti kung sagot dahil masaya na ako at nandito na ang ninong ko.
" Nako, Ewan ko ba diyan sa bata na 'yan. Marami naman mangliligaw pero lahat basted." Wika ni nanay kay ninong.
" Aba'y papasukin niyo muna si Anthony para makaupo." Narinig kung sabi ni tatay.
" Ay! Oo nga pala." Saad ni nanay na pinaupo si ninong sa mahabang upuan namin. Agad naman akong tumabi sa kanya dahil miss na miss ko siya at yumakap sa braso nito dahilan para mapalingon siya sakin.
Ngumiti naman ako sa kanya ng pagkatamis tamis. At pagkatapos ay bumaling siya sa mga magulang ko.
" Salamat po, marami pala akong pasalubong sa inyo." At tumingin ulet sakin. " May pasalubong ako sayo. Sana magustuhan mo, hindi ko kasi alam na dalaga na pala ang inaanak ko." Nakangiting sabi ni ninong habang nakatingin sakin.
" Paano ang tagal niyong bumalik kaya hindi niyo alam na dalaga na ako." Hindi ko napigilan sabi ko. Sinaway naman ako ni nanay.
" Ikaw talaga na bata ka. Hala! Kumuha ka do'n ng maiinum ng ninong mo." Utos pa niya sakin kaya nakasimangot naman akong sumunod dahil gusto ko pang makausap si ninong Anthony.
" Mahaba na naman ang nguso mo. Napagalitan ka na naman ni nanay no?" Tanong sakin ng kuya ko ng makapasok ako sa kusina.
" Hindi po." Sagot ko naman. Malamig na malamig na juice ang hinanda ko kay ninong dahil galing siya sa biyahe. Sinarapan ko pa para magustuhan niya.
Nang matapos magtimpla ng juice ay pumunta na ako sa sala's namin na kung saan si ninong nakaupo.
" Ito na po ninong." Nakangiti kung abot sa kanya ang malamig na juice habang may ngiti sa labi.
" Salamat." Nakangiti niya ring sambit saka agad na ininum ang juice. At pagkatapos ay tumingin sakin kaya napangiti ako sa kanya ng matamis. Palagi akong may ngiti sa labi para naman magandahan siya sakin. Which is na maganda naman talaga ako.
" Mabuti naman at umuwe kana ng pilipinas." Narinig kung sabi ni nanay kay ninong. Hindi ako umalis doon at gusto ko pa makita saka makausap ang ninong ko.
" Umuwe na ako dahil ang lungkot doon, nay. Atsaka nakaipon na ako para sa pangtubos sa lupa namin. May ipon pa ako para sa pang-simula ng bagong buhay ko dito." Sagot ni ninong sa nanay ko.
" Malungkot nga doon." Ani tatay. " Pero may asawa kana ba?"
Natigilan naman ako sa tanong ni tatay at nakalimutan ko magtanong kung may asawa na ang ninong ko.
Mahina naman natawa ang ninong ko. " Wala pa nga po eh. Puro kasi may lahi ang mga tao doon. Ayaw ko naman po ang may lahi at mas gusto ko ay pinay."
Natuwa naman ako sa sagot ni ninong. Pero kahit may asawa na si ninong ay aakitin ko parin siya. Para maging akin siya.
" Gano'n ba? Aba'y ilan taon kana ba?" Anang ni nanay kay ninong.
" 35 na po, bata pa naman kaya ayus lang." Nakangiting sagot ni ninong na parang nagbibiro kay nanay.
" Dapat sa ganyan edad ay may asawa kana." Giit ni nanay kaya sumali ako sa usapan.
" Nay, ayaw pa nga ni ninong. Bakit pinipilit niyo siya?"
" Kasi matanda na ang ninong mo. Dapat sa edad niya ay may asawa at anak na siya." Sagot ni nanay sakin.
" Sa ayaw pa nga po niya. Bakit pinipilit niyo?" Giit ko pa kay nanay. Naiinis ako dahil pinipilit nila. Para lang sakin ang ninong ko.
" Baka mag-away pa kayong dalawa diyan?" Saway samin ni tatay.
