KABANATA 43 MARIS SANDOVAL ( POV ) PAUWE NA KAMI SA BAHAY ni ninong matapos namin bumili ng isda na gusto niya dahil nagrereklamo na siya na palagi na lang gulay. Nadaanan na namin ang mga bruhilda sa may tindahan at pinapantasya na naman ang ninong ko. Panay ang pa cute ng mga animal at papansin. Si ninong naman ay nakangiti lang sa mga bruha kapag kinakausap siya. Mabait naman si ninong at hindi suplado kaya nakakalapit ang mga ito. " Hi." Pa cute ng isa ng mapadaan kami sa kanila. Nakangiti naman tumango si ninong kaya napairap ako sa hangin. Binati na nila ang ninong ko kanina pero ito na naman sila at nagpapansin. " May girlfriend kana ba? Ano nga ulet pangalan mo?" Tanong naman ni aling susan sa binata. Sana nga ay sabihin ni ninong na may girlfriend na siya para hindi na siya k

