KABANATA 23 NINONG ANTHONY ( POV ) PAGDATING SA LUPAIN KO AY agad akong nagtrabaho at hindi kona inisip ang nangyare kanina sa pagitan namin ni Maris. Hindi ko alam kung bakit siya gano'n kay Gigi, hindi naman siya inaano ng babae. Ayaw ko lang maging masama ang tingin sa kanya ng mga tao kaya pinagsabihan ko siya sa kanyang asal kanina. Hindi ko alam kung bakit gano'n ang asal niya kanina. Samantalang mabait na bata si Maris at hindi gano'n ang ugali niya. Malaki na talaga ang pinagbago niya simula ng pumunta ako sa ibang bansa. Hindi kona nasubaybayan ang paglaki niya. Kakausapin kona lang siya mamaya at ipapaliwanag kona lang sa kanya kung bakit nasabi ko iyon. Wag sana siya'ng magalit sakin. Nabigla lang ako kaya nasabi ko ang mga katagang 'yun. Actually ay gusto ko siyang nandito