" Anak mo kasi, parang ayaw pa niyang pag-asawahin ang ninong niya." Sumbong naman ni nanay kay tatay.
" Alam mo naman na malapit si Maris kay Anthony kaya ganyan ang batang 'yan." Wika ni tatay kay nanay.
Yumakap naman ulet ako sa braso ni ninong Anthony. Tila nagulat naman ito, Marahil sa tagal ng panahon kaya nanibago si ninong sakin. Sabagay, bata pa kasi ako noon. Hindi katulad ngayun dalaga na ako.
" Malapit talaga sayo ang batang 'yan. Walang bukang bibig kundi ikaw, kung kailan ka uuwe." Nakatingin samin na sabi ni nanay kay ninong. Walang kaduda duda ang mga tingin nila samin ni ninong.
Kung ang tingin nila nanay ay tatay ay walang malisya. Sakin merun dahil matagal ko ng gusto ang ninong Anthony ko. Hindi rin alam ng ninong ko. Kaya hindi niya alam ay pinagnanasaan kona siya.
Subrang hot at gwapo ng ninong ko ngayun kahit nasa 35 years old na siya. Parang mas lalo siyang naging gwapo sa harapan ko. At parang hindi tumatanda sa edad niya ngayun.
Hindi lang 'yun, mas lalong lumakas ang karisma at ang ganda lalo ng katawan niya. Yummy.
" Dito kana ba talaga ninong titira?" Tingala ko kay ninong. Tila naiilang naman sakin si ninong at hindi agad nakapagsalita dahil nakayakap parin ako sa beywang niya habang nakatigilid. Tapos andiyan lang ang mga magulang ko.
" Oo, dito na ako for good. At dito na rin ako mag-aasawa." Sagot naman ni ninong sakin. Parang hindi ko nagustuhan ang sagot niya. Pero okey lang, ako parin naman ang magwawagi. Iniba kona lang ang usapan at baka mainis lang ako. Masyado akong possissive sa ninong ko.
" Hmm, okey po. Dito ka po ba matutulog?" Maya-maya'y tanong ko sa kanya. Wala naman siyang matutulugan dahil sira na ang bahay nila.
" Oo anak, dito pansamantala titira ang ninong mo habang ginagawa ang bahay niya."
Natuwa naman ako dahil makakasama ko sa iisang bubong ang ninong ko. Palagi ko siya makikita at masisisilayan ang gwapo niyang mukha sa umaga.
" Sige na anak, samahan muna ang ninong mo sa magiging kwarto niya. Maya-maya'y utos sakin ni tatay kaya inaya kona si ninong sa taas namin.
Kaya lang naman nagkaroon kami ng lupa at bahay dahil sa tatay ni ninong. Tapos ng mangibang bansa ang ninong ko ay hinabilin ni ninong kay tatay ang lupa nila. Kaya nagtanim kami sa kanilang lupain. Pero ang bahay nila ay sira sira na dahil nalipasan na ng panahon.
" Dito po ang kwarto niyo ninong, tabi ng kwarto ko." Nakangiti kung saad dito. Kwarto 'yun ng isa kung kuya. At dahil may asawa na siya ay hindi na siya nakatira dito.
" Gano'n ba? Sige na, magpapahinga na ako. Mamaya na tayo mag-usap." Sabi nito na parang ilang na ilang sakin. Wala naman akong ginagawa sa kanya.
" Okey po, ninong." Nakangiti ko naman sambit habang may nakakaakit na ngiti sa labi. Gustong gusto ko talaga siya kaya gagawin ko ang lahat para maging akin lang siya. Sisimulan kona ang plano na akitin siya habang nasa bahay namin.
Noon ko pa pangarap ang ninong Anthony ko kaya gagawin ko ang lahat para makita niya ako bilang isang babae at hindi inaanak.
Lumapit ako kay ninong at hinalikan siya sa pisngi. Tila nanigas naman si ninong sa ginawa ko. Para bang ngayun lang siya hinalikan ng babae.
" Take your time po." May ngiti sa labing sabi ko bago ako tumalikod sa kanya at pakending na naglakad palayo sa kanya.
Hindi kona nakitang na napabuntong hininga si ninong ng malalim dahil sa inasal ko.